Chapter One

134 3 0
                                    

Chapter One 

[Eriol’s POV]

“P-paki-usap t-tama n-na… I-itigil n-nyo n-na t-to” at sinipa ko ang sikmura niya at tuluyan ng lumabas ang dugo sa bibig niya.

“Tch. Ikaw nga yung nang hamon sa amin tas ikaw din yung magsasabing tigilan naming to?! No Way in Hell!” singhal ko sakanya   at sinipa ko ang tiyan niya. Kanina pa kasi siya nakahiga sa sahig. “Such a weakling”.

“Hindi naman pwedeng ikaw lagi ang masusunod. Ano ka sinuswerte?!” sabi ni Ivan at hinigit nito ang kwelyo ng lalaking kasalukuyang binubugbog namin.

“Ang yabang kase…” singit ni Tyrone. Sinuntok ni Ian ang lalaki sa mukha. Tuluyan ng nahimatay ang lalaking binubugbog naming.

“Yan! Yan ang napapala sa mga mayayabang” sabi ko. Actually, lima sila kanina. Knockdown na yung apat kaya siya ang sinunod namin. Umalisa na kami sa eskinita at sumakay na sa kanya-kanya naming sasakyan.

We were supposed to go home after we buy bubbletea and two boxes of pizza. Kaming tatlo ni Tyrone at Ivan. Wala eh! Talo kaming tatlo sa Rock-Paper-Scissor. Does it sound childish? For us it’s a big NO. We are already used with that method ever since we were young. Kung ayaw niyo, eh di wag!

Back to where we stopped… Biglang sumulpot yung limang g*go at nanghamon. Of course, binigay namin ang gusto nila. Kaya ayun, nagbugbugan kami doon sa isang matagong eskinita.  Ang lakas nilang manghamon  grabe! Pero sa sapakan at bugbugan naman ay napakahina naman pala nila. Puro salita! Wala namang gawa. People these days…

Mabuti naman at nakabili na kami kanina bago pa ito nangyari. Kundi lagot kami sa aming leader. Dalawa pa naman sila. Eh di doble ang sermon!

Pumasok na kami sa school gate na parang walang bugbugan at sapakan na naganap kanina. Puro tilian ang maririnig mo sa hallway ng dumaan kaming tatlo. Well, that’s us. Pumunta muna kami sa Broadcasting Room at ibinigay ang mga bubbletea at isang kahon ng pizza sa mga ka-members namin na nandoon. We look like a delivery boy here! Tsk. Pumunta naman kami sa Dance Practice Room ng grupo namin para ibigay na itong dala namin. Ayokong maging mukhang delivery boy noh! Sa gwapo kong to?

*Knock* *Knock* *Knock*

Pumasok na kami at natigilan naman sila sa mga ginagawa nila pero yung isa parang wala lang.

“Uwwaaaahhhh! Bubbletea and Pizza! (*0*)” sabay nilang sigaw at tumakbo papalapit sa amin. Kinuha na nila ang mga parte nila at nag-indian seat sa floor while eating.

As usual, busy sila sa pagkain while yung isa hindi man lang tumitigil sa pag-eensayo. Nakasuot siya ng sombrero na maitim, lousy shirt na kulay puti na may kulay pink, nakasuot ng manipis na jacket na maitim din at nakasuot ng pants na yung parang leggings yung pwedeng mai-stretch at white rubber shoes. Black and White with Pink yata ang motif niya ngayon. Para tuloy mayroong namatay dito dahil sa suot niya. But it perfectly suits her. Ang simple niya lang tignan.  Nakasuot din siya headset while nagsasayaw sa harap ng kanyang repleksyon. Ang galing niya pero mas magaling ako!

Extraordinary GangstersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon