The Destruction After Success

51.4K 600 25
                                    

THE DESTRUCTION AFTER SUCCESS

Tahimik lang akong nakatambay sa loob ng sasakyan ko. Hinihintay ko si Gwen dahil nag-guest ito sa isang show. Sweet diba? Pero hindi naman talaga ako ganito, nagkataon lang na nagpapabango uli ang love team namin ni Gwen. After kasi ng issue between me and Ella, kinausap kami ng management lalo na at may nalalapit kaming movie.

Habang naghihintay ako, binuhos ko ang oras ko sa kakalaro ng games sa cellphone ko. Bigla namang nagring ang phone ko. "Brad," sagot ko. It's Marco- ang partner in crime ko.

"Nasan ka na? Andito na kaming lahat?" lihim akong napahinga ng malalim at napailing. May all boys party sana kami nina Marco at ng barkada. "Hindi ako pwede, I'm still waiting for Gwen."

"Really bro? Sinundo mo sya?"

"Kailangan eh"

Mas lalo pa akong nainis sa lakas ng tawa ni Marco, "Babaero ka kasi bro," of course he knows the real story behind me and Ella.

"Susunod ako, alam naman ito ni Gwen eh." yan nalang sinagot ko para tumigil na sya sa pang aasar.

"Eh yun ay kung papayagan ka," pang aasar nya pa ulit. "baka isipin nya makikipagkita ka nanaman kay Ella." hindi ko alam paano ko natagalan si Marco, pero kahit ganyan yan, isa yan sa bestfriend ko. Partners in crime nga kami eh.

"Basta hintayin nyo ako.." habang nagsasalita ako biglang may kumatok sa bintana ko, hindi ko makita ang mukha pero may inabot itong papel sa akin ng buksan ko ang bintana ng sasakyan. Balewalang kinuha ko ito at nagpatuloy sa pagsasalita. "Sige na.." agad kong binaba ang phone.

Napatingin ako sa hawak kong isang maliit na papel. Isa itong invitation para sa butterfly show. Napailing ako, pati butterfly ngayon may show na. Muli kong binuksan ang pinto ng sasakyan at hinanap ang nagbigay nito- hindi ko alam bakit ko yun ginawa.

But I saw someone, a girl whose wearing simple skinny jeans and a plain white shirt. Nakatalikod ito sa akin. Hindi ko alam bakit napatitig ako sa kanya, inaabangan ko ang mukha nya. Pero sa kakaabang ko, bigla nanamang nagring ang phone ko.

Without looking at my phone, sinagot ko sya, "Sabi ko ngang susunod ako eh!" sigaw ko.

"Bakit san ka pupunta?" nagulat ako sa boses ng sa kabilang linya. Agad akong napating sa caller. "Dad, sorry.. si Marco kasi."

"Ano nanamang kalokohan ang gagawin nyo?" sagot agad nito.

"May party lang kami sa condo ni Marco, all boys." I assured him na walang babae this time. Walang Ella. "By the way Dad, napatawag ka?"

"May balita ako." mahinanong sabi nya.

"What is it Dad?"

"Confirm. Ikaw ang lead character sa merging ng iVision at IBC." natigilan ako sa narinig ko. Tama ba ang narinig ko? "Oh bakit di ka na nagsalita?"

BEAUTIFUL BEASTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon