Introduction

3.1K 16 2
                                    

POOR BUT SEXY

by: Cytygem

(sorry for typo-error, enjoy reading)

Intoduction:

"Aray!" hiyaw ko ng madikit yung daliri ko sa kalderong sinasaingan ko ng bigas, titignan ko sana kung luto na.

"Anong nangyari sayo Fei?" nag-aalalang sabi ni inay sa'kin.

"Wala po yun inay! Napaso lang" pinahiran ko ng katas ng kamatis yung daliri ko na napaso.

"Sa susunod kasi magingat ka" malumanay na sabi ni inay.

"Opo!" nakangiti kong sabi.

"Oh! Ako na diyan, bantayan mo na lang si Felina, baka lumabas ng bahay yun at awayin na naman ng mga kalaro niya." si Felina yung kaisa-isa kong kapatid, panganay ako.

Ako po pala si Fei Santos, isang mahirap na dalaga sa Sitio Mahinang, isang barangay sa isang pulo sa Pilipinas, na nangangarap na mapabuti ang aming buhay. Namatay na kasi ang aking itay kaya lalong humirap ang aming buhay. Sumasali ako sa mga paligsahan ng kagandahan kung mayron para may panggastos kami. Si inay naman, tumatanggap ng labada at minsan kaming dalawa.

"Nay! nakarating ka na ba sa Maynila?" sabi ko habang sinusuklayan si Felina.

"Wag ka ng mangarap pumuntang Maynila!"

"Ate bakit? gusto mong makarating sa Maynila? sabi naman ni Felina.

"Oo Felina! para gumanda ang buhay natin, magtatrabaho ako don!" nakangiti kong sabi.

"Fei! sekondarya lang natapos mo, wala kang mapapala don baka kung ano pang mangyari sayo don, maraming masasamang tao don kung di mo naitatanong" si inay.

"E nay, lalong di tayo uunlad pag andito lang tayo, malayo sa kabihasnan, ni wala nga ditong kuryente, gusto ko rin pong makakita ng telebisyon noh, ng mga sasakyan, ng mga building" nangangarap kong sabi.

"Dito na lang tayo, mas magandang mamuhay sa simpleng paraan"

Hay naku si inay talaga! Walang kapangapangarap sa buhay.

 Gusto ko talaga sanang makarating don at magtrabaho ng sa ganon maiangat ko ang buhay namin sa kahirapan.

"Hindi porket nakatapos ka na ng high school ay makakakuha ka ng trabaho don, karamihan don may pinagaralan kaya may kompetisyon sa paghahanap ng trabaho, idagdag mo pa na taga baryo ka, di ka nila pagaaksayahan ng oras." litanya ni inay.

"Kahit ako po ang valedictorian inay?" ako ang nanguna sa mga nagsitapos nung grumaduate kami ng 4th year high school.

"bakit? ilan ba kayong nagsitapos aber?"

Napakamot ako sa ulo "dalawamput anim po" humina yung boses ko.

"Anak! matalino ka, oo, pero hindi sapat yung mga natutunan mo sa paaralan dito para payagan kitang magpunta sa manila, hindi mo alam ang lupit ng mga tao don, don mo makikita ang ibat ibang klase ng masasamang tao." litanya na naman niya, "At ang mga nagsisitapos don ng high school sa isang paaralan ay libo, tapos di ka pa nagkolehiyo, anong laban mo sa kanila?"

"Opo nay!" yun lang naisagot ko. ilalagay ko na lang sa pangarap ang pagpunta don. Lihim akong nalungkot sa katotohanang dito na ako tatanda sa lugar na 'to, tatandang katulad ni inay na umiikot lang ang buhay sa apat na sulok ng kubo namin, at puro asul na karagatan lang ang tanawing nakikita.

☺POOR but SEXY☺Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon