The Beast

85.6K 810 48
                                    

THE BEAST

"And the FAMAS best actor is..." tahimik na nagaabang ang mga kapwa ko artista kung sino ba ang best actor ngayon taon. Ako bilang isa sa mga nominee para sa award, nakaramdam ako ng kaba but at the same time excitement.

"...Axl Ledesma for Getaway." agad akong napangiti. This is what I am excited for; I did it again.

Tumayo ako mula sa inuupuan ko at saglit na inayos ang damit ko bago naglakad paakyat ng entablado with confidence. I prepared myself for this night, specifically for this award. Ang Getaway ang kaunaunahang action movie ko but this is not the first time na makakatanggap ako ng isang Best Actor Award.

Kinamayan ako ng mga taong nasa likod ng FAMAS, they congratulated me at inabot ang isang napakagandang trophy. Nang makita ko ang trophy, lihim akong napangiti, This is what I am here for- to gain success and be a victor.

Lumapit ako sa micropono at hinarap ang kapwa ko artista na nagpapalakpakan. Alam ko ang iba ay totoong masaya para sa akin, lalo na ang mga nakasama ko sa movie, pero alam ko may iilan na nakangiti man ngayon pero sa totoo gusto na akong patayin sa inggit.

Well, that's life. I always got what they wanted.

"Sa lahat ng bumubuo ng Getaway- from my Producers Emma Santos, and of course to my Star Motion family, I am sharing this award to you most especially to my Getaway family-" like a triumph, itinaas ko ang trophy "Congratulations to us."

Muling nagpalakpakan ang mga nasa paligid ko, ang iba sa kanila ay nagbigay pa ng standing ovation- sila ang mga Big Boss ng IBC Network na kinabibilangan ko. Sila din ang may ari ng Star Motion Film.

I deserved that standing ovation from them, malaki laki narin ang perang ipinapasok ko sa kompanya nila.

Seven years na akong nasa showbiz industry. Mula sa isang bagitong bata ngayon isa na ako sa most sought after actor ng bansa. I worked hard for this, three years din akong paextra-extra sa kung saang palabas, ngayon ako na ang bida.

Yan ang naging buhay ko bilang si Axl Ledesma. Mula sa isang simpleng tao na si Joseph Alexander Ledesma, ngayon isa na ako sa batang successful actor. In terms of movies, concerts, album, at endorsements- that's Axl Ledesma. Nakukuha ang lahat sa charm.

"Congratulations." the she kissed me. That's Gwen Sandoval, ang girlfriend ko. Bukod sa girlfriend, sya din ang kilalang ka love team ko. Mula sa pagiging isang sikat na love noong teenager palang kami, hanggang ngayon ay tinitilian parin kami.

"Welcome Babe," may iilan bang bumati din sa amin, mga kapwa ko artista na nakaupo sa di kalayuan sa kinauupuan namin and I feel proud.

I took my cellphone from my pocket; just like any other artist, updated din ako when it comes to social media like twitter, Instragram at iba pa. Napangiti ako, iba talaga ang technology ngayon, ilang minuto palang since I received the award, and now isa na ito sa trending topics worldwide.

BEAUTIFUL BEASTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon