Chapter 27 *Sticky note*

330 20 8
                                        

Chapter 27

Hannah's POV

"Harrison..." Ate Lou called Kuya, so are they okay na ba after the kissing incident at the hospital?

I looked at kuya with a grin on my face... He looked at me poker face -_- Nandito kaming tatlo sa living room. Mas gusto kasi ni Mama na dito kami kesa mag mukmok sa sariling kwarto...

Ako, busy kakatext... Ang kulit kasi ni Kevin.. Sorry ng sorry... remember nung sa mall na nakita sila namin that he's with Pam? Hanggang ngayon kasi di ko pa rin siya pinapansin... Lalo na si Pam..

Si Ate Lou naman ay nag-aaral para sa mga quizzes niya since marami na din siyang na miss at kanina niya pa tinatawag si Kuya na busy manood ng tv... He's watching NBA then he will change the channel naman sa Star Movies then to Hero... Mahilig din kasi sa anime ang isang to...

"Harrison..." di pa rin siya pinapansin ni Kuya... Suplado talaga ng kuya ko...

"Kuya!" tawag ko sa kanya... he gave me a what-do-you-want look then I raised an eyebrow at tinuro ko si Ate Lou gamit ang bibig ko

"What?!" suplado niyang sabi kay Ate Lou... halata namang nagulat ito...

She looked at me then I winked at halata naman na naguguluhan ito...

"Ah...eh.."

"Mamaya mo na lang ako kausapin pag alam mo na ang sasabihin mo" then binalik ni Kuya ang mata sa tv.

Napatahimik si Ate Lou at binalik ang focus niya sa binabasa... For sure magpapaturo yun kay Kuya! 1 week din siyang di nakapasok kaya mahirap talagang humabol...

Tinitingnan ko lang silang dalawa...

Natatawa ako kay Kuya kasi sumisilip siya kay Ate Lou ng palihim at mapapangiti ito ng konti... Ang cute talaga nila... sana sila na lang... Okay naman ako kay Ate Lou eh... Magkakilala naman ang family namin...

"What are you looking at?" He said at me... Nagulat naman ako... Nag de-daydream pa ako sa future nila eh! KJ talaga ang isang to!

"Hehe... wala naman..."

Napatingin sa amin si Ate Lou.. halatang nahihirapan na talaga siya.

"Harrison Ace! Patulong naman sa College Algebra oh..." pagmamakaawa ni Ate Lou! I told ya! Magpapatulong nga... Nag puppy eyes pa siya... Ang cute!

"I'm tired..." Kuya told her...

"Tired? eh nanonood ka lang naman diyan eh..." Ate responded

"Nakakapagod kaya maglipat ng channel" psh... nagpapalambing nanaman ang isang to!

I know Kuya Harry that much.. ganyan din kasi siya sa akin eh... Kunwari ayaw... Gusto lang naman niyang kulitin mo siya eh... yung pipilitin mo at lalambingin...

"Fine!" Ate Lou said then rolled her eyes... niligpit niya yung gamit niya at umakyat papuntang room niya.. Hahaha ayan! Nag walk out!

"Halaka! Nagalit!" pagbibiro ko kay Kuya...

"Siya na nga magpapatulong siya pa magagalit..."

"Hindi kasi effective yang pagpapapansin mo... Ano akala mo sa kanya, ako na pwede mong utuin at asarin?"

"Tumahimik ka nga!" sabi ni Kuya at pinatay yung tv...

"Oy ano ba? Nanonood ako!" pagrereklamo ko.

"Edi i-on mo" sabi niya at hinagis sa akin yung unan sa sofa at umakyat na din... Problema nun?

I turned on the TV then palipat lipat lang ako ng channel and charaaan! sa YAN's Channel ako napadpad... Grabe ang gagaling talaga rumampa ng mga model dito... Yung channel na to ay puro banda lang music... tas models kasi may clothing line din ang mga ito...

LOVE meets HATETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon