Ngayon, andito uli si Madamme Shasha para kayo ay payuhan. Alam naman natin na maraming taong nagmahal at niloko.
Sa mga kababaihan at kalalakihan na na naloko ng mahal nila. Oo, alam kong masakit yun dahil binigay mo naman lahat pero ba't ka pa nga niloko diba? Alam ko din na may mga taong hanggang ngayon ay may tanong sa sarili tulad ng ' Ano nga ba ang pagkukulang ko? Para ako ay iyong lokohin? ' Tandaan mo na 'di ka nagkulang kaya 'wag mong tanungin ang sarili mo niyan dahil binigay mo ang lahat ng pagmamahal mo sadyang sya, oo sya. Sya ang may pagkukulang, kulang sa kuntentuhan kase kung marunong makuntento ang taong iyan 'di ka lolokohin kaso minsan talaga magiging kayo pero pansamantala lang. Pansamantalang saya at ligaya ngunit panmatagalang sakit kase nga 'di pa sya ang nakatadhana sayo kaya ikaw maganda ka/ pogi ka,mahalaga ka at karapat dapat mahalin kaya ngiti lang at makisabay sa agos ng pagibig. Mahal ka nila, ng pamilya at kaibigan mo at mas lalong mahal ka ng Panginoon at sya lang ang 'di mangloloko.
BINABASA MO ANG
Hugot at Payo
Non-FictionPara sa mga taong naging luhaan at hanggang ngayon ay nagluluksa pa din dahil sa sakit na nararamdaman.