Chapter 5

5 0 0
                                    

Zizane's POV

Nandito kami sa isang lugar na di ko alam . Lugar kung saan gaganapin ang shooting nila Steffan

Kung tinatanong nyo si steffan. Ayun sya kasama nya yung ka love team nyang si Kim Wang sobrang sweet nila grabe.  Para ngang magkarelasyon na silang dalawa

Hindi naman sa nagseselos pero nagseselos ako kasi ang close nila sobra , alam ko naman yung limitation ko kasi P.A lang naman ako atsaka isang hamak na Fan lang naman ako

"Zizane" May tumawag sa akin at nakita ko sya na tawag ako

"Yes?  Boss " sabi ko habang nakatingin sa kamay nyang nakapulupot sa bewang ni kim. 

Nakakalungkot lang kasi isipin na never syang magkakagusto sakin dahil isang hamang na julalay nya lang ako. Tapos artista sya.  Malabo talaga mangyari yung alam kong kontra nanaman si Destiny sakin o sinasabi sakin na lahat ng ito ay sinabi ng destiny na wag munang subukin ang kontrahin ako kasi ayan na talaga nakatandhana sayo, nakatadhanang hindi maging kayo.

" Can you get me a water?  Kim is thirsty " sabi nya sabay ngiti naman sakin ni kim

"Sure Boss, wait a minute " sabi ko sabay takbo baka kasi nauuhaw na si kim nakakahiya naman baka sigawan pa ako ni boss

Pag kakuha ng tubig at pawis na pawis ako kahit malamig dito sa Thailand

"Boss,  here " sabay abot ng bote sa kanila

Pinainom naman ng tubig ni Steffan si kim. Tapos inaalalayan nya pa sa pag inom yung parang inilagay nya yung kamay nya sa may ilalim ng baba ni kim yung parang mga nanay ng mga bata na umiinom ng tubig tsss. Af if naman na matapon yun eh ang laki laki ng bibig nun ni kim .Minabuti ko nalang na umalis nalang doon ang awkward kasi.

Nandito ako sa labas ng sasakyan ni Steffan,  pero hindi na naman nya ako kailangan kayat nag video call kami nila mama

"Mama miss ko na kayo, kamusta po kayo dyan? " tanong ko sa kanila

"Huwag mo kaming alalahanin dito,  maayos naman kami.  Kamusta ka baka inaapi ka dyan ng amo mo? "

"Hindi po mababait sila.  Mama miss na kita,  miss na miss " naluluha na ako kasi sobrang close ko si mama

"Huwag ka na umiyak. Mag cha chat naman tayo lagi " sabi ni mama

"Sige po. Pasensya na po kayo miss ko lang kayo " sabi ko ng umiiyak pa rin.

Kahit naman gusto ko rito dahil kay steffan at sa sweldo ko para makatulong sa pamilya ko, na mimiss ko sila .

Steffan's POV

Tapos na kami sa shooting at pabalik na akong sasakyan at nakita ko si zizane na umiiyak.  What the heck is she doing?  Nakatingin na ang mga tao sa kaniya sino ba naman ang matinong tao na umiiyak kaharap ang phone baliw na yata to

Nilapitan ko nga

"Zizane let's go. " I said

"Oww mama paalam na po mahal ko kayo ingat kayo mwa mwa,  oy! pangit kong mga pinsan mag ingat kayo dyan " paalam nya

Pumasok na sya sa van ng umiiyak at nagpupunas ng luha

"Why are you crying? " I asked

"It's nothing sir I just miss my family in the Philippines " she said

Naawa ako sakanya ng konti dahil sa lungkot na nararamdaman nya

"By the way why are you here in Thailand?  Why do you want to work here? "

"Boss tagalog nalang wala akong baon na madaming English " sabi nya . I just laugh

"Kasi po sir nung nasa pilipinas po ako kakagraduate ko lang po ng high school pero gusto ko po talaga mag college kasi may dreams po ako, pero wala kaming pera tapos wala pang may gustong tumanggap sa akin na trabaho dun lagi daw walang bakante. Kaya hayun, hulog naman ng langit si manager kaya ako nandito dahil sa trabaho at excited rin ako makita ka diba fan mo nga ako, pero sabi ko sa sarili ko imposible na magkita tayo kasi artista ka diba.  Tapos nalaman ko nalang ikaw yung boss ko sobrang sya ko pero at the same time malungkot kasi mamiss ko family ko pero ayos lang matutulungan ko naman sila " tuloy tuloy nyang sabi

Bahagya naman akong nalungkot sa kwento nya.  Pero masaya rin ako kasi paunti unti ko na syang nakikilala .

.

Read . Vote . Comment . Spread. Thank you.







Lost In Destiny's Battle (KathNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon