Chapter 30 ♥Umiibig na ba ko♥

840 7 6
                                    

Chapter 30 ♥Umiibig na ba ko♥

Fei's POV

"Anong oras na ah! ba't wala pa si sir?"

Ala una na kasi ng umaga, pero hindi ko pa rin naririnig yung pagdating niya.

Napagpasyahan kong pumunta sa kusina para uminom ng tubig.

"Baka di na yun uuwi?" nagkibit-balikat ako..

Ding Dong! Ding Dong! Ding Dong! Ding Dong! Ding Dong!

Halos mabuga ko yung iniinom kong tubig sa gulat..

Napaubo-ubo pa ko..

Ding Dong!Ding Dong!

"Opo! bubuksan na!" baka si sir Quinn na yun.

Pagbukas ko ng pinto, laking gulat ko sa nakita ko..

Isang lalaking akay-akay si sir Quinn, at amoy alak ah! pero humahalo sa amoy ng isang pabango.

"Hi!" sabi nung lalaki, "Miss ikaw ba yung p.a. nitong lalaking 'to?"

"O-opo! pasok po kayo!" pumasok naman 'to..

"Ako nga pala si Howard kaibigan nitong si Quinn, uhm, as you can see, he's kinda hehe drunk!"

Tumango lang ako, "Ihahatid ko na siya sa kwarto niya, then ikaw na bahala sa kanya ah, hinahanap na kasi ako ng wife ko e"

"Ah! S-sige po!"

At pagkahiga nga ni sir Howard kay sir Quinn sa kama nito, ay nagmamadali na siyang nagpaalam sakin.

"By the way, ano nga bang name mo?" tanong niya sa akin bago siya lumabas ng kwarto.

"Fei po!" mabilis ko namang sabi..

"Nice meeting you Fei, kaw na bahala sa kaibigan kong yan ah! malakas talagang uminom yan e!" at tuluyan na nga itong umalis..

☺POOR but SEXY☺Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon