Alas tres y media na ng hapon, pero ramdam parin ni Sienna ang mahapding sikat ng malapit ng papalubog na araw, mukhang tumitindi na nga talaga ang polusyon at global warming dahil kahit maraming puno at may kalamigan ang barangay nila ay nanunuot parin sa balat ang tinding sikat ng araw. Pinunasan niya ang namumuong pawis sa kanyang noo, ramdam niya ang panghahapdi ng kanyang mukha, hindi kasi siya nagdala ng payong o kaya nagsuot man lang ng sombrero habang nilalako ang tindang banana-q sa may kaliitang barangay nila. Hassle lang kasi para sa kanya iyon, lalo na ang pagdadala ng payong, madalas niya kasi itong nakakalimutan, kung saan saan niya naiiwan kaya ang ending, lage siyang napapagalitan ng nanay niya dahil palagi na lang raw itong bumibili ng payong na lage naman niyang naiiwawala.
Malapit ng maubos ang paninda niyang banana-q, idadaan na lang niya ito sa kanila Manang Jean, ang ginang na nag-aari ng pinakamalaking tindahan sa barangay nila, na sigurado siyang papakyawin dahil ipangmemerienda nito ito sa mga tindera nito. Maituturing na ito na yata ang may pinakamaluwang na buhay dito sa barangay nila, ito na rin ang halos takbuhan ng mga taga-roon kapag nangungutang, kasama ang pamilya niya.
Maliit lang kasi ang lugar nila, memoryado na nga niya ang mga pagmumukha ng mga tao roon. Nasa 90% sa mga tao sa kanilang barangay, pagsasaka at pangingisda ang ikinabubuhay, hanggang elementary nga lang ang skwelahan na meron sila kaya ang halos na mga estudyante na maghahigh school na ay kailangan pang maglakad ng ilang kilometro papunta sa kabilang barangay para doon makapag-aral. Gaya niya, kaya tuwing bakasyon ay nagsisikap siya na makapag-ipon ng pera para may maipangtustos siya pagkakolehiyo niya. Nasa 4th year high school na kasi siya, ang kuya Sameer naman niya ay nasa ikatlong taon naman sa kolehiyo sa kursong Political Science, pangarap kasi nitong mag-abogado, at alam niyang hindi imposible na mangyari ito dahil matalino ang kuya niya. Sa katunayan ay iskolar ito, mula sa tuition hanggang sa allowance ay may sponsor ito. Ikinaiinggit nga niya ito sa kuya niya, hindi niya kasi nakuha ang katalinuhan nito, hindi naman siya bobo, sapat lang, pero alam niyang hindi siya makakakuha ng scholarship na gaya ng sa kuya niya. First honor kasi ito mula elementary, kaya nakakuha ng full scholar sa isang State College sa bayan nila, samatalang siya ay hanggang honor roll lang, minsan nga ay hindi na pa siya nakakarga sa top 10.
Kaya pinagsisikapan niya na makapag-ipon ngayon, may isang taon pa naman siya para maka-ipon ng sapat na pera. Napag-usapan kasi nila ng mga magulang niya na hihinto muna siya ng isang taon pagkagraduate niya, pauunahin muna nila ang kuya niya na makagraduate saka siya muli ang mag-aral, kakailangan din kasi nila ang pera para sa karagdagang gastos ng kuya niya sa papalapit na graduation nito. Hindi naman problema sakanya iyon, kailangan din naman niya ang mga panahon para makapaghanda siya sa pagkokolehiyo niya, buti nga iyon kahit papano ay makakatulong siya sa nanay at tatay niya, alam din naman niyang hindi sila pababayaan ng kuya niya kapag nakapagtapos na ito.
"Sienna, buti naman andyan kana, kanina pa kami gutom." Bungad sa kanya ng isa sa mga tinder ni Manang Jean, si Penelope. Hindi na nga siya hinintay nito na ilapag ang bilao na dala, basta na lang itong dumukot ng isang stick ng maruya at kinain ito, halatang gutom na nga ito, sunod-sunod na rin na kumuha ang ibang kasamahan pa nito.
Natawa siya "Sorry naman, dumaan pa kasi ako sa barangay hall, may meeting kasi ang mga konsehal kaya pinadaan muna ako ni Kap doon."
"Sienna, sa bahay ni Manang Jean mo na lang daw kunin yung bayad." Nakanguyang sabi ni Penelope, tumango siya at nagtungo sa bahay ng ginang na nasa likod lang ng tindahan nito.
Nakita niya itong nakapamaywang na nakatayo sa harap ng pintuan nito at pinapaypayan ang sarili, mukhang inaantay na siya nito.
"Magandang hapon, Manang Jean, ang init ano." Bungad niya rito. Ngumiti lang ginang sa kanya habang pinapaypayan parin ang sarili at saka siya inabutan ng limampung piso.
"Oo nga eh, mukhang kailangan nang dagdagan ang pagtatanim ng puno rito sa bakuran ko."
Bahagya siyang natawa sa sinabi ng ginang, mapuno ang bakuran nito, nakulangan pa talaga ito sa puno roon dahil may plano pang magpadagdag, sabagay, may rason naman ito, talagang masyado ng mainit ngayon sa lugar nila.
Inabutan niya ng 20 pesos ang ginag bilang sukli nito, pero tinanggihan lang nito iyon. "Keep the change ija." nangingiting sabi nito.
Nahiya siya sa sinabi ng ginang, lage kasi itong may pasobrang binibigay kapag nagbibinta siya rito ng banana-q, baka isipin ng ginang namimihasa na siya, ayaw niya iyon.
"Naman Manang Jean, lage na lang kayong may pasobra, hindi pwede yun." Sabi niya at sapilitang iniabot ang beynte pesos sa ginang. "Ano ka bang bata ka, masamang tumanggi sa grasya, isipin mo na lang pamasko ko yan sa iyo." Katwiran nito.
Tumawa siya."Kung gayon dapat pala mangarolling na rin ako." Biro niya, pero dahil sa sinabi ay mukhang nagka-idea pa ang ginang. "Ay naku, mabuti pa nga, hala sige kantahan mo ko ng maaliw naman ako."
Napanganga siya. "Manang Jean naman, joke lang po yun."
Tinawanan lang siya ng ginang.
Marami pa silang napagkwentuhan ng ginang saka siya nagpa-alam rito, napansin niya kasing malapit ng lumubog ang araw at napapahaba na ang pag-uusap nila, kailangan pa niyang maghanda ng hapunan sa kanila.
"Salamat ho uli manang jean." Paalam niya rito, hinintay niyang makapasok muna ang ginang sa bahay nito bago siya nagpasyang umalis.
Kaso hindi pa lang siya nakakahakbang ay may matigas na bagay na tumama sa kanyang likuran dahilan para mawalan siya ng balansi at biglang napaluhod.
Napasinghap siya ng maramdaman ang mariin na pagtama ng maliliit na bato mula sa lupa sa kanyang tuhod. "Aray"
"Hala, miss sorry."
Naramdaman ni Sienna ang pagtayo sa kanya ng isang lalaki base na rin sa boses nito mula sa kanyang likuran. Mas lalong humapdi ang tuhod niya, kaya napatingin siya rito, at halos himatayin na siya sa nakita. Nakita niya kasi ang paglabas ng malagkit na pulang likido sa kayang tuhod. Dugo! Takot siya sa dugo.
"Naku, miss sorry talaga." Nakita niya ang lalaking bumanga sa kanya na pumunta sa kanyang harapan, dirtso itong lumuhod at tinignan ang kanyang tuhod. Napa-atras siya ng akmang hahawakan ng lalaki ang kanyang sugat.
Dahil sa ginawa niya ay napatingala ang lalaki sa kanya. Biglang nakalimutan ni Sienna ang kumikirot niyang tuhod. Nafocus ang atensyon niya sa nag-aalalang mukha ng lalaking nakabangga sa kanya. Mula sa nakatagong malalim at mapupungay nitong mga mata dahil sa nakatabong mahahabang buhok nito sa mukha, napazoom in pa ang mata niya sa mahahaba nitong pilik-mata, sa matangos nitong ilong, sa maninipis at mamumulang mga labi, hanggang sa pinagpapawisan nitong noo kahit na di niya masyadong makita, pati sa mamumula nitong mga pisngi kahit na kayumanggi ang kulay nito.
Hindi ito maari! Paanong mayroong nilalang na mas gwapo pa sa kuya Sameer niya!????
BINABASA MO ANG
SIENNA (Jilted Lover )
RomanceSienna happens to hate people who are part of the elite society because she believes that they do not have any respect for those who are less fortunate. However, when she finds out the truth about her lover, Ezequiel, she makes the difficult decisio...