Chapter 8 *We're just friends*

456 21 13
                                    

Chapter 8

Louverne's POV

"Good morning sunshine!" sabi ko sa sarili ko pagkagising. Good mood nanaman ako. Ewan ko lang kung bakit, basta ang sarap ng tulog ko.

Tumayo na ako at inayos ang kama ko, pumunta sa bathroom at nag toothbrush at hilamos. Bubuksan ko na sana yung pinto nang may nakita akong isang note sa ilalim nang pinto. Halatang dinaan ito sa ilalim.

Good morning LOVE :) Happy first day of our friendship! ;) 06/10/14

- HATE

After kong mabasa yun, napangiti na lang ako. Okay? Sweet. Paghawak ko ng door knob, sumakit yung ulo ko. Epekto ng inuman kagabi I think. Pero hinayaan ko na lang, at lumabas.

Oh? Bakit walang may pumapansin sa akin? Dahil ba kagabi?

"Hi Zymber, good morning!" bati ko sa kanya.

"Oh ano nakain mo?" tanong niya. I just gave him a what-are-you-talking-about-look.

"Alam mo, bipolar kang bruha ka!"

"Gaga! Alam mo naman na first ko yun! Di kasi ako nakikinig pag si HA-- Ace na. Kaya wala talaga akong idea"

"So okay ka na ngayon?"

"Siguro?"

"Abnoy lang yan ang pinsan ko! Nag enjoy din naman siya  kagabi!"

"Tumigil ka nga diyan Daine!"

"Uyy!Kinikilig!"

Tatakbo na sana ako pupunta sa kanya para bugbugin nang lumabas si Ace sa kwarto niya.

"Good morning!" bati niya sa amin at natahimik ang lahat.

Sabay silang lahat na tumingin sa akin, balik kay Ace, sa akin ulit, balik naman kay Ace. Kaya nag smile na lang ako sa kanya.

"Ganun na lang yun? Good morning at smile lang, okay na ang lahat?" tanong ni Cailey.

"Mukhang may naaamoy akong kakaiba dito ah?" - Zymber

"I feel something fishyyyyy. Ano sa'yo Pat?" sabi ni Earvin sabay tingin kay Patrick.

"Ewan ko sa inyo. Handa na ang almusal, tara na at kumain" cold na sabi ni Patrick then nauna na siya sa dining.

"Anyare dun?" tanong ni Earvin.

"Sa kanya mo pa kasi tinanong!" sabi ni Zymber.

Sumunod na yung iba naiwan si Ace at ako.

"Wag muna ngayon. Let's just pretend that we're still not okay" after kong sinabi yun, umalis na ako.

Umupo na ako then nag start kumain. Chikahan sila. Si Patrick, Ace at ako, tahimik lang.

"May nangyayari ba dito na di ko alam?" tanong ni Cailey. nabilaukan naman ako kaya uminom ako ng tubig.

"Busog na ako." sabi ni Patrick tas tumayo na at umalis.

nagkatinginan silang lahat.

"Selos yun malamang" - Raeka.

"Ako din, busog na ako. Shower lang ako guys" tumayo na ako, niligpit ang pinagkainan ko at bumalik sa kwarto. Sumunod naman ang mga tingin nila sa akin. Before ako nakalayo sa dining, narinig kong tinanong nila si Ace.

"May alam ka ba dito Ace?" Alam kong si Cailey yun. Di ko alam if sumagot si Ace kasi nakapasok na din ako sa kwarto.

Pagkapasok ko, humiga ako sa kama. Di ko alam kung bakit ako affected sa mga kilos ni Patrick. Hindi lang talaga siguro ako sanay na ganun siya at hindi din niya inasahan na hahalikan ako ni Ace kagabi. Ni hindi ko nga siya pinayagan tas si Ace dahil di lang ako nakikinig, nahalikan na ako. Nagulat din kaya ako.

LOVE meets HATETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon