End of Part 2

41.1K 578 51
                                    

“Some people are just not meant to be in this world. It's just too much for them.”
― Phoebe Stone

Myrtle's POV: 

Ano nga ba ang ibig sabihin ng kasiyahan at paano nga ba ito naiiba sa kalungkutan?

Para sakin, pareho lang ang dalawang salitang yan. Pareho lamang sila ng kahulugan. Ano nga ba ang dahilan kung bakit nagiging masaya ang isang tao? Hindi ba dahil narin sa dumanas siya ng sobrang kalungkutan?

Ganyan naman talaga ang buhay. Kahit anong gawin natin ay may kapalit. It's either magiging masaya ka, o magiging malungkot ka. Depende parin yun sa kung ano ang pipiliin natin. Depende parin yun sa kung ano ang magpapasaya satin. Dahil lahat tayo ay may karapatang mamili. Lahat tayo ay may choices. At naniniwala ako na kung ano ang pipiliin mo ngayon, ay makakaapekto ito sa hinaharap mo. 

At ako?

Ang choice na pinili ko ang dahilan kung bakit nasira ang buhay ko. Ang choice na akala ko ay magiging masaya ako. Pero gaya ng inaasahan ng lahat... akala ko lang pala... akala ko lang pala magiging masaya ako.

"Masaya ka na?" Bigla kong pinahid ang luhang dumadaloy sa pisngi ko nang may biglang nagsalita sa likuran ko. Hindi ko na kailangan pang lingunin para kilalanin kung sino ang taong nagsalita, dahil boses pa lang niya ay kilalang-kilala ko na siya.

"Masaya ka na bang nasira mo ang buhay niya? Masaya ka na ba habang nakikita mong nagdurusa siya?" Napapikit ako at napabuntong-hininga dahil sa sinabi niya.

"Ano? Bakit di ka makasagot? Gusto mo hilahin ko yang dila mo para makapagsalita ka ng maayos?" Galit na sabi niya sakin, at kahit na alam kong galit na galit na siya sakin ay pinili ko paring manahimik. Dahil alam ko na kapag nagsalita ako ay bubuhos ang lahat ng emosyon ko. Emosyong itinatago ko noon at hanggang ngayon. Pero laking gulat ko nang bigla niyang hilahin ang buhok ko.

"Ron--"

"Huwag mo akong ma Ron-ron diyan!" She cut me off. "Huwag na huwag mo akong matawag-tawag sa pangalan ko, bruha ka! Nakikita mo ba kung ano ang ginawa mo sa kapatid mo? Nakikita mo ba kung gaano siya naghirap dahil sa kalandian mo?"

"A-aray. Rona, tama na. Na-nasasaktan na ako." Pilit kong kinukuha ang dalawang kamay niya na nakasabunot sa buhok ko.

"WOW! Marunong ka rin palang masaktan no? Akala ko ba manhid ka? Akala ko ba bato yang puso mo?" Bigla siyang humagalpak ng tawa. "Naku, o nga pala. Wala ka palang puso!" At dahil sa sinabi niya ay hindi ko na napigilan ang luhang kanina ko pa pinipigilan. "Hala te! Marunong ka rin palang umiyak? Naku! Andami ko namang natuklasan tungkol sayo! Alam mo? Kulang pa tong sabunot na 'to. Kulang pa to sa lahat ng ginawa mo sa kakambal mo!"

"Aahhh..." Napasigaw ako dahil sa sakit na dulot ng pagsabunot ni Rona sa buhok ko.

"Sumigaw ka pa! Umiyak ka pa! Yan ang bagay sayo! Malandi kang haliparot ka!"

Bigla akong nawalan ng balanse at tumama ang mukha ko sa sahig habang nakasabunot parin si Rona sa buhok ko.

Mistaken Pleasure SPG (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon