Young Fiancè 17

236 8 1
                                    

(A/N: Yehhhh guys parte parte wooooo dami na ng reads nito hahahaha,push lang natin to guys XD.......request lang po,basahin nyo rin story ng dalawang pinsan ko,Ang Hearttrob na Bingot at THE STORY OF A RICH GIRL.....sorry sa typos and enjoy reading po *bow*)

(Tristian's P.O.V.)

Tang ina naman ohhh,bakit ba kasi nagkasakit yung babaeng yun tsk takte hindi ko na talaga kaya to

Habang nag tuturo pa yung prof namin sa unahan ay tumayo na ako at dali daling tumakbo palabas ng classroom

"Mr. Navice come back here!"

Isa pa tong bwisit na prof na to,kanina sila Kaizer lang tapos dadag dag pa sya tangna yan

Fiancè ko ang pinag uusapan dito,nasa hospital sya ngayun at kaylangan nya ako,pagbawalan daw ba akong pumunta dun takte sila bwiset

Natakbo parin ako ngayun sa Hall medyo malapit na ako sa gate pero

O.o

Bakit andito yang babaeng yan takte naman ohhh dapat nasa classroom na sya kasi may klase sila,baka nag ka cutting yan tsk

Wala na akong pake elam dyan sa babaeng yan,panira lang yan ng buhay ko,buhay namin ni Kyla

Pero paano ako makakalabas ehh nakaharang sya sa tatakbuhan ko dapat tsk

Bahala na,kahit babae pa yan bubunguin ko nalang,isa pa kasi syang bwisit sa buhay ko ehhh

Takbo parin ako ng takbo hanggang sa papalapit sakanya

Nakita naman nya agad ako kaya humarang sya sa daanan ko

Takte,kung hindi lang to babae dati ko pa to nasapak,ang landi kasi ehhh

Si Patricia yung tinutukoy ko,isa sa mga miyembro ng B4,sya yung humarang ng daanan ko

"Hi babe,san punta mo?,nag mamadali ka yata"

Hindi ko nalang sya pinansin at binungo nalang sya,nag patuloy ulit ako sa pag takbo papunta sa gate

Kung naguguluhan kayo kung bakit dati ay lagi kami nasama dyan sa B4 na yan ay dahil sa principal namin,sabi kasi nya maging friendly daw kami dun sa apat na babaeng yun,hindi ko nga alam kung bakit ehhh,pero alam nung principal namin na mag f-fiancè kami,tita sya ni Carl ehh

Konting takbo nalang makakalabas na ako ng gate nitong campus na to

Pero may isang guard na nagbabantay dun sa tabi ng gate,pero sorry silang lahat dahil tulog si manong guard *smirk*

Nakalabas na ako ng campus kaya pumara na ako ng taxi at sumakay na dun

"Manong dito po sa hospital na to"at ibinigay ko yung isang papel kung san nakasulat yung address ng hospital,pagkalagay ko kasi kay Kyla dun sa van,tinanong ko sa driver kung saan nya pwedeng dalhin si Kyla

Ilang sandali lang andito na kami sa tapat ng hospital,kung nasaan si Kyla,binayadan ko muna si manong driver bago ako bumaba at pumasok dun sa hospital

Dumiretso ako dun sa isang nurse,at tinanong ko kung saan ako room ni Kyla Nhim

"Sir nasa third flopr po,room 304"

"Ahh sige salamat"

Dumiretso na ako dun sa elevator at sumakay,pinindot ko yung 3rd floor

Ilang sandali lang andito na ako sa 3rd floor,hinanap ko na yung room ni Kyla at kumatok nalang dun

Biglang bumukas yung pintuan at nakita ko yung yaya

"Ahh sir kayo pala,pasok po kayo"

Pumasok ako ng konti at hinanap kung nasan si Kyla

And ayun nakita ko na at

O.o

Natawa?

Baliw ba tong babaeng to?

May sakit na nga nakuha pang manood ng Oggy and the cockroaches

Tawa pa ng tawa

Sinara ko na yung pinto,na may tunog kaya natigilan sya sa pag tawa at humarap sakin

"Tristian,bakit ka nandito?,may klase kayo diba?"

"Ehhh ikaw,diba may sakit ka?"

"Meron nga *pout* ang boring dito ehh kaya nanood nalang ako,medyo masakit pa ulo ko *pout*"

"Masakit pa pala ulo mo ehh dapat nag papahinga ka lang,humiga ka na nga"

Lumapit ako sakanya at tinulungan na syang humiga sa kama

"Ehhh bakit ka ba kasi andito?baka hinahanap ka na nila,bumalik ka na dun"

"Wala akong pake elam sakanila,may sakit girlfriend ko,fiancè ko kaya dapat nasa tabi nya ako"

"G-girlfriend?"

*nod*

(Cloe's P.O.V.)

"Ano mga sis,ayos na ba kayo?,halika na dali"sabi ko dun sa dalawa na nag aayos parin ng gamit nila

"Sis naman,andun naman si Tristian ehhh"sabi ni Abby

"Ehh sigurado ba kayo na dun pumunta si Tristian na yun?"

"Oo naman sis noh,kanina pa yun wala dito at kaninang umaga pa yun nag wawala"sagot ni Steph sakin

"Haissstt sige na nga,tera na girls"

Pumunta na kami dun sa van and andun na rin yung tatlong lalaki

"Sasama kami sa hospital"sabi ni Carl

Nag nod nalang kaming tatlo

Ilang minutong byahe ay andito na kami sa hospital,natanong narin namin ang room ni Kyla

Hinahanap nalang namin kung nasaan yun ang tadahh

*tok-tok-tok* ako na ang kumatok dun sa pintuan

Pinagbuksan naman kami ni yaya

Pagpasok namin nakita namin yung dalawa,tawa ng tawa dahil sa pinapanood nilang Oggy and the cockroaches

Close na agad sila -3-

(A/N: Ishhhtoppp muna hehehehe ge vomments nalang po byeiiiiiii)

Young FiancèTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon