ONE- Good bye

11 0 0
                                    

*-*_Catherine's POV_*-*

Si Yuan... siya yung lalaking gusto ko na simula nung magkakilala kami kaso may girl friend na siya at wala na talaga akong pag-asa. Tinatago ko na lang 'tong feelings ko sa kaniya kasi wala naman atang kwenta.

Pero sa totoo lang, hirap na hirap na akong itago sa kaniya 'to at gustong-gusto ko nang isagaw sa harap niya mismo na MAHAL NA MAHAL ko siya kaso hindi pwede e, baka mag-away lang kami nung girl friend niya.

Super close kami ni Yuan at halos kapatid na ang turingan namin sa isa't isa, lagi kaming mag kasama saan mang lumapalok ng mundo kami mapadpad. Madalas nga, kami pa ang mapagkamalang mag jowa kesa sa girl friend niya talaga.

Sa kasalukuyan, nandito kami sa Enchanted Kingdom ngayon, ewan ko dito bakit biglang nagyaya ng galaan na hindi man lang kasama ang girl friend niya.

"Tara, bili na tayo ng pagkain doon, kanina pa ako gutom ee." Pumunta kami sa bilihan ng popcorn tas umupo lang kami sa isang tabi.

Tahimik lang kaming kumakain habang pinagmamasdan ang mga taong dumadaan.

"Cath, ayaw mo pa bang mag boyfriend?" Nagulat ako sa tinanong niya.

"Bakit mo naman natanong 'yan?" tanong ko.

"Wala lang... kas----"

"Alam mo namang wala pa sa isip ko ang ganyang bagay, Yuan." Pero sa totoo lang, siya lang naman ang hinihintay ko dati pa pero para yatang hindi na mangyayari ang nais kong maging kami.

Tumahimik lang ulit siya.

"Yuan, naaalala mo pa ba nung unang araw na pumunta tayo dito? Sumakay tayo ng roller coaster tapos nag suka ka?" natatawa kong tanong sa kaniya.

"HAHAHA syempre naman, makakalimutan ko ba 'yon? Ikaw yata ang may kasalanan kung bakit ako nag suka."

"Bakit naman ako?" nagtataka kong tanong.

"Akala ko naaalala mo lahat HAHAHA ee paano naman kasi, pinakain mo ako ng maraming pagkain tapos hindi ko alam na pupunta pala tayo dito..." Pagkasabi ni Yuan nun tawa lang siya nang tawa na para siyang ewan.

"Sorna HAHAHA katawa kaya hitsura mo nun," hinampas ko siya pagkasabi ko nun.

Tawa lang kami nang tawa nun pero bigla na lang siyang nalungkot. Ang moody niya ngayon ah.

"Anong problema, Yuan? Bakit parang ang moody mo ngayon?" tanong ko.

Moon StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon