Runaway

46.1K 603 35
                                    

After we checked-in, pumunta kami agad ni Dad sa VIP lounge ng airport. Since I became Axl Ledesma, lagi na akong nasa VIP lounge dahil there was this one incident na nagkagulo sa airport because of me. But now, the story is different. I am here to hide my ugly face.

I'm wearing my black hooded jacket para hindi masyadong mapansin ang mukha ko. Since I got this scarred face, I always get paranoid na para bang lahat nang tao nakatingin sa akin, na parang lahat natatawa o natatakot sa mukha ko. Even my Dad, pakiramdam ko he became distant after the accident.

Mabibibilang mo lang ang tao sa VIP lounge, mostly are having their coffee while reading news paper at ganun din ang ginawa ni Dad. Pero kahit mabibilang lang ang mga tao doo, I can't just sit there and grabe a news paper while having a cup of coffee.

"I'll just stay here..." tumango naman ito at naglakad ako papunta sa isang lugar na mukhang exhibit area. Pero halos walang pumupunta dito, ako lang. Maliit lang ang lugar, medyo dim ang lights dito kaya mas komportable ako.

May isang black baby grand piano sa gitna nito. Iba't ibang klaseng painting naman ang nakasabit sa paligid, nakahighlight lang ito isa-isa ng mga spotlight. This is small area is beautiful, I never get a chance to see this before kahit iilang beses na akong tumatambay sa VIP lounge na ito.

Lumapit ako sa mga paintings, magaganda ang mga ito. Simple lang ang mga ito pero talagang makukuha ang attention mo. Nagpatuloy ako sa pagtitingin ng mga pantings na ito hanggang sa isang painting ang talagang napatitig ako.

Isa itong babaeng nakatalikod, she's like a bride because she's wearing a white gown. She has long curly hair, she looks beautiful kahit na hindi ko makita ang mukha nya. I look for the name of the painter at tanging dalawang letter lang ang nakalagay. E.M. But on the opposite side, may nakasulat.

"All I want to do is runaway."

I don't know why the painter put those words on this beautiful piece, pero napaisip ako dito. I remember how I want to be love; to be love beyond this ugly face of mine. Bumibilis ang tibok ng puso ko dahil sa naisip ko, wala man akong eksaktong plano, but all I know is, I want to runaway.

I look at my Dad na hanggang ngayon ay nagbabasa parin ng newspaper. Napatingin ako sa wrist wacth ko; 45 minutes nalang at aalis na  kami papuntang Phoenix, Arizona. But I have to run away; I want to, I really do.

Kinuha ko ang wallet ko at tiningnan kung may cash ba ako at 3000 lang ang laman ng wallet ko. I have my ATM cards too at alam kong may laman pa ito. Pasimple akong naglakad papuntang comfort room. Good thing nasa pinakaloob ang inupuan ni Dad kaya hindi nya ako mapapansin.

Nang makalabas ako sa VIP lounge, naglakad ako at tanging nasa isip ko lang ay gusto kong lumayo. Everything changed when I got this ugly face, so I have to runaway malayo sa mga taong akala ko totoong nagmamahal sa akin.

Nang tuluyan na akong makalabas sa airport, agad akong nagpara ng Taxi. Halos kalahating oras din bago ko narating ang bahay namin. It's not just a house, it's a mansion, but never a home. It cost a million, but there's no love in it.

"Ano pong kailangan nyo?" unang tanong ng guard sa akin.

BEAUTIFUL BEASTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon