Chapter Three

63 2 0
                                    

Chapter Three

[ Ace's POV ]

"Good evening, Maam. There will be a meeting of board of directors later at 7:30 PM. They badly need you there Maam. I think its a very important meeting kasi umuwi ang ibang members na galing sa ibang bansa para lang sa meeting na ito. Please proceed to the conference room to start the meeting about the new boy group" sabi ni Bianca pagkadating ko sa floor kung saan located ang opisina ko. Inabangan niya ako sa elevator.

Dire-diretso lang ako sa paglalakad at the same time nakikinig din sa sinasabi niya. Eksaktong pagtapos sa sasabihin niya ay pinagbuksan niya kami ng pintuan, which is the door of my office. Muntik ko ng makalimutan na may kasama pala ako. Nag-bow siya at umalis na. May aasikasuhin pa kasi siya. Doble ang trabaho ni Bianca ngayon dahil wala ang nakakatandang kapatid niya dito sa bansa. May ipinagawa kasi ako kay Jessie sa New York.

Si Jessie ay naka-assign sa Entertainment. Siya ang secretary ko doon. Siya ang nag-uupdate sa akin about sa mga auditions and trainees. Wala siya ngayon kaya si Bianca ang gumagawa. Si Bianca ay naka-assign sa Restaurants and Shops. May restaurant and shop kasi ang kumpanyang ito kaya sikat ito.

"Wow! ( * O * ) Ang ganda naman dito Ate! Parang nasa mamahaling hotel! Look, ang lambot ng sofa" tumalon-talon pa siya sa sofa. "Oh! May TV?! Ang galing naman! Naka-curve pa yung TV" tas hinimas-himas niya yung TV. "Hahaha! This chair is so cute and so small!" yung upuan naman ang pinagtripan. Like seriously? Pati ba naman upuan?

"Waaahhh! Ang cute nitong stuff toy!" hinigpitan niya yung pagkayakap sa isang stuff toy. Pagkatapos ay tumakbo siya sa swivel chair at pina-ikot ito, "Yipeee! Ang saya-saya!" Parang ngayon lang at nakakita. May ganyan naman sa bahay.

"Woah! Can i play video games?" at nag-puppy eyes hindi naman siya aso.Ang ingay niya talaga. Paluin ko kaya siya? Pasalamat siya at soundproof itong office at walang madidistorbo na empleyado. Pasalamat din siya at cute siya kaya papayagan ko siya.

"Feel at home Krypton"

"Yehey! ^O^" at nagsasayaw ng random moves. Ganyan ba talaga kapag first timer? o sadyang baliw lang itong kapatid ko?

*Knock* *Knock*

Tumigil naman sa pagsasayaw si Krypton dahil sa pagkatok at umupona lamang sa sofa. Bumukas ang pinto at bumungad sa amin si Bianca.

"AAAACCCCEEE!!!!!" tumatakbo ito papunta sa akin at niyakap ako ng mahigpit. Kung ito madapa, pagtatawanan ko talaga. Tumakbo ba naman na nakaheels ng four inches.

"Ace *sniff* Are you *sniff* mad at me?" tas nagpupunas siya ng luha pero wala namang luha. Ang arte nito.

Extraordinary GangstersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon