Kimmon POV
Simula nung makipaghiwalay sa akin si Sprite, nawalan na ako ng gana sa buhay. Parang nawalan na ako ng inspirasyon para ipagpatuloy pa ang buhay. Mga limang buwan na rin akong ganito, pumapasok sa trabaho pero laging natutulala ilang beses na nga akong napapagalitan ng boss ko pero parang wala lang sakin. Madalas nakakabunggo ako habang naglalakad dahil laging nasa isip ko si Sprite, muntik na nga akong mabugbog nung isang nabangga ko kasi di ako nakahingi ng dispensa buti na lang at pinigilan siya ng girlfriend niya mukhang napansin nito na wala ako sa sarili ko.
"Hay naku Kimmon Varodom kailan ka ba makakamove-on sa break up niyo?", yan palagi ang tanong ko sa sarili. Nandito ako ngayon sa isang park na nadadaanan ko kapag pauwi ng bahay. Kasalukuyan akong nakaupo sa isang bench at nag-iisip isip ng bigla kong maalala na sinabihan nga pala ko ni mama na umuwi ng maaga dahil birthday ng bunso kong kapatid.
"Patay, lagot ako nito kay mama ilang oras na pala ako nakaupo dito sa park." bulong ko sa sarili. Tumayo na ako at nagmamadaling lumakad papunta sa sakayan ng taxi, pero dahil sa pagmamadali ko may nabangga akong estudyante at nahulog ang mga dala nitong libro, agad akong yumuko para pulutin ang mga ito. Patayo na ako ng mapansin kong lalaki pala ang nabunggo ko dahil sa nakita kong suot nitong sapatos at slacks na pants, iaabot ko na sana yung mga libro sa kaniya pero bigla akong napahinto sa nakita ko. Ang mukha niya, "lalaki ba talaga siya?" yan ang tanong na biglang pumasok sa isip ko, bakit? kasi napakasoft ng features ng mukha niya, ang ganda ng kilay niya, yung mata niya na nangungusap, yung matangos niyang ilong, ang mapupula niyang mga labi, at nang ibaba ko ang tingin ko sa kanyang braso nakita ko ang balat niyang makinis pa sa labanos. Lalaki ba talaga siya? ano ba tong nararamdaman ko, ang bilis ng tibok ng puso ko.
Natauhan na lang ako nang marinig ko siyang magsalita,
"Kuya, ayos ka lang po ba? yung mga libro ko po." lalaki nga siya sa isip ko. Ang laki ng boses niya yung tipong baritone pero malambing pa rin.
"Na-naku, p-pasensiya ka na... nagmamadali lang kasi ko.." medyo utal kong sagot.
"Ayos lang po, sa susunod na lang po mag-iingat kayo.." sabay abot ng libro niya at alis.
"Sandali, anong pangalan mo?" tanong ko sa kaniya. Mukahang nagtaka siya sa nasabi ko pero sumagot din naman siya.
"Bas po, sige kuya una na po ako.." sabay lakad palayo.
Habang pinapanood siya lumakad palayo, biglang tumunog ang cellphone ko. Pagtingin ko sa screen, si mama tumatawag. Napatapik na lang ako sa noo ko dahil alam kong patay na talaga ako. Sinagot ko ito at nagdahilan na lang na may pinagawa pang importante ang boss ko kaya pauwi pa lang ako. Buti na lang at gumana. Buong biyahe pauwi si Bas lang ang nasa isip ko, naguguluhan man isinantabi ko na lang ito dahil sa ngiting unti-unting gumuguhit sa aking mga labi, ngayon lang ulit ito nangyari simula ng makipaghiwalay si Sprite.
Nasa harap na ako ngayon ng bahay, at naririnig ko na ang malakas na tunog ng karaoke sa loob. Papasok na sana ako ng may marinig akong tao sa likod na may kausap sa cellphone..
"Hello, nandito nako sa labas ng bahay niyo.. yung kulay red na gate diba? okay okay, hintayin kita ahh.. bilisan mo.." familar yung boses niya.. lilingon na sana ako sa likod nang biglang bumukas yung gate..
"O kuya, nandito ka na pala.. bakit di ka pa pumasok?" kapatid ko yan, yung may birthday.
"papasok na nga sana, eh bigla mong binuksan yung gate.." sagot kong medyo sarkastiko.
BINABASA MO ANG
KimBas: A Love Untold (One Shot Stories Compilation)
FanfictionA compilation of stories about Kimmon and Bas or what we like to call KimBas. 😍❤😍❤😍❤ Tagalog po ito. Pag-pasensiyahan niyo na lang po kung puchu puchu lang ang isusulat ko. First time ko po kasi, medyo inspired lang po ako sa mga nakikita kong Ki...