Steffans pov
"Zizane, anong schedule ko ngayon? " tanong ko sa kanya
"Sir mamayang 6 pm pa po yung call time nyo para po mag shooting ng ilang scene lang " sabi naman ni zizane
Ano namang gagawin ko dito, ang boring . Ilang oras pa ang hihintayin ko dahil umaga pa lang at 6 pm pa ang schedule ko
Biglang nahagip naman ng mata ko si Zizane na nakaupo sa sofa at nag ce cellphone at tila ba kinikilig
Pumunta ako sa likod nya , I mean sa likod ng sofa at tinignan yung tinitignan nya because i just want to see and its so borring .
I felt froze when I saw the thing she's smilling about and its my picture without my shirt , that picture was captured on one of my a photo shoot .
"What the--" sabi nya sabay na ibato ng cellphone sakto sa mukha ko dahil sa gulat
Napahawak ako sa ilong ko tinamaan ako ng cellphone nya
"Hala sir sorry po nanggugulat point kasi kayo! " she said
"What the hell are you doing? Bakit mo tinititigan ang picture ko? " I said just to scare her, I want to play with her because she's funny when she's naaasar
" Ah.. Eh... Sir kasi po... Ano " Sabi nya habang nagkakamot sa ulo
I think wala syang maisip na palusot
"Kasi Ano? Zizane?" tanong ko na nakataas ng kilay
" Kasi po sir ganit-" naputol nya yung sinasabi nya dahil bigla syang bumagsak sa sahig at nawalan ng malay
"Hey! Zizane wake up . Ano ba!" Tinatampal ko ng kaunti yung cheeks nya , tapos nilapit ko yung cheeks ko sa may lips nya para tignan kung humihinga pa sya.
Noong napagtanto kong maayos pa naman sya ay dinala ko sya sa kwarto nya para makapag pahinga , sa tingin ko ay sa pagod lang yang nararambaman nya kaya siguro sya na himatay. Maaga pa naman siguro mamaya ko na lang sya gigisingin kung aalis na kami.
Zizane's POV
Naramdaman ko na nasa kama na pala ako dahil malambot itong hinihigaan ko at naramdaman kong umalis na si steffan dahil may nag sara ng pinto kaya't iminulat mo ang kanang mata ko na tila ba may tinitignan .
Nang makita kong ako nalang yung tao dun sa loob ng kwarto , dumilat na ako at nakahinga ng maluwag
Hay! Salamat nakaligtas din ako sa tanong nya. Tama kayo best actress na ako ngayon hahaha dahil sa pagpapanggap kong nahimatay kanina dahil hindi ko talaga alam kung paano ko malulusutan yung tanong nya.
Ano naman isasagot ko sa kanya
"Ahhh wala naglalaway kasi ako pag topless ka"
O di kaya baka ito ang masabi ko
"Yummy kasi ng abs mo sarap titigan at hawakan"
Baka pagkamalan pa nya akong manyak sa kanya, well totoo naman pero baka lumaki ulo nya pag nalaman nya yun
Sa kabila ng pag iisip ko biglang may kumatok
"Zizane? Gising ka na ba?" tanong nya
Dahil nga best actress ako at paninindigan ko na ito ay nagmadali akong humiga sa kama at nagtulog tulugan
Biglang bumukas yung pinto at nakamdaman kong may tumabi sa akin pero naramdaman kong umupo lang sya sa gilid ng kamang hinihigaan ko
"Zizane? Are you okay?" Sabi nya na parang ginigising ako dahil inaalog nya yung balikat ko
"uhmmm.." sabi ko naman na parang nagigising
"ehem ehem ehem" at ng makamulat ako ay saktong nakatingin sya sakin kayat nag ubo ubuhan ako na para talagang may sakit
Nakita ko naman sya nakatitig sa sakin at alam kong nag aaalala nya dahil sa mata nyang may pag aalalang tingin
" ayos ka lang? Inuubo ka yata. Sandali ikukuha kitang gamot at baka lumala pa iyan" sabi nya sabay tayo at labas nya ng kwarto
Huhuhu! Nakaka guilty naman kasi nagsisinungaling ako sa kanya , maya mayay nakabalik na sya at ako rin ay nakabalik na sa pag aarte
" Ito ang gamot oh , inumin mo yan para gumaling kana , feeling ko dahil hindi ka pa sanay sa klima dito sa Thailand" sabi nya sakin sabay hipo sa aking noo
Nanigas naman ako dahil hinawakan nya ako diba syempre hinawakan ka ng idol mo sinong hindi kikiligin grabe
"uhhhh... Pakilagay nalang *ehem* dyan sa may table yung gamot " sabi ko sa kanya
"osige inumin mo yan , ayos lang na hindi ka makasama mamaya sa shoot ko dahil may sakit ka naman, mag pahinga ka na " sabi nya sa akin sbay labas ng kwarto
Ano bayan zizane loka loka ka talaga baka mawalan ka ng trabaho dahil dyan sa ginagawa mo.
.
Read . Vote . Comment . Spread. Thank you.
Sinisikap kong mag update everyday kahit konti lang readers/ walang readers . Kaya gusto kong ituloy dahil sa Ending . Nakaka excite 💙
BINABASA MO ANG
Lost In Destiny's Battle (KathNiel)
Teen FictionMasaya maging isang Fan, tapos sinabayan pa ni Destiny ng kasiyahan. Oo kasiyahang hindi naman nag tagal, kasi pinatikim lang pala ako ng Destiny ng panandaliang tuwa. Masaya ako. Kasi nakikita ko sya kahit sa malayo lang. Masaya maging fan sobran...