Malayo sa kabihasnan, sa isang malawak na bakuran, nakatirik ang isang lumang bahay na animo'y wala ng nakatira dahil sa palaging sarado ang pintuan at bintana nito. Pagpasok ay isang sala na puno ng mga nakasabit at nakasandal na paintings sa pader ang iyong makikita. Sa kanang bahagi ay isang silid na nagkalat ang mga gamit pang pinta, isa itong Art Studio ngunit mapapansin ang isang piano na nakapwesto malapit sa bintana nito at mesa na may kahon ng mga lumang larawan ng isang babaeng may hawak na sanggol. Mula sa sala ay tanaw ang munting kusina nito na may pinto papuntang likuran. Sa kaliwang bahagi naman ay dalawang silid tulugan.
Sa sahig ng Art Studio naka-upo si Luna habang hinihipan ang mainit na kape. Matapos nyang humigop dito ay tumugtog ang piano, pag angat ng kanyang tingin ay nakita nya si Stella na tumutugtog nito, napatayo sya at pinanuod ang pagtugtog ng mala-diwatang dalaga. Ngumiti ito sakanya at unti-unting naglaho. Isang malik-mata.
Magulo ang buhok, naka maluwang na t-shirt, khaki shorts o kaya minsan naman ay naka-pajama. Mga matang hapo, paa na laging nakayapak, mga kamay na may pintura at mukha na tila hindi kilala ang saya o lungkot. Sya si Luna, isang pintor na lesbian.
Isang umaga ay nasa bahay nya ang manager at matalik na kaibigan na si Fey. Butch, pormal manamit, nakasalamin. Isang beses sa isang buwan ay pinupuntahan sya nito para kunin ang mga paintings ni Luna para ibenta at ialok sa mga gallery.
"It's her again, you really loved her that much." sabi ni Fey habang tinitingnan ang mga obra ni Luna na kukunin nya.
"Sobra.. sya ang inspirasyon ko eh." seryosong tugon ni Luna sa kaibigan.
"I can see that, but don't you think it's time to let her go? It's been two years."
Napatingin si Luna sa Piano ni Stella at sinabing "Alam mo naman na hindi ko kaya."
"Look man, Stella's gone and you're still young. Theres so much life ahead of you! Bakit hindi ka nalang lumipat ng tirahan para naman hindi ka mag isa dito." payo ni Fey.
"Nandito ang buhay ko eh..." tulala na tugon ni Luna. Lumapit sakanya si Mimi, ang puting pusa na alaga nya. Hinimas nya ito at sinabi "...tsaka hindi naman ako mag isa dito."
"Sige na, sige na. Oh eto, bumili ka naman ng t.v dito para hindi ka naiinip." Sabay abot ng bayad para sa mga paintings na kinuha nya. Nang maka-alis na si Fey ay nilagay na ni Luna ang pera sa isang baul at kinandaduhan na nya ito.
***
Sa talahiban ay may babaeng walang saplot na kumakaripas ng takbo, tila takot na takot. Puro pasa sa katawan, dumudugo din ang labi nito. Sa kanyang pagtakbo ay nasalubsob ng kahoy ang kanyang talampakan. Paika-ika syang lumakad hanggang sa matumba sya sa isang bakuran, pinilit nyang gumapang hanggang sa pinto. Umiiyak syang kumatok dito.
"Tao po! Tao po! Tulungan nyo ako..." pagmamaka-awa nya ngunit walang sumasagot hanggang sa mapaos na sya at mawalan ng malay.
Ilang minuto pa ang nakalipas ng makauwi na galing bayan si Luna at laking gulat nya ng madatnan ang isang babaeng walang saplot sa tapat ng pintuan ng bahay nya. Dali-dali nyang ipinasok ng bahay ang babae, hiniga sa sofa at kinumutan.
"Miss! Miss! Ano bang nangyare sa'yo? Anong pangalan mo?" pagtatanong ni Luna. Nang magka-malay ang babae ay nanginginig ang tinig nya na tila takot na takot.
BINABASA MO ANG
Balat-kayo (Lesbian Psycho Thriller)
Mystery / Thriller(One Shot Story) Isang lesbian painter na nag-ngangalang Luna ang dalawang taon ng nagluluksa sa pagkawala ng kasintahan nya, At isang sugatang estranghera ang kanyang makikilala. Ito na nga kayang mala-anghel ang ganda na estranghera ang magiging d...