Chapter 8: Tulong
ALESSIA'S POV
Habang sinusundan namin ang killer umabot kami ng Basement, creepy talaga dito.
Dinala niya si Kat sa left hall, sinundan parin namin siya ni Loke at Alex. Kahit saan ako pumunta, kasama ko talaga si Alex. . .
Nagpaiwan si Ace at Belle para Hindi kami masyadong madetect, at para narin maka trabaho sila sa generator. Umabot kami doon sa room kung saan may apat na hook.
Tinakpan ko ang bibig ko nang binitay ng killer si Kat, sa shoulder niya nakatusok ang hook, sigaw siya ng sigaw habang tumutulo ang dugo. Tumingin siya sa amin at napahinto ang pag sigaw.
Tumingin siya sa baba habang tumutulo na ang dugo niya sa mga sneakers niya na may puddle of blood na sa baba niya.
Dumaan ang killer sa other hall, hinahanap siguro kami. Pag kawala niya, tinakbuhan ko kaagad si Kat at binaba, tinulungan ako ni Alex at Loke kasi mabigat si Kat, hindi naman mataba.
Tinigilan niya ang mga sigaw niya na naging mga mahinang mga ungol. "Punta tayo sa 4th floor, meet muna natin sina Belle at Ace doon", sabi ni Alex.
Pagdating namin doon, naglakad lakad kami ng 5 minuto bago makita sila Ace at Belle.
"May first aid kit oh, gamitin niyo yan para matakpan ang sugat ni Kat", sabi ni Ace habang binigay ang First aid kay Loke. "Ok, parang tama ang ideya ko na mag split up tayo. Napag isipan ko toh, dapat isang lalake at isang babae ang pares", sabi ko.
"Tama rin si Ally, naging mahirap ang pag fix nitong mga generator, tinanggal ang mga puzzle, masyadong marami ang wire at kailangan mong ipull yung parang rope para ma jumpstart ang Generator", sabi ni Ace. "Mas mabuti na may kasamang lalake ang babae kasi kailangan ng strong force para ma on ang generator."
Napag desisyunan namin, Ako kasama si Alex si Kat at si Loke, at si belle at si Ace. Matapos matakpan ng malinis na tela ang sugat ni Kat, nag split up na kami. May biglang tunog sa mga sirang speakers sa ceiling nung nasa mga pinlanong floors na kami.
"Walang makakalabas, I'm watching you."
Ang deep at ang lakas ng voice. Nasa 7th floor kami at trinabaho namin ang generator na malapit sa generator na ginawa nina Ace at Alex kanina.
THIRD PERSON'S POV
Habang abala ang lahat sa mga generator nila, may pinaplano ang killer. Lumabas siya gamit ang pintuan sa basement at pumunta sa isang shed sa likod ng ospital. Doon may mga monitor na nagpapakita ng kuha ng cctv, nasa cam 12 sina Ace at Belle, nasa cam 5 sina Kat at Loke at nasa Cam 19 sina Alex at Alessia.
Lumabas ng shed ang killer na may dala dalang 5 bear traps. Pumasok siya sa Ospital at nagtungo sa 2nd floor, kung saan nandoon si Ace at Belle.
ACE' POV
May takot ako sa kung anong pwedeng mangyari sa loob ng Ospital nato. Napansin ko kanina na wala na sa First floor ang dalawang na half na katawan ni Kuya Thor. Walang kahit isang patak ng dugo kaya napaisip ako, saan kaya dinala ng killer ang bangkay ni kuya Thor?
Baka kung saan niya inilagay ito, doon din namin matatagpuan ang tape ni Nicky. I mean it makes sense. Tinago niya ang bangkay ni kuya Thor para walang ebidensya, so tinago niya rin siguro ang tape ni Nicky para walang ebidensya. Pero bakit hindi niya tinago ang bangkay ni Nicky at nang 3 namatay dito bago namin pinasok ito?
BINABASA MO ANG
Dead by Daylight
Mystery / ThrillerOne night. Six Friends. One killer. Who will be Dead by daylight? When 6 Friends went to an abandoned hospital to investigate the murder of their friends, things took a bad turn. Locked doors, broken generators, 1 Video tape. Will they escape or be...