Nakasandal ako sa couch habang nakabalot sa bathrobe, dahan-dahang hinahalo ang wine sa glass na parang wala akong pakialam sa mundo. Binuksan ko ang TV at agad bumungad ang kaguluhan—mga tao, usok, sirena, lahat ng galaw ng takot sa paligid ng radio station.
Hmm. Someone's missing in action.
Ngumiti ako nang bahagya nang makita ko siya.
Si Hanz.
Sandaling natigilan ako, tapos unti-unting lumapad ang ngiti ko habang pinapanood siyang nakatayo sa gitna ng kaguluhan—marumi ang mukha, puno ng abo at dumi ang damit, parang galing sa impyerno pero buhay pa rin. Oh. So he saved them. Hero mode, huh.
Inubos ko ang laman ng wine glass ko pero parang kulang pa rin ang init sa katawan ko, kaya tinungga ko na mismo ang bote. Napailing ako habang pinapanood siyang nilalapitan ng reporter, kitang-kita ang tensyon sa bawat galaw nila.
"Mayor, bakit ikaw ang nagligtas? Bakit hindi mo hinayaan yung ibang tao?" tanong ng reporter, halatang gigil.
Bigla niyang inagaw ang mic at humarap sa camera, diretso ang tingin, parang kayang tumagos kahit sa screen.
"Don't let me get you. I'll surely fucking burn you down, honey," malamig pero galit na sabi niya.
Nanatili siyang gano'n—galit, marumi, delikado—pero nakakatawa dahil kahit gano'n, hindi mo maitatangging he still looks good. What the hell.
Humalakhak ako habang tinuturo pa ang screen, pero sa huli ay napailing na lang din ako. Mukhang lasing na rin ako. Mainit ang katawan ko, hindi ko na rin maintindihan kung wine ba 'to o siya.
Pinatay ko ang TV at umakyat na sa taas para magpahinga.
Pero hindi ako nagpahinga.
Laptop lang ang kaharap ko, sunod-sunod na email mula sa sekretarya ni Josh tungkol sa updates ng hotel. Tinapos ko ang reports habang tinitingnan ang numbers—tumataas ang ratings, unti-unting gumagalaw ang pangalan ng hotel sa market. Hindi pa sikat, pero buhay na.
Isang email ang lumitaw sa inbox na hindi galing sa usual list.
Christineai Evasco.
Subject: You need to know abt this
Just finished getting my license as a lawyer. How bout that? I can be your oh-so-great-lawyer. Kailan mo bubuksan yung kaso para kay ex-lover mo? Message me after you read this.
Huminga ako nang malalim. Good.
Matagal ko na rin iniisip 'to. Kapag binuksan ko ang kaso, ayokong paikot-ikot. Isang bagsakan lang—walang appeal, walang lusot. Kailangan ko ng matibay na ebidensya.
Imbes na mag-reply, tinawagan ko siya.
Sumagot agad, sabay bumungad ang tawanan sa kabilang linya.
"Hey, bitch! I heard about that fire incident you did," bungad niya, halatang amused. "That's cool! Pero hindi mo ba naisip na may nadadamay kang iba?"
"Oh, so you're being a goody-good-two-shoes, honey?" malamig kong balik. "If you were in my position, you'd probably do the same."
"I'm not like you," natatawang sagot niya.
"Let me remind you you almost killed your ex-boyfriend's side chick," sagot ko lang.
Sandaling katahimikan. Tapos isang malakas na pagbagsak ng pinto sa kabilang linya.
Oops. My bad.
"Anyways," dagdag ko, nakangisi, "congratulations, my dear bitch."
"Yeah, I'm really excited to be your lawyer," sagot niya, mas controlled na ngayon ang boses. "So when will you—"
BINABASA MO ANG
Rock Bottom (The Women of Chaos #1)
ActionSarr Antha Sartorius grew up believing that love was stronger than hatred. But she was wrong. Born into a world where two powerful families were trapped in a never-ending rivalry, Sarr was forced to learn that not everyone who smiles at her is on he...
