Part 1

312 11 0
                                    

Ang pangalan ko ay Trixie. 21 years old. Magdadalawang taon na akong naninirahan mag-isa  sa inuupahan kong maliit na apartment dito sa may Quezon City.

Apat na araw na ang nakakalipas, napansin kong nawawala ang cellphone ko. Kabibili ko lang non at isang linggo pa lang ang nakakalipas kaya naman halos mabaliw ako nung nawala yon. Matagal ko rin yung pinag-ipunan at halos hindi ako kumain dahil gustong-gusto ko talagang mabili ang bagong modelo ng cellphone na yon. Sa totoo lang hindi ko alam kung nawala ko ba yon o may nagnakaw ba.

Nung makalawa, naisipan kong tawagan ang bagong cellphone ko gamit ang luma kong cellphone. Baka sakaling nawaglit ko lang at nandito lang sa loob ng bahay. Tinawagan ko ito at narinig ko itong nagri-ring. Mga 18 times ko siguro itong tinawagan pero wala namang sumasagot.

The Missing CellphoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon