Bas
Ang hirap pala ng buhay celebrity. Ang akala ko puro sarap at saya lang. Pero mali pala ako.
Kasama kasi sa pagiging celebrity yung pagod, puyat, minsan nalilipasan ng gutom, isama mo pa yung mga bashers na kung makapanghusga akala mo perfect sila.
Buti na lang may isang taong laging nandiyan na nag-aalala at inaalagaan ako.
Ang suwerte ko kasi kapag nagugutom ako, lagi siyang may dalang food para sakin. Kapag may sakit ako, hindi niya ko iniiwan mag-isa. Kapag naiiyak ako, nadiyan siya para i-comfort ako.
Napaka-suwerte ko talaga na may isang P'Kim na laging nasa tabi ko. Si P'Kim ay kasama ko din sa trabaho, parehas kaming artista together with my other P's. Sina P'Tee, P'Tae, P'Godt, at P'Copter.
May sasabihin ako sa inyo pero sa atin-atin lang ito ha? Kami na ni P'Kim. Four months na kaming mag-on.
Nangyari yun nung bago yung FM namin sa Philippines, nagkita kasi kami nun sa apartment pero syempre patago lang. Tapos dun nga nangyari yung aminan.
Ang saya namin noong time na yun kasi parehas pala kami ng nararamdaman. At dahil kami na, sa apartment ko na siya pinatulog. Natulog kami ng magkayakap. (oh, magkayakap lang kami talaga.. wag kayong greenminded..)
After nun, kapag may mga event kaming magkasama lagi lang kami magkatabi. Halos di na kami mapaghiwalay, para na daw kaming may sariling mundo sabi ng mga fans.
Kaya nga nung FM sa Philippines medyo nainis ako, kasi designated na agad yung mga rooms namin. Hindi man lang kami pinapili kung sino gusto namin kasama sa room.
Pero tapos na yun, kaya okay na ko. Kasi pagbalik namin ng Thailand after the FM bumawi si P'Kim. Nag-date kami ng buong araw. Ang hirap nga lang kasi para kaming kriminal na nagtatago. Pero nakaraos naman kami.
"Bas tara na! ihahatid ko na kayo ni P'Oh sa airport." sigaw ni P'Kim.
Nagising ako sa mga iniisip ko. Oo, nga pala uuwi kami ng Chiangmai ngayon.
"Nandiyan na po P'.."
Paglabas ko ng bahay, nilalagay na niya yung mga maleta ko sa compartment ng sasakyan.
"Sawadee P'Kim.. morning.." sabay halik sa pisngi niya.
"Moring din Baby!" sabay pat ng ulo ko.
"P, hindi ka ba talaga makakasabay samin ngayon? wala akong katabi sa plane.." reklamo ko.
"Napag-usapan natin to diba? Alam mo naman na may prior commitment na na-sched si P'Oh at di pwedeng i-cancel." nag-pout ako.
"Baby, kung pwede lang talaga na sabay tayo ginawa ko na.. at saka katabi mo naman si P'Oh sa plane .."
"Pero mas masaya kung ikaw katabi ko.."
"Baby, wag ka na mag-tantrums.. susunod naman ako dun diba? babawi na lang ako sa'yo pagdating ko dun." hindi ako sumagot.
"smile ka na baby, sige na!" habang kinukurot kurot niya yung pisngi ko. Nag-smile ako ng kaunti.
"Yung promise mo ahh.. pagdating mo ng chiangmai.." sabi ko.
"Okay po.. tara na! naayos ko na tong mga gamit mo.. sunduin na natin si P'Oh." tumango na lang ako.
Papunta na kami ngayon sa airport, kasama na namin si P'Oh. Tahimik lang kami, walang masyadong nagsasalita. Hindi kasi alam ni P'Oh na kami na.
Ito yung pinakamahirap sa lahat kapag celebrity ka lalo na kapag may on screen partner ka at BL pa ang theme. Kailangan itago ang relasyon mo kahit sa mga taong malapit sa'yo.
BINABASA MO ANG
KimBas: A Love Untold (One Shot Stories Compilation)
FanfictionA compilation of stories about Kimmon and Bas or what we like to call KimBas. 😍❤😍❤😍❤ Tagalog po ito. Pag-pasensiyahan niyo na lang po kung puchu puchu lang ang isusulat ko. First time ko po kasi, medyo inspired lang po ako sa mga nakikita kong Ki...