NO ERASE!

268 15 7
                                    

Aimy's Pov

"Aimy, May nabalitaan ako!" sigaw ni Roxan papunta sakin.

"Pwede namang makapaghintay na makalapit sa 'kin para masabi ng maayos noh?" - Ako

"GAGA! Eh sa ayaw ko na ganun." - Roxan

"Sira ka talaga. Oh sya, ano ba yung nabalitaan mo?" - Ako

"May mga groups sa school natin ang nagpapalaro para sa mga members ng scholar, ililista daw nila yung mga names ng mga gusto nilang magkatuluyan. Oh diba? Astig. Mwahaha. Sino kaya sa ating dalawa ang masasabit sa List nila? At sino ang pakner?" - Roxan

Kahit kailan talaga 'tong si Roxan ang lakas ng tama diba? As if naman na masasama kami sa list. Ay nakooo! Ano nanaman ba yang game na yan?! Para namang maayos ang ginagawa nila! Kung nag-aral nalang sila? At kung ibaling nalang nila ang attention nila sa school na ayusin ito? Edi napaganda pa nila!

"Ewan ko sayo. May maglilista ba satin? Oh ano?!" - Ako

"Malay mo!" - Roxan

"Ewan na talaga sayo! Wait, kailan ba daw yan?" - Ako

"Simula ngayong Wednesday - Friday." - Roxan

"Ah. Okay. Tara na at gutom na ako, ang tagal kasi mag cr! Tapos ngayon pala nakikipag chismisan lang!" - Ako

"Whatever!" - Roxan

Pumunta na kami sa canteen, nag-order at naghanap na kami ng upuan.

"Hi Aimy. Hi Roxan." - Rocky

"Hello." - Simpleng sagot ko. Pakipot e. Oww my. Si Rockyyy! Ang matagal ko ng iniirog. Wahahaha. Bakit ba ang gwapo niya talaga? Yung mata niya, yung ilong niya, yung labi niyang nagbibigay ng matatamis na ngiti sakin. Nakooo. Nakakainlab!

"Hello, mabato!" - Energetic na sabi ni Roxan.

"HAHAHA. Ikaw talaga Roxan. Ngayon pa lang ba kayo kakain? Kanina pa lunch time niyo ah?" - Rocky

"Hindi ba halata, Rock?" - Roxan

"Yang si Roxan kaya, hinintay ko siya ng matagal!" - Ako

"Hoy! Hindi naman matagal yun ah!" - Roxan

"Anong hindi? Batukan kita dyan e!" - Ako

"Manahimik na nga kayo. Pwede sumabay sainyo?" - Rocky

"Sure!" - Ako

Ang laki ng smile ko ngayon. ;D

"SURE NA SURE don sa isa." - Roxan

"Haha. Thanks." Tumayo na si Rocky para mag-order ng pagkain niya.

"Alam ko na kung sino ang ililista ko." - Roxan

"Ililista? Saan? Sino?" - Ako

"Yung sa game ng mga groups natin dito sa school. Sino? Edi kayong dalawa ni Rocky! Torpe si Lalake, Tanga si Babae, sa tingin mo? May mapapala kayo? WALA diba? Edi ako na ang gagawa ng way! MWAHAHAHA." - Roxan

"ANO? BALIW KABA?!" - Ako

"Nope. Magpasalamat ka nalang sa gagawin ko. HAHAHA!" - Roxan

 Bigla namang dumating ulit si Rocky.

 "Here." inabutan kami ng softdrinks ni Rocky

"Thanks." Ako&Roxan

Maya maya natapos ng kumain si Roxan at nagpaalam na may pupuntahan daw.

"Guys, mauna na ako ah? May pupuntahan pa kasi ako at kailangan kong gawin ang balak ko. HAHAHA." Roxan. Nakooo! Yang tingin mong yan sakin Roxan alam ko na yan, may balak nga to. Pakshet! Waaaaag.

"Haha. Sige. Mag i-ingat ka." Rocky

//FRIDAY

"Hey! Aimy." - Roxan

"Yes?" - Ako

"May nakalimutan pala akong sabihin, ang taong hindi sasang-ayon sa game ay matatanggal sa scholarship. Yun ang batas ng game. So, goodluck sainyo." - Roxan

 Umalis na siya. Ano?! Matatanggal?! Ano to?! Loko tong mga to ah. Pumunta ang lahat ng mga estudyante sa gym dahil doon daw gaganapin.

"YOW GUYS! Sabik na ba kayong makilala ang mga couples natin ngayon?" - President ng group.

"YEEEEEES!" - sigaw ng lahat except ako.

"Okay. Mukhang hindi na kayo makapaghintay. May nag lista kila -----" tumahimik naman ang lahat. "Kila ---- Rocky & Aimy! Sila ang top one sa ating list, sila ang pinaka sikat sa ating eskwelahan ngayon, binansagan nilang TORPE SI LALAKE, TANGA SI BABAE. So, nakatulong pala sakanila ang ating game. Nasaan sila ROCKY&AIMY? Simula ngayon, KAYO na. Kung hindi kayo sang ayon sa game, sorry nalang sa scholarship niyo."

Pumunta ako sa mga pinagsusulatan ng mga name (List) para burahin yung name ko. Nakakaasar! Kumuha ako ng ballpen sa bag ko para burahin ang name namin ni Rocky. Nilabas ko na yung ballpen at buburahin na ---

"Oops! Anong gagawin mo?" - Rocky.

"Buburahin!" - Ako

"NO ERASE!" - Rocky

"Aba?! Pati pa ba naman ikaw? Nagpapaniwala? Ayaw kong dahil sa game na ito doon ako magkakaroon ng boyfriend! Gusto ko yung totoo! Gusto ko yung talagang gusto't mahal ako."

"What if ganyan ang nararamdaman ko para sayo? Buburahin mo pa ba? Matagal na kitang gusto't mahal Aimy. Dito nga ako nagkaroon ng lakas ng loob para masabi sayo ang mga nararamdaman ko. Ano? Ayaw mo sakin? Seryoso ako, Aimy. Pero kung ayaw mo, ako na mismo ang magbubura sa mga pangalan natin." Kinuha niya sakin yung ballpen para burahin ang names namin.

"NO ERASE!" Sigaw ko. "Mahal din kita, Rocky!"


-End.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 24, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

ONE SHOTS HERE! :)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon