*-*_KAITHE'S POV_*-*
"Mrs. Reyes asked me to ask you to join in our dance group in our school. Sabi niya na sobrang galing mo raw kasing sumayaw that's why she wants you to join in our dance group, 'yon lang naman ay... kung gusto mo."
Kinakausap niya ang kapatid ko? Kilala niya ang kapatid ko? Ah! It's because of Mrs. Reyes. He knows my sister 'cause Mrs. Reyes asked him to talk to Cath, that's why...
Ngunit hindi ko lubos maisip na tinitigan niya lang si JD at tsaka na umalis.
Bakit ganun? Ayaw niyang tanggapin yung offer ni JD ko? Nag effort pang mag salita nun si JD kahit nakikita ko sa mga mata niya na ayaw niya talagang kausap ang kapatid ko. Napilitan lang siya kasi ako talaga ang gusto niyang kausap.
Napaiwas ako ng tingin kay JD nang tingnan niya ako. Ene be 'yen... halos matunaw na ako sa titig niya. Ganun na ba ako kaganda?
"A, e... mauna na ako, may klase pa..." sabi ko at nag simula nang mag lakad.
Naramdaman kong sinusundan niya ako ng tingin kaya kinikilig ako ng todong-todo at na out of balance na pala ako pero...
"Muntikan ka nang humiga sa sahig, Ms. Romulo."
Kinilig naman ako sa ginawa niya. Halos mag wala na ako dahil sinalo niya ako nang muntikan na akong mahulog.
"Kaya nga e, buti sinalo mo ako," sabi ko at inipit ang buhok ko sa likod ng tenga ko.
Tinayo niya na ako at napatingin lang ako sa baba, expecting na may sasabihin pa siya.
"Romulo..." Napatingin ako sa kaniya.
"Kaithe na lang. Magiging close rin naman tayo 'pag nag tagal," sabi ko with matching pacute effect.
"Ah." Napakamot siya sa batok niya. "Pwede bang sabay tayo sa lunch?" nakangiti niyang tanong.
Totoo ba ang narinig ko?! Niyayaya niya akong sabay kami sa lunch?!
"Why not naman?! Tatanggihan ba kita?"
*-*_CATHERINE'S POV_*-*
Culinary and Arts ang kinuha kong course at parang gusto ko nang mag shift dahil araw-araw kong nakikita si Yuan. Parehas kasi kami ng course.
Pagkapasok na pagkapasok ko sa classroom ay siya agad ang nahagip ng mga mata ko. Kausap niya ang mga tropa niya.
Hindi ko alam kung bakit nakatingin din siya sa akin. 'Di ko alam kung nagsisisi ba siya sa ginawa niya o gusto niya lang talaga akong tignan ng masama.
Umupo na lang ako sa upuan ko at nag basa ng libro. 5 minutes pa bago dumating ang prof namin.
Habang nag babasa ay biglang may tumabi sa akin at tinignan ko siya. Si Clark, tropa ni Yuan.
"May kasabay ka ba mamayang lunch?" tanong niya.
"Bakit?"

BINABASA MO ANG
Moon Star
Genç Kurgu"Pumili ka! Ang buhay mo ang hinihingi ko?!" Walang nag salita. "Bibilangan kita ng tatlo. Isa... dalawa..." "'Wag naman sa gan'tong paraa---" *BANG!!* (putok ng baril) Hahayaan mo ba makitang naghihirap ang taong mahal mo? O mas pipiliin mong ibuwi...