Chapter 52 ♥ Her right hand accidentally touched his toot.. ♥

394 3 0
                                    

Chapter 52  ♥ Her right hand accidentally touched his toot.. ♥


Scanning cable channels...


Nababagot na siya.

Kasalukuyang nasa harap si Quinn ng telebisyon niya sa kwarto..Umiinom din siya ng beer. Actually, nakatatlo na siya.. Nagpapaantok.

"Tss. That stupid girl..Bakit ba ang tigas ng ulo niya? diba sabi ko huwag muna siyang lalapit sa kung sino sinong lalaki?" Napabuntong hininga siya. "At ano naman kayang ginagawa nila ngayon ni Jared sa unit non?" lumagok ulit siya ng serbesa.


Bakit nga ba si Fei ang inaalala niya? Diba dapat ang nirereminisce niya ngayon ay yung nangyari sa kanila ni Cass kanina?


Napailing siya.

"Sobrang bait ni Fei para iwan mo siya..she perfectly fits to you as your girlfriend..nabubulagan ka lang sa nararamdaman mo para sa akin..ayaw kong iwan mo siya para sa akin"

Naalala niya ang mga sinabi ni Cass non. Ayaw nitong iwan niya si Fei para sakanya.


Napasabunot siya sa buhok niya.

Akala niya magseselos ito pag nakilala nito si Fei..pero parang mas nagkaroon pa ito ng dahilan para di na siya balikan.


Napapailing niyang tinungga yung natitirang laman ng bote ng beer.


Nakatulala siya sa TV.. Isang babae at lalaking naliligo sa ulan..naghahabulan sila..

Baduy! sa isip niya.


Ano ba tong pinapanood niya? Nang akmang ililipat na niya ng channel. Natigilan siya.


Naghahalikan ang mga tauhan.

Napatunganga siya sa pinapanood. Matagal yung paghahalikan nila.

At siya naman parang may ibang naramamdaman..Naeexcite siya sa nakikita as if nanonood siya ng porn.


Dahil ba ito sa nangyari sa kanila kanina ni Cass? yung made love nila?

Dahan dahan siyang pumikit na parang nawawala siya sa sarili.

Dala na rin siguro ng espiritu ng alak.


Unti unting lumabas ang mukha ng isang babae sa balintataw niya.


"Oh Cass!" Nasambit niya.


Unti unti namang naging malinaw ang mukha ng dalaga sa isip niya..


"Fei?" napadilat siya.


....

....

....

....

Masakit ang ulo ni Fei ng magmulat siya.

Napamulagat siya ng malamang hindi niya alam kung nasaang kwarto siya.

Tumayo siyang nakawak sa ulo niyang sobrang sakit.. Nilibot niya ang kwarto.. May mga larawan sa pader.

"Sir Jared?" nalaki ang mata niya ng maalala na umiinom siya kasama nito nung nasa party sila.

Nalasing ba ko? sa isip niya.


Pagtingin niya sa salamin..nakapajama at t-shirt na siya..


(O_O)


Paanong nakapagpalit siya?


Huwag mong sabihing...

Nagulat siya ng biglang bumukas ang pinto.


"Ay pwet ng kabayo" tili niya.


"What did you say?" pumasok ito na may dalang pagkain.


"W-wala po" napatalikod siya bigla ng makitang ang igsi ng short nito at nakasando lang.


Ayaw niyang isiping hindi na siya birhen sa mga oras na yun..


Narinig niya ang paglapag nito sa mesa ng mga pagkain at ang mga yabag ng paa nito palapit sa kanya.


"Fei..."


Jusko! aamin na ba siya tungkol sa naganap kagabi? sa isip niya.


"Fei i'm sorry kung...kung..." kinakabahan siya sa mga susunod na sasabihin nito kaya siya na ang nagsalita.


"P-panagutan na lang po naten sir Jared kung ano mang nangyari kagabi" hindi pa rin siya makatingin ng diretso dito.


"Ha?" si Jared.

"W-wala naman po tayong magagawa kung may nangyari na..pareho tayong lasing...wala tayo sa katinuan." litanya niya.


Mukha namang nagegets na ni Jared ang dalaga. Gusto niyang matawa pero seryoso ang mga tinig ng dalaga habag sinasabi nitoang mga bagay na yun..di niya kasi makita ng reaksyo nito dahil nakatalikod ito sa kanya.


Napagpasyahan niyang iharap ito para makapagpaliwanag siya sa kung anong tunay na nangyari nang....


Her right hand accidentally touched his toot..

(O_O)

☺POOR but SEXY☺Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon