Chapter Two

12.2K 305 3
                                    

What the!!


Mabilis niyang tinulak ang lalaking nakayakap sakanya at malakas niya itong sinampal. Ang walanghiya ninakaw nito ang first kiss niya! Nanlilisik ang matang tinignan niya ito. Nanlalaki naman ang mata nito habang hawak ang pisnging sinampal niya.


"What....." Parang hindi makapaniwalang sabi nito saka unti-unti siyang nilingon. "...the fuck is that?!" Galit na sigaw nito.


Aba! ito pa ang may ganang magalit?!


Dinuro niya ito.


"Ang kapal ng mukha para halikan ako! Hinawakan mo pa ang pwet-an ko at ikaw pa ang may ganang magalit sakin ngayon ha?!" Tinuro niya ang sarili.


"....ni wala kang pahintulot mula sakin!"  Gigil na dugtong niya. Inismiran siya nito.


"look lady, hindi ka mabubuntis dahil lang hinalikan kita, kung makapag-react ka kala mo naman ginahasa kita."


Aba't talagang!


Nilusob niya ito at muli sanang sasampalin ito nang mahawakan nito ang kamay niya. At sa isang kisap lang ay muli na naman siya nitong hinalikan.


"One slap, one kiss..." Nakangising sabi nito. Hinila niya ang kamay at buong lakas na tinuhuran ito.


"AW FUCK!!" Nag-echo ang boses nito sa buong pasilyo. Nakita niya mula sa gilid ng mata na bumukas ang pinto ng library. Bahagya siyang umatras nang madilim ang mukha na humakbang ito papalapit sakanya.


"Hey Eros..."


Napalingon siya sa nagsalita na 'yon mula sa likuran niya. Nakita niya si Rhea at ang boyfriend nito. As usual kasama din ang alagad ng bruhilda. Napasinghap siya nang maramdaman ang mainit na 'yon mula sa tenga niya.


"Babalikan kita." Banta nito. Nanayo ang balahibo niya nang maramdaman ang labi nito na dumapo sa ilalim ng tenga niya. Natulala siya sa ginawa nito... kahit pa nang tumalikod na ito ay hindi pa rin siya nakagalaw. Mabilis niyang hinamig ang sarili saka hinabol ng tingin ang papalayong bulto nito.


Langyang lalaking 'yon!


"Nagbanta kapa kapal ng mukha mo!" Sigaw niya dito. Naiinis na pinahid niya ang labi gamit ang kamay saka patakbong lumayo sa lugar na 'yon nang maramdaman niya ang titig ng mga nasa paligid niya.

-------****

"WHAT happened Eros?"


Sumandal siya sa puno saka pinagbubunot ang damong nasa gilid niya.


"Hon sino siya?" Narinig niyang tanong ng kasama ni Clifford.


"Ah, siya 'yung kini-kwento ko sayo na  kaibigan ko na bagong transferri satin."


"Oh... he's handsome huh."


Tinigil niya ang ginagawa at matiim ang matang tinitigan ang babaeng kasama ng kaibigan.

"Get out of my sight."


Nagulat ito ngunit hindi naman kumibo. Nilingon nito si Clifford.


"Ah sige na, may pag-uusapan lang kami."


Hindi man lang natinag ang babaeng kasama nito.


"Do you wanna die huh?" Naiinis nang sabi niya. Nagulat naman ito saka mabilis na tumalikod. Bumuga siya ng hangin saka tumingala. Naramdaman niya ang pagtama ng sinag ng araw sa mukha niya.


Dark Society #2 - Eros Thanatos Moreau (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon