Kinabukasan ay nakabihis na si Magdalena dala ang backpack ni Luna na puno ng mga gamit at pera na nakuha nya dito. Bago umalis ay sinunog nya ang mga drawings na ginawa sakanya ni Luna at muli ay binalikan nya ang bangkay ng dalawa. Inuna nya si Fey, sinipa sipa nya muna ito at saka kinuhanan ng wallet at relos. Si Luna naman ang pinuntahan nya, sinipa-sipa din muna nya ito. Pagdukot nya ng wallet nito ay may kasamang tatlong sticks ng marijuana.
"Gumagamit ka din pala, haha. Infairness wala sa itsura mo ah." Wika ni Magda habang kinakapa pa ang ibang bulsa ng 6 pockets na shorts ni Luna, nang makuha nya ang ighter nito ay agad nyang sinindihan ang isang stick. Hinithit sabay buga sa bangkay ni Luna.
Bigpansin nya ang suot na gintong singsing nito. Umupo sya para kunin yun ng mapansin nyang tumunog ang sahig na katapat ng pinagpu-pwestuhan ng piano. Kinatok nya ito at nakunpirmang butas ang ilalim.
"Oh My.. Mukhang may tinatago pang treasure ang walang hiyang toh ah." Sabi ni Magda.
Hinanap nya kung paano mabubuksan ang lagusan ng basement hanggang sa may nakapa syang buton sa ilalim ng piano. Abot tenga ang ngiti ni Magda ng mabuksan ang lagusan, binuksan nya ang ilaw , isang christmas light pababa sa madilim na basement at isa pang pintuan ang kanyang nakita duon na may nakasulat na "Dark Room"
"Dark Room? Hindi naman obvious haha! Ayy.. naka-lock, mukhang malaki-laking kayamanan 'toh ah." Agad na sinubukan ni Magda ang lahat ng susi na nakuha nya sa bulsa ni Luna hanggang sa tumama din sya.
Pagbukas nya ng pinto ay naglaho ang kanyang ngiti sabay laglag ang marijuana na nasa kanyang labi at napa nga-nga sa kanyang natagpuan. Naging malinaw sakanya ang lahat ng mga sinabi ni Luna...
"Hindi naman ako mag isa dito."
"Sya si Stella, ang buhay ko..."
"Nagkasakit sya..."
Tumambad sakanya ang lihim ng pintor, isang babae na naka-kadena ang kamay at paa sa isang kama, may busal sa bibig. Sya ang babaeng palaging ipinipinta ni Luna, ngayon nga lang ay maputla na ang kutis nito at payat na payat ang pisngi at braso. Nang makita sya nito ay mukhang humhingi ito ng tulong nya.Pero bago pa makakilos si Magda ay sinakal na sya ng lubid ni Luna na buhay pa pala. Pulang pula ang mga mata ni Magda at nakalabas ang dila nito bago binitawan ang kanyang bangkay habang takot na takot na umiiyak at nagpupumiglas si Stella sa nasaksihan nya.
*Flashback*
Si Stella na tumutugtog ng piano, habang nakayapos sa kanyang bewang si Luna.
Mga hating gabing nagpupuyat si Luna sa pagpipinta, lumapit si Stella at niyakap sya.
Mga kulitan at paghahabulan nila sa bakuran na punong puno ng mga bulaklak.
Ang paghiga ni Luna sa hita ni Stella habang ang pusa na si Mimi ay nasa dibdib nya, hinihimas nila ito habang nakangiti ng matamis sa isat isa.
Tatlong taon ng ligaya hanggang sa dumating nalang ang isang araw na nagbago ang lahat. Naging malamig si Stella kay Luna.
"Mahal, may sakit ka ba?" tanong ni Luna at hinalikan ang kamay ni Stella.
"Hindi ba dapat ako ang nagtatanong nyan sa'yo?" tugon ni Stella.
"Anong ibig mong sabihin? May problema ba tayo?"
"Ikaw ang may problema." At inilapag ni Stella sa mesa ang maliit na supot na may laman ng sticks ng marijuana. Nanlaki ang mga mata ni Luna sa pagkabuking sakanya.
"Nahuli kita nung isang gabi! Kailan ka pa gumagamit!? Kailan mo pa ako niloloko?!" galit at pagluha ni Stella.
"H-Hindi kita niloloko. Nakakatulong kasi sakin 'to para sa mga ideya ko. Maniwala ka, hindi ko nasabi sa'yo dahil alam kong hindi mo maiintindihan." katwiran ni Luna.
Umiiyak na nag empake si Stella, paglabas nya ng silid ay nakatayo si Luna sa harap ng pintuan na nanlilisik ang mga mata.
"Ano, iiwan mo din ako tulad ni Mama?!"
"Ikaw ang gumawa ng dahilan para iwan kita! Padaanin mo ako!"
Hinawakan nya sa braso si Stella ngunit pilit parin itong nagpupumiglas.
"Ano ba! Nasasaktan ako!" pagpalag ni Stella.
"Sabi mo hindi mo ako iiwan! NANGAKO KA!!! Sabi mo mahal mo ako! Kaya dito ka lang! DITO KA LANG!" paghiyaw ni Luna at sa sobrang galit ay hindi nya na-kontrol ang sarili at naitulak nya si Stella. Tumama ang ulo nito sa sahig at nawalan ng malay.
Pag gising ni Stella ay naka-kadena na sya sa basement.
"Good Morning Mahal ko. Eto oh, kape. Ako nagtimpla nito, alam ko kasi na paborito mo yung timpla ng kape ko." wika ni Luna na may dalang almusal.
"Luna, please pakawalan mo na ako." Umiiyak na wika ni Stella.
"Hindi... hindi pwede! Hindi ako pwedeng maiwan. HINDE! Ha! ha! ha!"
*Flashback Ends.*
***
Napaligiran ng mga mobil ng pulis ang tapat ng bahay ni Luna. Kinuha na ang bangkay nila Fey at Magdalena.
Sa sala ay naka upo si Luna na may benda na sa ulo at leeg, nakatulala, kukuhang-kuha ang arte ng isang kaawa-awang biktima habang kausap ang hepe ng pulis.
"Matagal na namin hina-hunting ang babaeng 'yon. Dati syang kinakasama ng kapwa pulis namin na si SPO1 Jay-R Robles....
*Flashback*
"Babe..." pagbulong ni Magda habang nasa ibabaw nya si Jay-R.
"Ano yon? Nasasaktan ba kita ha?" napahinto si Jay-R sa ginagawa nya.
"Wag, ituloy mo lang at.. kagatin mo ako..."
"A-Ano? Seryoso ka ba?"
"Oo.. yung madiin, yung masarap."wika ni Magda.
At gigil na gigil na kinagat ng binata si Magda sa buong katawan nito hanggang sa magka pasa ito ngunit tila sarap na sarap pa si Magdalena. Nang makatulog na sa pagod si Jay-R ng gabing iyon ay ninakawan ni Magda ang Pamilya Robles ngunit nahuli sya ni Manang Felly. Sa takot ay kinuha nya ang baril ni Jay-R at ipinutok kay Manang Felly. Nakita ni Tatang Ado ang nangyare sa asawa kaya binalak nitong manlaban kaya maging sya ay pinatay ni Magda. Nagising si Jay-R sa sunod sunod na putok at natagpuan nyang nakahandusay na ang kanyang mga magulang na duguan. Nabaril din sya ni Magda, nagpatay-patayan sya kaya sya nakaligtas at nagfile ng report upang tugisin ang babaeng pumaslang sa kanyang pamilya.
"Ikinalulungkot po namin ang nangyare sa kaibigan nyo. Ma-swerte po kayo Miss, dahil iyan lang ang sinapit nyo. Salamat at natapos din ang pagtugis namin sakanya. Pumunta nalang po kayo sa tanggapan namin bukas para makuha mo ang pabuya." Kinamayan ng pulis hepe si Luna.
"Salamat din po Chief."
Wakas.
BINABASA MO ANG
Balat-kayo (Lesbian Psycho Thriller)
Mystery / Thriller(One Shot Story) Isang lesbian painter na nag-ngangalang Luna ang dalawang taon ng nagluluksa sa pagkawala ng kasintahan nya, At isang sugatang estranghera ang kanyang makikilala. Ito na nga kayang mala-anghel ang ganda na estranghera ang magiging d...