TWO- Dance Group

8 0 0
                                        

Catherine's POV

Simula nang matapos yung araw na 'yon ay naging malungkutin na ako. Ni hindi ko alam kung anong gagamitin kong motivation ngayong hindi na kami mag kaibigan.

Siya lang kasi ang inspirasyon ko sa mga studies ko. Parang nawalan na ako ng pag-asa sa buhay ko. Parang wala nang saysay para mabuhay pa ako dito.

Isang buwan na ang lumipas at December na. Isang buwan na nga ang nakalipas at kahit anong pilit kong gawin ay hindi ko pa rin siya magawang kalimutan.

Gustong-gusto ko na siyang kalimutan kasi nahihirapan na rin ako. Sawang-sawa na akong nasaktan sa tuwing nakikita ko sila. Sobrang sakit na nakikita ko si Yuan na masaya kay Nicole. Masaya siya kay Nicole at mahal na mahal niya pa samantalang ako, pampalipas oras niya lang nung mag kaibigan pa kami.

Sabah kaming pumasok ng ate ko sa school. Pagkapasok namin sa school, nakita namin ang isang dance group. Ang aga-aga, nag prapractice agad sila ng sayaw para doon sa gaganapin naming event sa plaza.

May magaganap kasing competition doon at sila ang representative ng school namin. Magkakalaban ang iba't ibang school. Seryosong labanan 'yon kaya siguro todo practice na rin sila.

Kasama nga pala si Nicole sa dance group na 'yon, dancer kasi siya and whatever. Wala na akong pake kung hinahangaan talaga siya ng todong-todo ni Yuan.

"Ang gwapo talaga ni JD 'no, nakaka-in love talaga siya lalo na 'pag sumasayaw."

Naaalala ko pa noong unang beses na nafall sa kaniya si Yuan. Yung time na nag audition si Nicole sa Dance Group na 'yan... oo, aaminin ko, sobrang galing niya talagang sumayaw and Yuan love dancers. He love talented girls, e ano naman ako sa tabi niya?

"Hala?! Cath! Tingnan mo oh! Sana ako na lang yung babaeng tinuturuan niya."

Sinubukan ko ring mag audition sa Dance Group na 'yan pero hindi ako natanggap kasi wala naman akong talent sa pag sayaw. Pero pinag-aralan kong sumayaw para lang mapansin din niya.

"Kung may talent lang din sana ako sa pag sayaw edi sana napansin niya na ako at close kami ni JD ngayon."

Kaso nung aumali ako sa dancing contest ay hindi ako nakanood si Yuan dahil nagkasakit siya that time. Sayang effort ko nun. Ginalingan ko pa man din.

"CATHERINE!" Napatingin ako kay Ate Kaithe. "Kanina pa ako nag sasalita dito pero parang 'di yata nakikinig."

"Pasensya na ate, ang dami ko kasing iniisip. Ano ba 'yon?" tanong ko sa kaniya.

"Tingnan mo yung lalaki na 'yon." Tinuro niya yung lalaki ng may kausap na teacher. "Siya si JD. Siya yung taong matagal ko nang gusto."

Napatingin ako kay ate nang sabihin niya 'yon. Ngumiti siya ng pagkatamis-tamis.

"Since when?" tanong ko kay Ate Kaithe.

"Simula nung 1st year college tayo. Tagal na 'no?" Sabi ni ate at napatingin ulit ako doon sa tinuturo ni ate.

Grabe, ang tagal na nga. 4th year college na kami e.

Nakita kong may tinuro yung teacher na kausap ni JD sa direksyon namin. Napatingin ako sa likod namin pero wala namang tao. Napatingin ako kay ate.

"OH MY GOD! Napatingin siya sa direksyon natin at papalapit na siya. Anong gagawin ko?" natatarantang sabi ni ate.

Napatingin ako kay JD and...

"Hi..." bati niya sa amin at nakatitig lang ako sa kaniya.

"Hello! My name is Kaithe, Kaithe Lynn Romulo. Nice to meet you, JD." Malapad ang ngiti ni ate at inaabot niya pa ang kamay niya kay JD para makipag shake hands.

Parang wala atang magawa si JD at nakipag shake hands na lang din.

Ito na siguro ang time para magkakilala silang dalawa.

*awkward*

"Uhm... maiwan ko na po kayo. May klase pa kasi ako," sabi ko sa kanilang dalawa.

Papaalis na sana ako kaso bigla akong pinigilan nung JD.

"So if this is Kaithe Romulo, you're Catherine Romulo, am I right?" May pagkunot siya ng noo.

Napatingin ako kay ate at nakita kong nagtataka rin siya.

"What do you want?" tanong ko.

"Mrs. Reyes asked me to ask you to join in our dance group in our school. Sabi niya na sobrang galing mo raw kasing sumayaw that's why she wants you to join in our dance group, 'yon lang naman ay... kung gusto mo." Napatitig lang ako sa mga sinabi niya.

But instead of answering his proposal, umalis ako ng walang pasabi. Bastos na kung bastos, wala ako sa mood.

Moon StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon