Chapter 28

244 7 2
                                    

Confessions of an Ugly Duckling - Chapter 28

Aira's P.O.V.

Malipas ang ilang linggo, magbabakasyon na, naguusap pa rin kami ni Angel lagi na lang niya sinabi na bantayan ko daw si Cedric, paano ko ba mababantayan si Cedric? Eh hindi ko naman siya makikita, at saka ano yun? Babantayan ko yung taong mahal ko para sa pinsan ko? Ano ba Aira yang mga naiisip mo? Huwag mong isipin ang mga ganito! Huwag! Sinabi nga sa'yo ni Angel na pinsan mo na bantayan hindi mo dapat isipin yun, ugly duckling ka nga Aira wala kang pag asa dun.

Mahirap isipin na wala dito si Angel, tapos pinababantay pa niya sa akin, alam ko naman na marami lalaki sa mundo, pero iba si Cedric. Ayaw ko na rin makigulo sa kanila, kilala ko si Angel, ayaw kong magalit yun, matinde siya magalit.

*Krinnngggg Kriiinggg*

Nag ring yung phone ko, nakita ko yung caller i.d. si Frances, sinagot ko.

"Helloooooo?" Bati ko sa kanya sa telepono

"Hi Airaaaa~ musta ka na hayop ka?" Tanong niya sa akin sa kabilang linya

"Ayos naman ako dog" sabi ko, at napatawa dahil yun ang nickname ko sa kanya

"Ewan ko sa'yo duck, nga pala uuwi ako diyan sa Pinas!" Sabi niya.

Yes naman, uuwi si Frances kahit papano may makakausap ako. Miss ko na rin yang aso na yan.

"Talaga? Kelan?!" Sabi ko, naeexcite ako. Shet lang

"Next week! Kasama ko boyfriend ko" sabi niya. Aba matinde may boyfriend na ang aso

"Sino si Onemig?!" Tanong ko sa kanya

"Oo! Kami na pakshit! Sinagot ko na siya!" Sabi niya, napahiga ako sa kama ko at napaisip nakakatuwa naman at masaya ang kaibigan ko at may napapasaya siya.

"HOY AIRA NANDYAN KA PA BA?!!" Tanong niya sa akin, napaalis sa tenga ko yung telepono.

"Oo nandito pa ako" sabi ko sa kanya

"Alam mo ba yung mga sinabi ko?" Tanong niya sa akin, alam ko na inis 'to sa akin

"Ha?" Sabi ko sa kanya.

"Dadating yung pinsan ko!" Sabi niya sa akin.

"Sino?" Tanong ko sa kanya, hindi ko maalala pero meron kaming kalaro dati na pinsan ni Frances na kasing edad rin namin

"Si Axel!" Sabi niya sa akin

Wait, para ngang kilala ko yang si Axel na yan, hindi ko lang matandaan. Hmmm. Ah Oo! Siya yung kalaro namin dati na ubod din dati ng pangit! Kamusta na kaya siya ngayon? Mukha pa rin kayang nerd yun? Naalala ko rati mahilig siya magbasa ng libro.

"Si Axel?! Yung mukhang nerd?!" Tanong ko sa kanya para sure.

"Oo!" Sabi niya.

"Kelan daw?" Tanong ko, dati kong kalaro ngayon ko na ulit makikita pagkalipas ng ilang taon magkikita na ulit kami.

"Sabay kami, diyan na siya magaaral sa Pinas" sabi niya. Yes naman, sana naman maging close kami ulit katulad ng dati.

*Flashback*

"Aira! Aira!" Sigaw ni Axel sa akin, tumingin ako sa kanya at kita ko hawak niya ang isang timba ng soil. Lumapit ako sa kanya at kumuha ng tubig para lagyan yung soil para maging clay. Sinimulan nanamin mag halo nung soil.

Biglang nilahidan ako ni Axel ng soil

"Axel! Kadiri!" Sabi ko sa kanya at nilagyan ko rin ang mukha niya.

Hanggang sa naghabulan na kami at nagpahidan ng soil.

"Aira! Axel!" Sabi ni mommy, napatingin kami sa yaya ni Axel kitang kita ko na galit siya sa amin

*End of Flashback*

Nakakamiss rin pala maging bata, kung noon umiiyak ka ng malakas para mapansin na nasasaktan ka pero ngayon gusto mo na lang hindi ipaalam sa ibang tao na nasasaktan ka na.

"Sige duck, bye na labyu" sabi niya

"Arf arf, bye labyu too" sabi ko sa kanya at naputol na yung linya

Lumabas na ako ng kwarto ko at kita ko sina kuya naglalaro ng basketball sa labas, kasama si Cedric? Hayop nandyan siya! Dapat ko ba siyang bantayan o ano?

Bumaba ako at nakita ko si Zanna nanunuod ng tv sa sala namin.

"Hi Zanna" sabi ko sa kanya at umupo sa sofa na katapat niya, tumingin siya sa akin at nagsmile.

"Hello, musta na?" Tanong niya sa akin,

"Ayos naman, ikaw?" Tanong ko, hindi kamusta na kuya mo?

"Okay din naman." Sabi niya

"Eh ang kuya mo?" Napasabi ko, nanlaki ang mata ko, tanga mo Aira bakit mo tinanong yan?

"Ayos nanaman siya. Nakapagmove on na siya, hindi na niya kailangan ata si Angel." Sabi niya

"Galit ka ba kay Angel?" Tanong ko sa kanya, syempre malay mo may galit si Zanna kay Angel.

"Hindi" sabi niya flatly.

Lumapit siya sa akin at tinabihan ako, kinuha niya yung mga kamay ko at tumingin sa akin sa mata.

"May pag asa ka na kay kuya" sabi niya at niyakap niya ako

"Move on na ako sa kanya" sabi ko na natatawa pa. Totoo naman, move on na ako.

"Weh?" Sabi niya at hindi pa siya naniniwala

"Oo nga! Change topic na! Kayo ni kuya Lance?" Tanong ko sa kanya, naeexcite ako pag sila ang pinaguusapan.

Nagblush siya. Awww may gusto rin kaya siya kay kuya? Boompanes! Time to play cupid!

"Ano naman meron sa amin ng kuya mo?" Tanong niya sa akin at tinatago niya ang mukha niya.

"May something ba kayo sa isa't isa?" Tanong ko at nagbump shoulders kami

"Wala ahh..." Sabi niya

"Pero may sparks?" Tanong ko sa kanya

"Ewan.." Sabi niya at napatayo siya

"Hindi ko alam ang nararamdaman ko para sa kanya, pag malapit siya sumasakit yung tiyan ko, hindi yung natatae ha, yung parang may butterflies sa tiyan mo tapos pag nagsmismile hindi ko alam kung bakit pero napapangiti rin ako at ewan ko!" Sigaw niya. Nabigla ako sa speech ni Zanna, inlove nga ang babaeng ito, aba matinde.

"Anong sabi mo? Sino yang lalaki yan?!" Isang galit na Cedric ang nagsabi nun, at ang masama pa nito kasama niya si Kuya Lance at parang galit rin, akala siguro ni kuya ibang lalaki yun.

"Wala ka na dun kuya!" Sabi ni Zanna, lumapit si Cedric kay Zanna at nagtinginan sila sa mata

"Kuya mo ako kaya ko tinatanong dahil may paki ako sa'yo! Sino ba yang lalaki na yan?" Tanong niya

"Kuya, crush lang yun" sabi niya at hinawakan ni Zanna yung balikat ni Cedric para kumalma siya.

"Siguraduhin mo yan! Baka kayo na!" Sabi niya at umalis na, napatingin sa akin si Cedric at nagsmile sa akin, nagsmile ako sa kanya at yung puso ko tumitibok ng mabilis.

Nagsmirk si Zanna at sabi sa akin. "Move on na pala ha" sabi niya at sinundan niya sina Cedric.

--

A/N:

Hello loves!

12k reads na! Omygod thank you guys talaga sa pagbabasa ng confessions, sino kaya yung si Axel? Ano kaya ang magiging role niya? Abangan na lang ang susunod na kabanata! Thank you ;) dedicated to my friend Frances :)

Love you all

Bye

- Ann Dalandan x

Confessions of an Ugly DucklingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon