Chapter 13 ♥gwapong halimaw♥

936 7 3
                                    

Chapter 13 ♥gwapong halimaw♥

Room 201

Quinn Carlos

Eto na siguro yung kwarto ni Sir Quinn..

Binuksan ko yun.. Bumungad sa akin ang isang napakaganda at malaking kwarto.. parang bahay lang..may sala, may napakalaking bintana .. tapos sa bandang kaliwa may isang dibisyon, parang kusina.. nasa gitna naman ang mesa niya.. may nakapatong na parang maliit na telebisyon.. wow!

Ang linis naman pala niya sa kwarto niya.. at maamoy mo don ang pabangong pangbata.. hindi masakit sa ilong..

May isang larawan sa mesa niya..larawan ng isang pamilya..ina, anak at ama..

siguro siya yung bata.. ang gwapo talaga niya kahit nong bata pa siya.. lihim akong napangiti...

nilagay ko yung mga gamit ko sa loob ng kusina.

nagsimula akong magwalis.. nagpunaspunas..

nakarating ulit ako sa mesa niya... binuksan ko yung kahon ng mesa (drawer yun mga kapatid), may nakita ulit akong larawan.. si sir quinn at isang magandang babae.. magkaakbay sila, baka kasintahan niya..

Biglang bumukas ang pinto.. "Ay pwet ng kabayo!" naisara ko ng bigla yung kahon ng mesa.. naipit tuloy yung daliri ko..

"What the heck!" Naku po si sir Quinn pala.. "What do you think your doing?" pasigaw niyang sabi..

Nakita niya atang binuksan ko yung kahon ng mesa niya.. Patay!

"Magandang umaga po sir Quinn, n-naglilinis po ako.." nakayuko kong sabi, nasa harap pa rin ako ng mesa niya..

Bumuntong hininga ito, sayang ang kagwapuhan niya, nalukot ng galit..

"Anong trabaho mo dito?" halatang nagtitimpi ito, nakapameywang.

"P-Personal assistant niyo po.."

"So.. youre not my janitress or what, p.a kita kaya gagalaw ka lang kapag may inutos ako sayo!" galit niya pa ring sabi..

Grabe naman 'tong taong 'tong magalit.. Nakakatakot talaga.. Hindi ako sanay pagalitan ng ganito..

"pasensya na po, di ko na po uulitin"

"Stay away from my table" sa puntong ito palapit na siya sa mesa niya.. "Ayoko sa lahat ay yung nakikialam ng gamit ko, clear?" umupo na siya..

Agad naman akong umalis sa pwesto ko,, mahabaging diyos kung ganitong klaseng nilalang lagi ang makakasama ko sa araw araw baka mamatay ako.. Isang gwapong halimaw!

"I said clear???" pasigaw niyang sabi.. Nagulat pa ako..

"O-opo!" nanginginig kong sabi..

"Pumunta ka sa kusina at ipagtempla mo ko ng kape, umagang umaga binabadtrip mo ko"

"O-opo!" dalidali akong pumunta sa kusina..

...

...

...

...

T-teka! asan ang Termos??o di kya kalan?

(-_-)

(T_T)

Paano ako magtetempla????? asan ang mainit na tubig???

☺POOR but SEXY☺Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon