Ilang buwan ko na nga bang tinatago itong nararamdaman ko? Bakit ba hindi ko maamin sa taong mahal ko na mahal ko siya? Bakit kasi siya pa?'Yan ang mga bagay na laging tumatakbo sa isip ko kapag mag-isa ako. Ang hirap pala talaga magmahal ng taong hindi mo maabot.
Ako nga pala si Bas Suradej, student sa isang University sa Manila. At yung tinutukoy ko na taong mahal ko ay walang iba kundi ang bestfriend ko, si Kimmon Varodom.
"Bakit ba kasi siya pa? Ang dami namang iba diyan." halos kausapin ko na yung sarili ko.
Mayaman kasi siya, gwapo, gentleman, mabait, may sense of humor, at pinag-aagawan ng halos lahat ng babae dito sa school. (Kahit hindi nga babae eh..)
Napabuntong hininga na lang ako. Nakaupo ako ngayon dito sa isang bench sa school pero biglang may umakbay sa akin, na ikinagulat ko naman. Si Kimmon pala.
"Bestfriend, ano ba yan? Kanina pa ko dumating dito sa tabi mo. Pero hindi mo man lang ako napansin. May gumugulo ba sa isip ng favorite kong bestfriend." tanong niya.
"Favorite? eh, ako lang naman ang bestfriend mo." pang-aasar ko.
"At sino naman nagsabi sa'yo na ikaw lang ang bestfriend ko?" proud na sabi nito.
"Hay naku, Kimmon, simula pa lang bata tayo magkasama na tayo. Kaya wag ako!" medyo masungit kong sagot.
"Grabe, sungit! ano ba kasi yung iniisip mo? Bestfriends naman tayo, pwede kang magsabi sakin ng kahit ano."
"Oo, bestfriend mo lang ako. And I'm so stupid to make the biggest mistake of falling in love with my bestfriend." sa isip ko lang yan.
"Ano ka ba, wala naman akong iniisip. Ano ba yang sinasabi mo." pagde-deny ko.
"Naku Bas Suradej, ikaw na rin ang nagsabi na magkasama tayo simula bata pa tayo. Kaya wala ka ng maitatago sakin. So, ano ba kasi yang gumugulo sa'yo?"
"Wala nga! Wag ka na makulit diyan." pagsu-sungit ko.
"ahhh.. wala pala..." bigla niya akong kiniliti sa tagiliran.
"A-a-ano ba Ki-ki-kimmon.. ayaw ko na .. tigilan mo na.." utal kong sabi habang pinipigilan siya.
"Ano? sasabihin mo na ba? kapag hindi, hindi talaga kita titigilan." pagbabanta niya. Tumango na lang ako bilang pagsuko. Tinigil naman niya ito.
"So, ano na?"
"Uhm.. ano kasi eh.. ahhh..." wala ako maisip... buwiset!
"nag-aalala kasi ako sa scholarship ko eh.. baka mawala na.. diba kasi medyo bumaba yung scores ko last exams.." palusot ko. Sana epektib. Though, alam ko naman na hindi pa mawawala yung scholarship, pero wala na ko maisip eh.
"Ano ka ba? Wag mo na isipin yun, alam ko hindi mawawala scholarship mo. Ang talino mo kaya. Kayang kaya mo yan." Wow, mukhang epektib ang palusot ko.
Ayun na nga, scholar lang kasi ako dito sa school na ito. Nagkataon kasi na nag-offer sila ng scholarship kaya I grab it, at sinuwerte akong nakapasa sa exam. Halos puro mayaman lang kasi ang pumapasok dito.
Nagtataka na siguro kayo kung paano ko nakilala si Kimmon. Well, yung parents ko kasi nagta-trabaho sa pamilya niya bilang mga kasambahay. At lagi nila ako sinasama nung bata pa ako, at dun ko na nakilala si Kimmon, naku, Kim na nga lang yun naman ang tawag ko sa kanya eh.
"Uy! natutulala ka na naman!" sabi ni Kim habang kumakaway sa harap ko.
"ayy... Oo na, salamat pala ahh.."
"Para saan?"
"Sa tiwala, na kaya ko ito.."
"wala yun.. at saka para saan pa't naging bestfriends tayo, dba?"
BINABASA MO ANG
KimBas: A Love Untold (One Shot Stories Compilation)
FanfictionA compilation of stories about Kimmon and Bas or what we like to call KimBas. 😍❤😍❤😍❤ Tagalog po ito. Pag-pasensiyahan niyo na lang po kung puchu puchu lang ang isusulat ko. First time ko po kasi, medyo inspired lang po ako sa mga nakikita kong Ki...