Kahapon, habang nanonood ako ng TV sa may salas. Sinubukan ko ulit itong tawagan. Laking gulat ko noong narinig ko ito na nagri-ring sa loob ng kwarto ko.
Nagtaka ako dahil nung tinatawagan ko ito noong makalawa at wala namang nagriring sa loob ng kwarto ko ngunit bakit ngayon ay nagri-ring na?
Tinry ko itong hanapin. Sa ilalim ng kama, sa closet, sa mga drawer at kahit saan na posibleng paglagyan ng cellphone ko. Mabaliw-baliw na ako dahil naubos ko ang buong araw sa paghahanap at halos baliktarin ko na nga ang buong kwarto ko ngunit hindi ko talaga ito makita.
Nung gabi, habang kumakain ako sa may salas at nanonood ng paborito kong teleserye, naisipan ko ulit na tawagan ang cellphone ko.
BINABASA MO ANG
The Missing Cellphone
Paranormal[Mystery/Paranormal] ✪ “H-hello? Sino to?” Tanong ko. Pinakinggan ko mabuti ang nasa kabilang linya pagkatapos ay may narinig akong kaluskos. Mga ilang segundo ay may narinig akong boses.