"May gwapong dayo raw sa baranggay natin."
"Nakita ko kanina, ang pogiii."
Napasimangot si Sienna sa narinig na usapan ng kanyang dalawang kaibigan na si Marie at Claire. Tuwing sabado ng hapun, kasama niya kasi ang mga itong naglalaba sa tabi ng malaking talon malapit sa kanilang barangay. Kilala niya kasi kung sino ang pinag-uusapan ng mga ito.
"Di naman siya ganoon kagwapo." Pakikisali niya sa usapan ng kanyang kaibigan.
Sabay na napalingon ang mga ito sa kanya, saka lang niya narealize na mali ang ginawang pagsatinig sa kanyang opinyon.
"Nakita mo na siya?"
"Gwapo?"
"Alam mo pangalan niya?
" Saan mo nakita?"
Sunod-sunod na tanong ng mga kaibigan, hindi na tuloy siya magkanda-ugaga kung alin sa mga tanong nito ang unang sasagutin o kung iluglog na lang kaya niya sa talon ang mga ito ng magising sa ilusyong gwapo ang lalaking iyon. Napasimangot na naman siya ng maalala ang lalaki.
"Hindi nga sabi ganoon kagwapo. Okay lang mukhang tao. Mas gwapo parin si Kuya Sameer" kumento niya at tinuloy ang paglalaba.
Bumuntung hininga ang mga kaibigan niya. "Alam na namin yun Sienna, walang aagaw sa trono ng kuya mo bilang pinakagwapo sa barangay natin."
"Pinakagwapo sa buong mundo." Dagdag pa niya. Saan kayo nakakita ng lalaking gwapo na, matalino, talented at napakabait pa. May sense of humor din yun, idagdag mo pang gentleman, na sigurado akong wala sa lalaking yun.
"Okay, pinakagwapo sa buong mundo." Pagsuko ni Claire.
"Pero nakakapagod na rin umasa sa kuya mo ano, kailangan din naman naming ng ibang hahangaan." Patuloy ng kaibigan.
Natigil siya sa paglalaba at nakakunot noong tinignan ang kaibigan. "Ibig mong sabihin, nagsawa na kayo sa kuya ko!?" paasik niyang sabi. Nanlaki ang butas ng kanyang ilong.
"Di ah!" agap naman ni Marie. Nakahinga siya ng maluwag at muling itinuon ang atensyon sa paglalaba ngunit di nakaligtas sa kanya ang hindi maalala ang nangyari kagabi.
Magkakilala kayo? Palipat lipat ang tingin ng kanyang kuya sa kanya at sa bisita nito. Napatingin siya sa gwapong lalaki na nasa harapan niya ngayon.
"Siya yung sinabi kong mas gwapo sayo." Walang pakundangang sabi niya. Eh totoo naman kasi, may nakalamang na sa kagwapuhan ng kuya niya.
Naubo ang kuya niya, nakarinig naman siya ng mahinang hagikhik mula sa kanyang ina na nasa kanyang likuran. Napakunot ang noo niya. May mali bas a sinabi ko?
BINABASA MO ANG
SIENNA (Jilted Lover )
RomansaSienna happens to hate people who are part of the elite society because she believes that they do not have any respect for those who are less fortunate. However, when she finds out the truth about her lover, Ezequiel, she makes the difficult decisio...