Chapter 5: Him
ALESSIA'S POV
Nanaginip ako. Nasa Abandonadong Ospital ako, kasama ko si Alex. May narinig ako na pagsira nang pinto. Gabi ngayon. Nasa 3rd floor kami nang patakbo kami papunta sa entrance door. Pagdating namin, nandoon na ang mga kaibigan ko. Kat. Loke. Belle. Ace. Silang lahat nandoon
Biglang na open ang door ng staircase, may lumabas na matangkad at malaking tao na naka maskara. Puti ang maskara niya at tanging ang mata niya ang makita.
May dala siyang Machete na parang basa.
May kinuha siya sa likod niya na kutsilyo at parang tinarget kami. Makikita mo sa mga mukha namin ang takot.
Pag pikit niya nang mata niya ay tumakbo kaming lahat sa kung saang direction. Ako, si alex at si Ace sa right at Si kat, Belle at Loke naman sa right. Pag tapon niya sa kutsilyo ay tanging ang pintuan ang natusok.
Napansin kong may inoobserbahan si Ace habang tumatakbo kami.
Umabot kami sa likod nang building kung saan nandoon na ang mga kaibigan namin nang parang may naririnig akong kumakanta.
Parang gumigising na ako at nang pagmulat ko ng aking mata ay nakita ko si Alex na nakapikit ang mata habang kumakanta.
"'Cause we were just kids when we fell in love, not knowing what it was. I will not give you up this time"
Napansin kong may luha sa mata ni Alex habang kumakanta.
"Darling just kiss me slow, you're heart is all I own and in your eyes your holding mine".
Dugtong ko sa pagkanta niya na napahinto siya at halatang nagulat.
"Baby I'm dancing in the dark with you between my arms, barefoot on the grass"
Sabay kaming kumanta nang mas marami nang luha ang lumabas sa mata ni Alex na nilagay ang mga kamay niya sa mga kamay ko.
"Listening to our favorite song, when you said you looked a mess I whispered underneath my breath but you heard it"
"Darling, you look perfect tonight", imbes na pakanta ang pag sabi ni Alex ay parang sinasabi niya sa akin. Ngumiti ako at pinunasan ang luha sa mata niya.
Biglang bumukas ang pinto at sinalubong ako nang mga yakap, na unang yumakap si Alex sa akin pagbukas nang pinto at parang nag group hug na kami sa dami namin.
"Anong nangyari?", tanong ko nang hindi na sila naka hug sa akin.
"Na coma ka for 1 week", sagot ni Kat sa akin. Si mama, Belle at Kat ay umiiyak na.
"OA niyo naman, 1 week lang diba", sabi ko sa kanila habang tumatawa.
Tumawa na sila habang pinunasan ang mukha nila.
"Lalabas muna kami", sabi ni Ace na kasama sina Kat, Belle, Alex at Loke.
Alam ko kung ano talaga ang ginagawa nila, binibigyan nila kami nang privacy para maka catch up ako.
"Ano bang nangyari?", tanong ko ulit upang mabigyan ng mas mabuting sagot.
"May lason raw ang tubig na ininom mo sa Resto, nahimaty ka at dinala ka ni Alex dito", sagot ni papa
"Whole week siya ang nagbantay sayo kasi masyado kaming busy", sabi ni mama.
"Mukhang mahal ka talaga niya", dagdag ni papa.
Umiwas ako ng tingin sa kanilang dalawa dahil namula ang pisngi ko sa sinabi ni papa.
Nag catch up nga kami sa lahat ng nangyari sa isang linggo. Ang dami pala, may namatay nanaman daw na 4 ka tao sa abandonadong Ospital sa 66th street. Same ang cause of death nila kay Nicole.
Nanglumabas sila ay ang mga kaibigan ko naman ang pumasok except hindi pumasok si Alex na nakakapagtataka.
"Totoo ba yung may 4 na namatay sa Ospital kung saan namatay si Nicole?", Tanong ko kasi nang sinabi ng magulang ko iyon ay na curious ako.
"Oo"
Natawa ako kasi halos sabay silang nag sabi ng oo. Halos nakalimutan ko na ang ligaya pag nandito sila sa tabi ko.
Marami kasi akong napanaginipan na masama sa loob ng 1 linggong pagtulog.
May napanaginipan ako tungkol sa pagkamatay ng mga kaibigan ko, meron ring panaginip kung saan nakalabas kaming lahat, meron ring isang panaginip na parang nasa isang Mental Hospital ako at tinatanong sa akin ng isang lalake kung pinatay ko ba ang mga kaibigan ko. Parang mga konektado ang mga panaginip pero iba-iba ang kalabasan.
Magiging mas maingat ako sa pag iimbestiga sa kasong ito. Kung nandito lang talaga yung paborito kong Fictional detective na si Sherlock, si Alex ang nag introduce sa akin kay Sherlock kaya nagkaroon ako ng interes.
Nag catch up rin kami ng mga kaibigan ko na kagaya ng dati ay masay parin sila pero kulang raw kung wala ako at si Alex
Pumunta sila sa Siargao which is ang favorite kong place. Pumunta raw sila doon para magtake ng mga picture para sa pag gising ko.
"By the way guys, may sasabihin ako tungkol sa trip natin sa Siargao", sabi ni Belle.
"Ginawa namin ni Ace", dagdag niya.
Napanganga ang lahat sa sinabi ni Belle. Seryoso bah sila? Lumevel up na ang relationship nila.
"Kailan? Saan?", tanong ni Loke nang sinuntok siya ni Kat sa braso. Manyak talaga tong si Loke eh.
"Actually, last night natin yon doon at sa quarters lang namin.", sagot ni Ace.
"Belle, mag usap tayo paglabas ko ng Ospital", sabi ko sa kanya.
Napatawa nalang silang lahat. Masaya talaga pag kasama ang mga kaibigan.
Papalabas na sila nang sinabihan ko na tawagin si Alex.
Lumipas ang 5 minuto nang dumating si Alex.
Tahimik siya pag upo niya sa upuan.
Gwapo niya talaga!
Black na vneck at black shorts na hanggang tuhod ang suot niya.
I decided to end the silence.
"So, I heard na ikaw ang nandito whole week. Kahit na pumunta sila sa paborito nating lugar"
Napatingin siya sa akin nang sinabi ko yon. "Oo, hindi naman maganda ang trip na yon kung wala ka"
Umiwas ako ng tingin pag sabi niya para hindi niya nakita ang pagmumula ng pisngi ko.
FUCK!!!
"Bakit?", Tanong ko
"Alam mo ang sagot"
"Gusto kong marinig mismo galing sayo"
"Kasi...."
"Kasi mahal kita", sagot niya.
Alam kong mahal niya ako pero pagnaririnig kong sabihin niya yon, hindi pa rin ako makapaniwala.
Biglang nagvibrate ang phone ko.
Tiningnan ko kung sinong nag text
Anonymous: Alam kong gising ka na. Wag niyo nang ituloy ang gagawin niyo kung hindi niyo gustong mamatay
May takot na halong galit ang nararamdaman ko.
"Ang anonymous number ba yan?", biglang tanong niya na ikinagulat ko.
"Paano mo nalaman?"
"Ako ang nagbantay sayo for 1 week. Tingnan mo, 5 texts ang natanggap mo", sagot niya sa tanong ko.
Na alala ko ang ginawa namin nang gumising ako. May nararamdaman akong kakaiba dito sa puso ko.
I Love Him
BINABASA MO ANG
Dead by Daylight
Mystery / ThrillerOne night. Six Friends. One killer. Who will be Dead by daylight? When 6 Friends went to an abandoned hospital to investigate the murder of their friends, things took a bad turn. Locked doors, broken generators, 1 Video tape. Will they escape or be...