Third and Perfect

731 25 8
                                    

Dumating na ang pinakahihintay na araw ni Vice. Hindi niya aakalain na gagawin niya ito sa buong buhay niya. Mga planong gusto niyang tuparin kasama ang kaniyang nobya na si Karylle.

K's POV

6:30pm na. I need to get ready para sa date namin ngayon ni Vice. Pero parang may kaba sa dibdib ko. Di ko alam. Parang may something na ewan. Hays. Karylle, focus. It's your special night with Vice.

End of K's POV

Biglang tumunog ang doorbell ni Karylle. Siya ay lumabas upang silipin kung sino ito.

"Sandali lang!" anya ni K.

Bumungad sa kanya ang nakangiting si Vhong.

"Magandang gabi, Karylle." pagbungad ni Vhong dito.

"Oh Vhong! Ba't ka nandito? Anong meron at parang aattend ka ng Christmas Party? #OOTDMoMukhaMo ba ito?" nagtatakang tumawa si Karylle sa kanyang nasabi.

Natawa na lamang si Vhong sa sinabi ni K sa kanya.

"Nandito ako para sunduin ka." nakangiting sabi ni Vhong.

"Wait! At saan mo naman ako dadalhin? May date pa kami ni Vice ngayon." ani nito.

"Ayun na nga, napag-utusan lang naman ako ni brad na sunduin ka. Para sure daw na safe ka 'pag punta doon sa date niyo." sagot ni Vhong.

"Ah ganun ba ang dami talagang alam 'non. Sige, pumasok ka muna. At mag-aayos pa ako. Istorbo ka medyo eh. Hahaha! Joke!" sabay hampas kay Vhong.

At tuluyang umupo na si Vhong at hinintay si Karylle.

K's POV

Ito talagang si Viceral ang daming pakulo. Talagang kinontyaba pa si Vhong e. Pero mukhang may ganap. Wait, mai-text nga itong baklang 'to.

End of K's POV

Bago pa man din i-text ni K si Vice, ito'y nakareceived na agad ng isang message mula sa kanyang jowa.

From: Viceral

Subukan mong 'wag akong siputin. 1 month, walang pansinan. Hahaha! Charot! Kaya pinapunta ko diyan si Vhong para sure na makakapunta ka ngayon. Ingat kayo! Can't wait to see you tonight, love. ❤

Di naman maitatago sa mukha ni Karylle ang tuwa at kilig sa kanyang nobyo. Ilang taon na ang lumipas, hindi pa rin kumukupas ang pagmahahalan ng dalawa. Hindi pa rin maiwasang kiligin ito kay Vice kahit sa simpleng mensahe mula rito.

Suot ni Karylle ang itim dress na binigay ni Vice sa kanya. Kitang-kita ang kurbada ng kanyang katawan. Sabayan pa nito ang pulang lipstick na mula rin sa kanyang nobyo na Vice Co. (Ayun, pati ba naman dito. 😂) Hindi maikakaila na bagay ang kulot na hair ni K sa kanyang outfit na talagang ikatutuwa ni Vice dahil sa kagustuhan rin niya ang pagiging natural nito. Konting retouch na lang, at tapos na rin siyang mag-ayos.

"Vhong, let's go!" aya ni K kay Vhong.

"Wow naman! Ang swerte talaga ni brad sa'yo. Ang ganda na nga, sexy pa! I'm sure, di ka niya aasarin sa outfit mo ngayon. Hahaha!" natawang pagkasabi ni Vhong dito.

"Subukan niya, makakatikim sa akin 'yon. So, gora na?"

Lumabas na ng bahay ang dalawa. Inalalayan naman ni Vhong si K sa kanyang sasakyan papunta sa date nilang dalawa ni Vice.

From: Brad

Vhong, ingat kayo ng jowa ko ah! Alagaan mo 'yan, papakasalan ko pa yan. Lagot ka sa akin!

It Started With A Kiss (ViceRylle)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon