• • •

32 1 0
                                    

Maraming nabuong kahulugan ang salitang pag-ibig.Ngunit ano nga ba ang totoong kahulugan ng pag-ibig?Madaming tao ang hindi nasisigurado sa kanilang nararamdaman kaya madami din ang nasasaktan.Ang pag-ibig ang pinakamadaming nagawang masakit at natulong sa atin.Tulad ng pagkabulag natin ang pag-ibig din ang syang magliliwanag sa ating nararamdaman at isipan.Ang buhay natin na kay pait,pag-ibig din ang syang magbibigay ng tamis.

Sa mundo para sa akin ang pag-ibig ang malakas sa lahat kase ang pag-ibig ang nagtutulak sa atin na gumawa ng mga bagay na hindi naman natin nagagawa noon.Ang pag-ibig ay isang rason din na bigyan kahulugan ang isang buhay at sa pag-ibig ay mararanasan ang lahat.Ngunit alam niyo ba?Na ang pag-ibig ang pinakaimportante sa lahat.Bakit?Kase sa pag-ibig natuto tayong magpahalaga at palakihin ang mga bagay na maliliit.Sa pag-ibig nalaman natin na kailangan muna nating mag-hirap para makamit ang kasiyahan pero alam mo din ba?Na ang pag-ibig naman ang pinakamahirap na tungkulin sa ating buhay kase sa pag-ibig hindi natin ito nadidiktahan kung ano at sino ang pipiliin.

Sa panahon ngayon,milyon-milyong tao ang iniwanan at nasaktan at libo-libong luha naman ang pumatak sa inyong mga mata nang dahil sa pag-ibig.Sa lahat ng nagdurusa,nagluluksa, at gustong mawala sa mundong ito dahil sa sakit na dinaramdam niyo ako'y magbibigay payo na sana'y magustuhan niyo at mga hugot para naman kayo'y maliwanagan sa isang bagay dapat noon pa ay alam niyo na.

Hugot at PayoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon