Sa panahon ngayon madaming tao ang namatay at nagpapapakamatay.
At isa sa rason na yun ay ang nasaktan dahil sa pag-ibig..
Mga taong kinikitil ang kanilang buhay dahil sa iniwan o sinaktan sila ng mahal nila sa buhay.Sa daming dahilan sa mundo bakit ang pagkakamatay ang pinipili niyo?
Sa mga taong gusto na natapos ang kanilang buhay ang aking maipapayo ay dapat magpakatatag kayo.Isa lang yang problema na magpapatapang sayo.Madaming tao pa ang nagmamahal sayo 'wag mong hayaang mawala ka sa mundong ito bang dahil lang sa isang lalaki/babae na iniwan ka.Tandaan mo may nakalaan sayo na kaya kang mahalin higit pa sa pagmamahal na inigawad niya sayo.Balang araw may darating din na tao na ituturing kang parang diyamante na ayaw nilang mawala dahil pinapahalagahan ka.
Iniwan ka kase may taong kaya manatili,iniwan ka kase baka nga hindi mo sya deserve.Kapag nasaktan ka wag mong gawing dahilan ang pagtapos ng buhay para lang din matapos ang sakit.Madaming nagmamahal,magmamahal at patuloy na mahal ka at si God yun.'Wag kang gumawa ng bagay na alam mong di matutuwa ang Panginoon kase maswerte ka dahil buhay ka pa dahil ang iba gusto pang mabuhay ngunit tapos na ang oras nila.Sa una talaga masasaktan ka pero sa sakit na yun matututunan mong maging matapang.
Tandaan mo diyamante ka hindi para sa kanya pero diyamante ka sa Diyos at sa taong nagmamahal sayo.
BINABASA MO ANG
Hugot at Payo
Non-FictionPara sa mga taong naging luhaan at hanggang ngayon ay nagluluksa pa din dahil sa sakit na nararamdaman.