III. Balat-kayo

356 11 0
                                    

Mag iisang buwan na ang nakalipas simula ng dumating si Magda. Namamalengke si Luna sa bayan ng makita nyang nakadikit na sa bawat dingding ng sidewalk ang litrato ni Magdalena. Pinaghahanap na ito ng pulisya at may patong ang ulo nito na P100,000.oo dahil daw sa salang pagnanakaw at pagpatay. Hindi alam ni Luna ang dapat nyang isipin, nagmadali na syang umuwi.


Naglalambing si Magda habang humihigop ng kape si Luna. Hinahalik-halikan nito sa leeg at braso ni Luna ngunit hindi parin ito kumikibo hanggang sa mapansin na ni Magda ang hindi pagpansin sakanya.

"May problema ba tayo?" nakapamewang na tanong ni Magda.

"Magda, nagkalat ang mukha mo sa bayan. Wanted ka sa salang pagnanakaw at pagpatay."

Biglang namutla si Magda, nanlambot at napaupo nalang.

"Sinasabi ko na nga ba, hindi ako titigilan ni Jay-R, mga walang hiya sila! Mga sinungaling!" pagtangis ni Magda.

Mahigpit syang niyakap ni Luna.

"Wag kang mag alala hindi ka nila mahahanap dito, tahan na."

Hating gabi na ng makita ni Magda si Luna na may kinuhang pera sa isang baul at sinusian ito pagkatapos.

"Bakit gising ka pa?" paglapit nya kay Luna sabay himas ang balikat nito.

"Kumuha kasi ako dun sa ipon ko."

"Oh, ipon mo pala yun. Bakit mo binawasan?" pagtataka ni Magda.

"Gusto kasi kita ibili ng maayos na damit sa bayan bukas para hindi na yung mga damit ko ang sinusuot mo. Ang laki-laki sa'yo eh."

"Ha?! Wag na, kumportable naman ako sa mga damit mo. Ikaw talaga. Tara na nga, matulog na tayo." At pumasok na ang dalawa sa kwarto.

***

Isang hapon habang nagpipinta si Luna ay lumapit sakanya si Magda suot ang pulang bestida na binili nya dito.

"Bagay na bagay sa'yo." Wika ni Luna.

Ngumiti lang si Magda, kinuha ang hawak nyang brush at kumandong sakanya. Hinalikan sya nito at iginapos ang kanyang kamay sa likod ng silya tsaka hinimas ang hita nya pababa ng kanya paa at iginapos din ito sa paa ng silya.

"Magda.. ano 'to? Haha.." natatawang pagtatanong ni Luna.

Kinuha ni Magda ang iba't ibang klase ng lapis ni Luna at pinapili ito.

"HB? B? 3B? 6B? Or 8B? " tanong ni Magda.

"6B" sagot ni Luna.

*Note: Ito yung mga lapis na kadalasan kulay asul ang pabalat. (Steadler, Colleen) Pagtaas ng numero ay pagtindi ng dilim at kapal ng panulat nito. Ginagamit itong pang drawing.

Tinasahan nya ito ng napakatulis at kumandong muli sya kay Luna. Isinubo ni Magda ang puwitan ng lapis at dinila-dilaan ito, pagtanggal sa bibig ay biglang saksak ng talim ng lapis sa leeg ni Luna.

"Aaarck! Anong ginawa mo! Magda masakit!" pagdaing ni Luna sa dumudugo nyang leeg dahil sa natamong saksak.

"Relax..." wika ni Magda.

Balat-kayo (Lesbian Psycho Thriller)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon