Chapter 1- First Day

440 20 3
                                    

Ako si Serenity Faye Mendez at First year college na ako ngayong pasukan. Sabik na sabik na nga akong pumasok sa pinapangarap kong eskwelahan. Ang Saint Heaven University. Bihira lang ang mga taong nakakapasok sa eskwelaha'ng yun at madalas ay puro mayayaman lang. May mga nababalitaan din naman akong nakakapasok na mahihirap doon, pero ang kailangan daw ay matalino ka. Sabi nila, sa oras na makatapos ka daw ng college o maka-graduate ka sa SHU ay mabilis ka daw makakapasok sa trabaho. Ang sabi pa nila ay pag-aagawan ka ng ibat-ibang kumpanya, kaya naman madaming estudyante ang nangangarap makapasok sa eskwelaha'ng yun at isa na ako dun.

Si Mommy at Daddy ang nag-enroll sa akin sa SHU. Hindi katulad sa ibang university na ikaw mismo ang pipila at mag-eenroll sa sarili mo. Sa SHU ay iba, dahil malaking pera daw ang pinag-uusapan dito kaya kailangan ang magulang mo ang mag-enroll sayo. Kung pwede nga ako na lang eh, para makita ko naman kung ano ang itsura ng loob ng SHU.

Alas-siyete ng gabi ng makatanggap ako ng tawag mula sa bestfriend kong si Karla.

"Bespren, napatawag ka?" sambit ko, habang hawak-hawak ko ang cellphone ko at nakatapat sa aking tenga.

"Bezzy, excited na ako'ng pumasok bukas sa SHU! Baka nga hindi na ako maka-tulog nito eh!" sagot ni Karla at may halong kasabikan sa tono ng kanyang pagsasalita.

"Ako nga din, Bespren eh! Pero kailangan nating mag beauty rest. Alam mo na... madaming magagandang estudyante doon at ayoko namang magpatalo sa kanila." sabi ko.

"I know right! Oh sige na nga! Mag-beauty rest na tayo, para naman blooming tayo bukas. Goodnight, Bezzy!!"

"Goodnight!" at pinatay ko na nga ang cellphone ko, para matulog ng maaga. Binilin ko din kay Manang Loraine na gisingin ako ng mga 6am bukas, para maihanda ko ng maaga ang aking mga isusuot. Alas-osto pa lang ng gabi ay pumunta na ako sa aking kama para matulog. Nagdasal lang ako ng ilang sandali, pagkatapos ay pinatay ko na ang lamp shade sa tabi ng aking higaan at ipinikit ko na ang mga mata ko para magpahinga.

KINABUKASAN..

Dumating na nga ang araw na pinaka-hihintay ko. Ang unang araw ng pagpasok ko bilang isang kolehiyala. Maaga akong gumising para ihanda ang mga isusuot ko. Sa totoo lang, excited lang talaga akong pumasok sa Saint Heaven University. High school pa lang ako ay pinapangarap ko na talagang makapasok ng SHU, kasi ang balita namin ni Karla ay madami daw artista ang nag-aaral doon. Kaya nagpasya kaming dalawa na gagawin namin ang lahat, makapasok lang sa eskwelahang yun. Ang akala ko nga nung una ay nagbibiro lang si Mommy at Daddy na ipapasok daw nila ako sa SHU, pero nagkamali ako kasi matagal na pala nilang pinaplano yun.

Sa sobrang excited ko ay ako pa ang gumising sa driver namin para i-car wash ng maaga ang kotse namin. Siyempre ayokong magpatalbog sa mga mayayaman na estudyante na naroroon. Makikipag-sabayan ako sa kanila kung maaari.

Alas-nuebe pa lamang ng umaga ay umalis na agad kami ni Manong Gaspar, papuntang school. Sa totoo lang, alas-onse pa ang simula ng first subject ko pero siyempre gusto ko munang libutin ang buong university. Maaga nga akong tinext ni Karla, para sabihin na magkita kami ng 10am sa parking lot ng SHU. Sigurado ako, nandoon na yun ngayon at hinihintay ako. Kasi mas excited pa yun, kesa sa akin eh.

Kalahating oras lang ang tinagal ng biyahe namin at narating na nga namin ang harap ng SHU. Nagulat kami ni Manong Gaspar, nang kusang bumukas ang gate. Namangha ako ng sobra sa aking nakita, parang sa pelikula ko lang nakikita ang ganitong klase'ng gate na automatic na bumubukas. Nang makapasok kami sa loob ay napa-nganga ako, dahil sa lawak at ganda ng mga gusali. Maging ang parking lot ay napaka-lawak at kitang-kita namin ang mga magagandang kotse na naka-parking doon.

The Two Kings and MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon