Kung meron akong di pinaka-pinaka-pinaka malilimutan na characters na nabasa na hindi bida ay sina Lolo Bernard at Manong Eddie ng GIRLFRIEND FOR HIRE 1&2 ni Yam-Yam28.
Sila ang pinakaunang pumasok sa isip kapag ang di malilimutang tauhan sa isang kwento na ang pag-uusapan. Walang tatalo sa kanilang mga pakulo. Tinalo nila lahat ng mga impersonator sa dami ng kanilang ginaya. Tinalo nila lahat ng bida at ang sidekick nito sa dami ng kanilang kalokohan. Ang pagmamahalan nila ay kakaiba sa lahat.
Si Lolo Bernard na isang milyonaryo at makapangyarihang tao. Kinatatakutan at ginagalang. Pero, kapag si Bryle na at si Nami ang usapan ay nag-iiba ang takbo ng kanyang utak. Aatakihin siguro ako sa puso kung siya ang magiging lolo ko. Mabuti na lang at pananakit lang ng puson ang inaabot ko sa kanyang mga kalokohan.
Si Manong Eddie na isang dakilang driver at alalay ni Lolo Bernard ay ang pinakamasunurin sa balat ng fiction world. Walang makakahigit sa pagiging game niya sa lahat ng mga kalokohan nila ng kanyang amo. Ang pagmamahal niya kay Lolo Bernard ay napatunayan nang ito ay malagay sa bingit ng kamatayan.
Ang tambalang Lolo Bernard at Manong Eddie ay madami nang pinagdaanan. Ganun pa man ay di sila natinag at nabuwag ninoman. Umiyak, mabwisit at sumakit ang puson sa kakatawa sa mga pakulo ng dalawang ito. Kilalanin sila sa mga kwentong nagdala sa akin sa wattpad online reading....
******************************
Book 2 ng GFFH ang ilalagay ko sa external link kasi nakalagay na sa pangalawang kwento ang first book niya.
