CHAPTER 3 - IT'S NOT A DREAM

160 10 0
                                    

DIVINA'S P.O.V

Busog nanaman dahil kay Andrea. Thank you, bes. Hihihihi. Chineck ko agad ang phone ko at nakakita ako ng 47 missed calls na puro si Luhan at 153 messages sa skype.

Masyado naman akong namiss nitong lalaking to.

Binasa ko lahat ng message niya mula sa simula hanggang dulo. At nanlaki ang mata ko sa nabasa ko.

"I miss you, baby. See you tommorow."

Anong ibig sabihin nito?

Kinakabahan ako. Hindi alam ng parents ko to. Pati narin ng mga kaibigan ko. Anong sasabihin nila kapag nalaman nila?

"Bakit hindi mo sinabi samin? Kala namin kaibigan mo kami?"

"Grounded ka for 10 years."

Yun ang mga bagay na naisip ko kapag nalaman nila. Pero gusto ko rin naman kasama si Luhan..

"Anak... May sasabihin sana ako sayo." Pumasok ang mama ko sa kwarto.

"Ano po iyon?"

"Puwede ba kaming magbakasyon ng papa mo? Nakakatamad kasi dito sa bahay eh."

"S-sige po." Bigla kong naalala na dadating si Luhan bukas. " Kung gusto mo, Ma. Bukas palang umalis na kayo."

"Bakit feeling ko tinataboy mo na kami?" Tinignan niya ko ng nagtataka. "Dahil gusto mo kami mag-enjoy diba? Aalis na kami ngayon, darling. Goodbye!~" Sabay lumabas na ito ng kwarto.

Naiwan akong nakanga-nga sa sinabi ng mama ko. Ewan ko ba pero ang feeling ko nagpapatawa siya.

Alam ko na!

------------------

NEXT DAY - AIRPORT

"Ano bang gagawin natin dito?" Tanong ni Andrea.

Napagdesisyonan ko na aminin na kay Andrea. Ang hirap din naman ng nagtatago. Sana nga lang mapatawad niya ko.

"Bes, tandaan mo na mahal na mahal kita ha. Sana kahit ano ang naging mga desisyon ko tanggapin mo parin ako kasi may rason ako. Hindi pa ngayon ang tamang panahon para malaman ng madla.."

"Ano bang meron, bes? Mag-aabroad ka na ba? Pupunta ka na ba ng Korea?"

"Hindi, bes."

"Eh ano? Ano bang ginagawa natin dito?" Nag-aalalang tanong nito.

"Nandito tayo para sunduin ang boyfriend ko."

"Bes, wala ka namang boyfriend." Sinabi sa akin nito ng biglang may humalik sa pisngi ko.

------------------------

ANDREA'S P.O.V

Asdfghjkl. Who is he? May humalik sa friend ko na guy and... and...

It's Luhan!! Niloloko ba ko ng mata ko? O nanaginip ako.

"Bes, boyfriend ko. Si Luhan. Luhan, bestfriend ko si Andrea." Pagpapakilala ng bes ko sakin.

Umatras ako. Hindi parin ako makapaniwala ng may mabangga ako.

Si Tao...........

ASDFGHJKL

Mas pogi po siya sa personal. 10 times manlier than Luhan..

"S-sorry." Sabi ko habang yumuko.

"Hindi mo kailangan mag-sorry. Hindi naman ako nasaktan. At.." Hinawakan niya ang baba ko para iangat ang tingin ko sakanya. "ang magagandang babae ay hindi dapat yumuyuko." Sabi nito at ngumiti.

Ang puso ko. Panaginip ba to? P-parang hindi ko na kaya.

Biglang nagdilim ang paningin ko at hindi ko na alam..

------------------------

Nagising ako na nakahiga ako sa isang sofa. Nakita ko si Divina at Luhan na naglalambingan. Masayang-masaya sila. Kala ko pangarap lang dati pero posible pala.

"Nasaan si Tao?" Imbis batiin sila, yun agad ang lumabas sa bibig ko. Hindi parin ako makapaniwala. Pogi at nakakapagtagalog na Tao, ang nasa harap ko.

"Gising ka na pala, bes. Si Tao ay.." Hindi niya natuloy ang sinabi ng gumalaw si Tao sa tabi ko.

MAGKATABI PALA KAMI!! MYGOSH!

"Binabantayan ka niya kanina pa. Sinisisi niya ang sarili niya kung bakit ka hinimatay." Sagot ni Luhan.

"Nanaginip pa din ba ako? Ang haba naman ng tulog ko." Kinurot ko ang sarili ko at nasaktan ako. Patunay na gising ako at hindi joke ang mga ito.

Hindi naman ako nagdadrugs. Ano ba tong nakikita ko?

"Marunong kami magtagalog. 4 na members ng EXO ay desidido magtagalog. Isa na dun si Tao." Pagpapaliwanag ni Luhan na parang nabasa niya ang iniisip ko.

"Dito muna nga pala tayo sa condo for few days, bes. Mahirap na pagmaynakakita kela Luhan."

"o-okay, bes. Matutulog na ko sa kwarto. Good night."

------------------

COMMENT AND VOTE!!

Our Fanboys  [EXO TAO/LUHAN/BAEKHYUN]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon