Perfect Pleasure-2

39.6K 525 27
                                    

After 2 years...

"Amanda! Congratulations! You made it!"

Napangiti ako dahil sa sobrang saya ko pati narin ng mga ka-officemate ko. Kinokongrats kasi nila ako dahil napromote ako bilang secretary. Isang hamak na researcher lang naman ako noon sa Global Publishing. At sa awa ng Diyos ay nagbunga narin ang pagtiya-tiyaga ko.

"Salamat." Sabi ko sa kanilang lahat at umupo na ako sa table ko na may nakamarkang...

Sec. Amanda Marquez

Kahit maliit lang ang posisyong yan ay ipinagmamalaki ko yan. Nabuhay kami ng mga anak ko dahil sa kompanyang ito. At sa kompanyang ito din ako bumangon at kinalimutan ang lahat ng nangyrai sa nakaraan.

Napabuntong hininga ako habang tinitigan ang nameplate ko.

Kung hindi sana ako umalis sa publishing company na tinatrabahuan ko noon, siguro, isa na ako sa sikat na author ngayon. 

Pero hindi ko hangad ang sumikat. Ang gusto ko ay kapayapaan.

Kung nanatili ako noon sa maynila, siguro nagpakamatay na ako dahil sa sobrang lungkot.

Pinapatay kasi ako ng konsensiya ko. Pinapahirapan ako nito dahil gabi-gabi ay palagi na lang akong nananaginip. At puro mukha ni Jeff at Myrtle ang napapanaginipan ko. Kaya umalis ako ng maynila ng palihim at dinala ko ang kambal ko.

Napadpad kami sa Tagaytay.

Akala ko nga hindi na ako makakabangon galing sa pagkakalugmok e. Pero dahil kasama ko ang mga anak ko ay nakaya kong lumaban sa hirap ng buhay.

Nang dumating kami dito ay ginamit ko ang naipon kong pera nong nagtatrabaho pa ako sa Korea para panggastos sa pang-araw-araw namin.

Nag-apply ako sa iba't ibang kompanya dito hanggang sa tinawagan ako ng Global Publishing. At eto na ako ngayon. Secretary na ako sa isang sikat na publishing company.

Hindi na ako bumalik sa pagsusulat dahil baka kung ano pa ang masulat ko. Baka hindi ko mabigyan ng happy ending ang bawat kwentong isusulat ko dahil sa mapait kong nakaraan.

Ayokong idamay ang mga librong isinusulat ko sa lungkot na pinagdaanan ko. Ayokong magsulat na puro tragedy ang ending. At ayokong may idamay akong characters sa malas kong buhay.

Malas ako.

Yan ang tingin ko sa sarili ko. Noon, hanggang ngayon.

Dalawa lang ang swerteng dumating sa buhay ko. At iyon ay sina Alexa at Alexis.

Hinding-hindi ako papayag na bawiin sila ng kung sino man sakin. Ikamamatay ko kung may mangyari mang masama sa kanila.

Dahil sa kanila ay nabuhay ako. At dahil din sa kanila kung bakit lumalaban pa ako hanggang ngayon.

Hindi pa ako lubusang nakakabangon galing sa pagkakalugmok, at alam kong hinding-hindi na ako makakabangon pa kahit saan pa ako magpunta.

Dahil kahit anong iwas ko sa problema ko ay bumabalik at bumabalik parin ito.

Hindi ko alam kung paano ko tatapusin ang sinumulan ko. Alam kong matagal-tagal narin akong nanahimik pero hanggang ngayon ay hindi ko parin sila kayang harapin. Hanggang ngayon ay natatakot parin ako. Natatakot ako na baka kamuhian nila ako kapag nalaman nila ang katotohanan.

Ang katotohanang itiinago ko sa kapatid ko noon hanggang ngayon.

Ang katotohanang inakit ko ang fiancé ng kakambal ko.

Oo. Iyon ang totoo.

Hindi ako santa, at hindi din ako mabait. Tama ang sinabi ni Myrtle sakin noon. Isa akong mang-aagaw.

Mistaken Pleasure SPG (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon