CHAPTER 13 - WHAT TO DO?

84 8 1
                                    

Divina's P.O.V

Disappointed talaga ako. Hindi ko alam kung ano na ba talaga ang ipinunta ko rito. Ang trabaho ba o si Luhan? Mahal ko si Luhan. Pero parang hindi na niya ko mahal. Posible na pagnakita niya ko, baka mainis lang siya. Ayokong mangyari yun. Para sakin mas importante ang kasiyahan niya. At mas sasaya siya habang may career siya.

Samantalang ako, forever alone na. Kasalanan ko naman ito. Paano ba naman! Sikat pa ang napili ko....

'To get him back.... If ever he likes..'  Naalala kong sinabi ko kay Baekhyun kanina. At ngayon lang nag-sink in yung mga sinabi ko. Samantalang wala naman akong paraan para maayos iyon. Palibhasa puro yabang. Nakakainis talaga.

*ring ring*

Nagregister ang number ni Andrea sa cellphone ko. Iniwan ko kasi ang roaming number ko sa sulat na binigay ko sakanya sa biglaang pag-alis ko. At malamang, sesermunan lang ako nito.

Sinagot ko yung tawag. " Hello?"

"Walang-hiya ka, Divina! Anong ginagawa mo diyan? Bakit naman biglaan? Sana naman isinama mo ko! Nag-aalala ako sayo. Akala mo marunong ka ng mag-isa! Kapag naligaw ka diyan!! Ano ba nasaan ka ba? Saan ka tumutuloy? Ibigay mo sakin yung address! Papunta na ko diyan. Pinag-aalala mo ko! Pasakay na ko ng taxi. " Humikbi ito. Mukhang umiiyak ito sa pag-aalala sa akin.

"Sorry na, bes. Nakatanggap kasi ako ng work sa YG. Ginrab ko na agad yung chance bago magbago ang isip ko. Naging biglaan talaga. Sorry. Sorry kung napag-alala ko kayo diyan." Sabay binigay ko agad yung address ko. "Huwag ka ng umiyak, bes."

"Nako, kung puwede lang kita itali sa bahay Palusot mo! Alam ko namang si Luhan padin ang ipinunta mo diyan! Ikaw talaga! Pasalamat ka na lang at mahal kita! May ikekwento ako sayo, bes.. Hintayin mo ko diyan.."

Our Fanboys  [EXO TAO/LUHAN/BAEKHYUN]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon