Chapter 2- Mr. Nightmare

464 17 6
                                    

Nang makapasok kami ni Karla sa aming magiging classroom ay nagulat kami sa aming nakita. Nakita namin na nagsisiksikan ang mga estudyante sa kanang bahagi ng silid-aralan at dikit-dikit ang mga upuan nito. Napalingon naman ako sa kaliwang bahagi ng classroom at nanlaki ang dalawang mata ko sa aking nakita. Oh My God!! Si Addison Lee ay kaklase ko. Napaka-himbing ng tulog nito at humihilik pa. Naka-patong ang dalawang paa niya sa isang upuan, habang nakatingala ito at naka-nganga.

Bigla akong kinabahan, dahil nangyari na ang ikinakatakot ko. Ang magkaroon ng koneksyon sa mala-demonyong lalake na ito. Nilapitan namin ni Karla ang mga estudyante na nagkukumpulan sa gilid at kinausap namin.

"Guys, matanong ko lang... Bakit kayo nagsisiksikan dito?" pabulong na tanong ko at nagulat ako sa kanilang naging reaksiyon. Nagtitinginan ang mga ito at nagbubulungan. Hindi ko alam, kung ano ang problema nila. Maya-maya ay mayroon na ding nagsalita at isa itong lalake.

"Miss, hindi mo ba kilala si Addison Lee?" pabulong na tanong niya.

"Kilala ko siya... Anak siya ng isa sa nagmamay-ari ng eskwelahang ito... pero ano naman ang kinalaman niya sa pagsisiksikan niyo dito?" sagot ko. Sumabat naman ang isang estudyanteng babae at pabulong din itong nagsalita.

"Gusto kasi ni Addison na lumayo kami sa kanya ng mga dalawang dipa."

"Haaaaaaaa???? Bakit naman??" pagtatakang tanong ko.

"Ayaw kasi niya na magkapareho kami ng hangin na nilalanghap."

Nagulat ako sa sagot niya at hindi na ako muling nakapagsalita. Napatingin ako sa natutulog na si Addison Lee at sobra na talaga akong naaasar sa pagmumukha niya. Nakaka-gigil!! Ang sarap niyang sampal-sampalin, habang natutulog.

Umupo na kami ni Karla sa tabi ng mga estudyante na nagsisiksikan. Para kaming mga tanga. Ang laki-laki ng classroom, pero para kaming sardinas na nagsisiksikan. Naiinis na talaga ako. Konting-konti na lang at mauubos na talaga ang pasensya ko.

Ilang sandali pa ay dumating na ang professor namin at sabay-sabay kaming nagtayuan, maliban sa natutulog na si Addison.

"GOODMORNING, SIR!!"

"Goodmorning, class! Ako nga pala si Professor. Mariano Rodriguez. Ako ang magiging adviser niyo, ngayong taon."

Kasalukuyang nagsasalita ang prof. namin, nang bigla na lang sinipa ni Addison ang upuan at tumalsik ito papunta kay sir. Rodriguez. Nagulat kami'ng lahat at napatingin kay Addison.

"Mr. Rodriguez!!! Anak naman ng tipaklong oh!! Nakikita mo'ng natutulog yung tao... ang ingay-ingay ng bunganga mo!!" inis na sambit nito.

Napalingon ako kay sir. Rodriguez at nakita ko na pinagpapawisan ito ng sobra. Pansin sa mukha niya ang matinding kaba at napayuko siya.

"Paumanhin, Mr. Lee. Hihinaan ko na ang boses ko." paghingi ng tawad ni Prof.

Napakunot ang noo ko sa aking nasaksihan. Ito ang kauna-unahang beses na nakakita ako ng guro na humingi ng tawad sa estudyante niya, dahil lang naistorbo niya ito sa pagtulog. Tsk!! My God!! Lahat ba ng tao dito takot kay Addison?!

"Pwede ba lumabas ka muna Mr. Rodriguez?!! Mamaya kana bumalik pag-nagising na ako!!" muling sambit ni Addison. Kitang-kita ng dalawang mata ko, na hindi magkanda-ugaga si Professor Rodriguez sa pag-aayos ng gamit niya. Pagkatapos niya itong ligpitin ay mabilis itong lumabas ng classroom ng wala man lang paalam.

Hindi ko na talaga matiis ang ka-demonyohan ng lalake'ng ito. Tumayo ako at naglakad papunta sa kanya. Pinagtinginan ako ng mga kaklase ko.

"HOY!! Kung gusto mong matulog! Pwes wag dito!! Ano'ng akala mo sa classroom na'to? HOTEL?!!" malakas na sambit ko.

The Two Kings and MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon