Mistaken Pleasure-5

81.1K 1K 154
                                    

Jeff's POV:

"Hindi mo pwedeng gawin sakin to, Myrtle!" I yelled at her. Hindi ko na mapigilang ilabas ang emosyon ko. Gusto nyang bawiin ko si Amanda kay Alex. Gusto nyang gumawa ako ng paraan para masira ang dalawa at mapaghiwalay ito. Hiniling nya na ilayo ko daw si Amanda kay Alex para matuloy ang kasal nilang dalawa. Hindi ako tanga para gawin yon. Mahal ko si Myrtle pero hindi ko kayang saktan ulit si Amanda dahil lamang sa hiling nya.

Lumuhod siya sa harapan ko. "Please, Jeff." She's crying so hard. "Please, do something." Pagmamakaawa nya sakin dahilan upang mapailing ako.

Nakahawak siya sa dalawang kamay ko habang nakaluhod sa harapan ko. I heaved a deep sigh at dahan dahan kong hinawakan ang ulo nya. Hindi ko kayang nakikitang nasasaktan ang babaeng pinakamamahal ko pero oras narin siguro para gawin ko ang tama.

"Hindi ka na nya mahal, Myrtle. Iniwan ka nya. Iniwan ka nya para sa kakambal mo." Ito ang tama at dapat kong gawin sa ngayon. Ang ipaintindi sa kanya na hindi na siya mahal ni Alex at pinagpalit na siya nito.

Napailing siya sa sinabi ko at mas lalo pang lumakas ang paghikbi nya. "N-no, Jeff! Mahal nya ako! Magpapakasal pa kami!" She shouted at me. 

Hinawakan ko ang mga kamay nya at lumuhod ako upang magkapantay ang mukha namin. Hindi na siya ang dating Myrtle na kilala ko at hindi na siya ang dating Myrtle na minahal ko. Ibang iba ang anyo nya ngayon. She's so helpless and devastated na para bang dinaanan siya ng lindol at nasira ang buong pagkatao nya.

Hinawakan ko ang mukha nya at tinitigan ko siya sa mata. "Myrtle, bakit ba hindi mo ako magawang mahalin muli? Nandito lang ako para sayo. Hinding hindi kita iiwan." Nangingilid na ang luha sa mga mata ko. 

Nandito ako ngayon sa bahay ni Myrtle dahil tinawagan nya ako. Nalaman ko ang buong pangyayari sa bahay ni Amanda dahil sinabi nya sakin ito. Hindi ko magawang maisip na sa kabaitan ni Amanda ay magagawa nyang pagtaksilan ang kakambal nya. Pero naisip ko rin na hindi kaya ito ang naging kabayaran ni Myrtle sa ginawa nya noon kay Amanda? Nong mga panahong kami pa ni Amanda?

Mahal na mahal ko si Myrtle. Mula noon hanggang ngayon. Walang nagbago sa nararamdaman ko para sa kanya. Kahit ipinagtabuyan nya ako noon. Kahit ikinahiya pa nya ako sa lahat ng tao noon. At kahit ibinigay nya ako sa sarili nyang kapatid. Hinding hindi parin nagbago ang nararamdaman ko para sa kanya. Mahal na mahal ko parin siya at kaya ko siyang ipaglaban hanggang sa huling hininga ko.

"M-mahal kita, Jeff." Tinitigan nya ako at kitang kita ko ang luhang umaagos galing sa mga mata nya.

Hinigpitan ko ang paghawak sa mukha nya at mas inilapit ko ang mukha ko sa kanya dahilan upag mapapikit siya. 

"Pwes balikan mo ako, Myrtle. Pabayaan mo na si Alex at si Amanda." I gently caressed her face.

Napailing siya. "Mahal kita pero mas mahal ko si Alex." Nabitiwan ko ang paghawak ko sa mukha nya at tumayo ako.

"Shit, Myrtle! Iniwan ka nya! Iniwan ka nya dahil mas mahal nya si Amanda! Mahirap bang intindihin yon?!" Sigaw ko sa kanya at napasabunot ako sa buhok ko.

Mistaken Pleasure SPG (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon