Chapter 33

38 0 0
                                    

Confessions of an Ugly Duckling - Chapter 33

Aira's P.O.V.

Heto ako ngayon nakasakay sa sasakyan ni Axel, napatingin ako sa bintana, para sa isang 6:00 pm napakadilim na ng gabi ha. Hindi pa rin ako mapakapaniwala sa mga nangyari kanina. Aira hinga hinga hinga ka naman uso yun.

Napatingin na lang ako sa labas, ang daming pangyayari in only one year, si Angel umalis nagbreak sila ni Cedric tapos biglang nag MIA si Cedric. Musta na kaya siya? Sana okay lang siya.

"Malapit na ba tayo?" Tanong ko kay Axel, napatingin siya sa akin ng mabilis at tumingin na agad sa daan.

"Oo medyo." Sabi niya at ngumiti. Hays yung pamatay niyang ngiti pa ha.

I think I have a crush on him, but I don't know. Ayaw kong maging rebound siya eh.... HAHAHAHA NAK NG UTAPS REBOUND DAW. HINDI NAGING KAYO NI CEDRIC HA. HINDI NAGING KAYO.

WALANG KAYO

Napahinga na lang ako ng malalim ano ba tong mga naiisip ko mga kagagahan ko na. Masyado akong nag assume na magugustuhan ako ni Cedric pero hindi kaya keri na lang. Atleast may bago na akong friend
I mean old friend na bumalik lang si Axel. Hindi ko akalain na ganyan siya magiging gwapo

*Flashback*

"Basta promise mo ha, babalik ka?" Sabi ng 9 year old me kay Axel habang umiiyak

"Oo ako pa, diba ako ang magtatanggol sayo pag may mang aaway sayo" sabi niya at niyakap niya ako

"Anak, aalis na tayo" sabi ng Mommy ni Axel

"Promise, babalik ako, Promise" sabi ni Axel at kumawala siya sa yakap naming dalawa at tumakbo papalayo sa akin.

*End of Flashback*

Promise...

At eto na nga siya andito na.. Hays ang cliche naman.

"Ano naman nasa isip mo?" Tanong niya sa akin

"Wala, naalala ko lang nung bata pa tayo, noong aalis ka na" sabi ko sa kanya at ngumiti ako sa kanya

"Yung promise ko sayo? Diba natupad ko na" sabi niya sa akin, at hininto niya na ang sasakyan. DID HE JUST FUCKING SAID THAT. UHG FEELS FEELS. KINIKILIG AKO LANDI SHET.

Tumingin ako sa labas at nasa isang party nga kami. Ang daming teenagers bleeh parang hindi ka teenager Aira.

Lumabas na ako ng sasakyan, pero naunahan ako no Axel na buksan ang pinto.

Nagtaas ako ng kilay sa kanya

"Wow ang bait mo naman bes" sabi ko sa kanya

"Syempre bes..." Sabi niya at parang medyo uneasy siya

May nasabi ba akong masama? Hala.

Di ko na namalayan na nauna na siya, lumapit ako sa kanya at hinawakan ko ang braso niya

"Ayos ka lang ba?" Tanong ko sa kanya

"Oo naman, ano ba" sabi niya at hinawakan niya kamay ko at hinila ako papunta sa loob. Pero di ko maintindihan yung nararamdaman ko may sparks?

Hala yae na, wala lang yan. Landi mo lang yan Aira.

Nakapasok na kami sa loob at jampacked nga, ang daming tao, may nagmamake out dun sa tabo, may nagsasayawan, may mga lasing na. Woah kung andito lang sina kuya patay ako papauwiin ako ng mga yun agad agad.

May lumapit sa amin na isang cute guy at nag bro hug sila ni Axel

"Hey man, sup?" Sabi nung cute guy kay Axel

"Ayee Calvin! I'm okay, I'd like you to meet my friend, Aira" at nag gesture si Axel kay Calvin sa akin.
Ngumiti ako sa kanya at nagintroduce

"Hi, I'm Aira" sabi ko ng medyo malakas kasi biglang lumakas yung music at inabot ko kamay ko for shakehands, kinuha niya ang kamay ko at hinalikan niya

"Hi beautiful I'm Calvin, I've heard alot of things from you" sabi niya sa akin nag wink.

Napatawa naman ako sa mga actions niya. Lmao. What just happened?

"Really like what?" Tanong ko sa kanya, napa english na rin ako

Ngumiti lang siya sa akin at nakita ko si Axel nagclench ang jaw niya, selos ba siya? hihi wag mag overthink masasaktan ka lang.

"Dude, is this the chick you've been telling me?" Tanong ni Calvin kay Axel

Nagblush siya, ang cute niya mag blush, pink na pink.

"Shut up" sabi niya kay Calvin

"Let's get some drinks" sabi niya sa akin at hinila niya ako.

"See you later guys" sigaw ni Calvin sa amin nung medyo malayo kami. Feeling ko medyo lasing na rin yun.

Nasa kitchen na kami at kumuha ako ng juice, kahit pinapayagan ako ni Daddy maginom, ayaw ko ngayon. Baka magpakawild ako dito.

"Saan kayo nagkakilala ni Calvin?" Tanong ko sa kanya

"Nagkakilala kami nun sa States" sabi niya cooly

"Teka teka ano nga pala yung pinagsasabi mo sa kanya about sa akin?!" Sabi ko sa kanya

"Wala naniniwala ka dun, lasing na yun ano ka ba" sabi niya at ininum niya yung inumin niya.

Ininom ko yung juice ko at tumingin sa paligid ko, maraming familiar na faces dito, mga kabatch at kaibigan ni kuya at nakita ko si Rendhrae na himala ha medyo matino na siya at siya ang dj dito tugs tugs tugs hahahahaha

Napapangiti lang ako sa mga naiisip ko ano ba yan. Tumingin ako kay Axel ay nakatingin na pala siya akin at titig na titig siya.

Pinagmasdan ko siya, ang ganda ng mga mata niya, matangos ang ilong hay jusko lord.

"May something ba sa face ko?" Tanong ko sa kanya

Napapikit siya ng ilang beses, anong nangyari sa kanya?

"Ah. Wala ang laki lang talaga ng pinagbago mo" sabi niya sa akin

"Ikaw rin naman" sabi ko. Totoo naman kasi di ko inexpect na ganun siya kapogi omg jswkkwmwjensz

"Tara sumayaw" sabi niya at hinila niya ako papuntang dance floor. Lagi na lang ako kinaladkad nito.

Hotline bling ang pinatutugtog at syempre sayaw naman kami parang si Drake sa music vid niya.

Todo sayaw kami ni Axel at di ko na namalayan may humila sa braso ko at napatingin ako sa mukha nung nakahila sa akin.

"Aira???"


----

A/N:

Hello Loves!

Merry Christmas! Well belated actually! Hahahaha thank you sa pagbasa ng chapter nito. Thank thank you so much. Love you all.

- Ann xx

Confessions of an Ugly DucklingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon