*Chapter 4*

127 12 0
                                    

*Chapter 4*

Dalawang linggo na ng sinabi ni Av ang tungkol sa role ko bilang best friend niya sa movie. Hindi pa ako kasama sa rehearsal dahil malayo pa lalabas ang role ko sa movie ni Skyler. (Mali yung sinabe ni Av nung last last monday tungkol sa rehearsal ko.)

Alam niya naman ayaw na ayaw kong kasama yung mayabang na lalaking yun!!! Lalo na dahil may history na nangyari sa amin. Hindi ako bakla ahhh baka ganon isipin niyo ehhh.. Sa susunod ko nalang kukuwento.

Niligpit ko na lahat ng ginamit ko sa pagluto at hinugasan. Nilagay ko na din sa container yung chicken soup at naglakay na ako ng green tea sa tumbler na dadalhin ko.

Naglinis muna ako ng bahay bago magluto para hindi maalikabokan ang iluluto ko minsan nalang kase ako nakakalinis ng bahay dahil busy ako sa pagaaral at pagmanage ng mga resturant.

Lumabas na ako ng kuwarto at kumatok sa part ng bahay ng kambal. Nakadalawang katok ako ng bumukas ang pinto at nagpakita si Vin. Binigay ko sa kanila ang niluto kong pagkain.

"Oh eto dinner niyo. Hugasan niyo pagtapos niyo kumain ha? At sabihin mo kay Ern magluto siya ng kakainin niyo bukas." ako

"Kuya Starn san kapupunta?" Marvin

"Tiba nga kanila Av" ako

"Ay oo nga pala. Sige ingat ka!" siya

Sabay non naglakad na ako papuntang elevator, pinindot ko at down button at biglang bumukas ang right evevator. Pumasok ako at pinindot ang ground button.

Ilang sandali pa at nakalabas na ako, nilabas ko ang payong ko ng nalamang umuulan at binuksan. Nagpara ako ng taxi at sumakay....

//Avon's POV\\

Grabe ang sakit ng katawan ko. Hindi din ako masyadong nakakatulog nitong mga nakaraang araw.

Nahihirapan akong tumayo sa higaan pero kailangan kong bukasan ang pintuan sa baba.

"Sandali la- *cough*cough* nandyan na!"ako

Binuksan ko ang pintuan at nakitang nandoon si Drake at may dalang paper at plastic bag. Siguro lulutuan niya ako. Napansin ko din may dala rin siyang pang linis ng bahay ayos may free maid ako ngayon!!

"Pasensiya na ah? Kung medyo natagalan ako pumunta pa kase ako sa supermarket at Pharmacy para bumili ng gamot mo. Maglilinis din ako ng bahay mo at baka lumala pa yang sakit mo."siya

"Pasok ka." Iniwan ko lang nanakabukas ang pintuan para makapasok siya at sinubukang konin ang iba niyang dala.

"Ako na dito umakyat ka na. Grabe ang init mo. Dadalhan kita ng soup at tea pagumakyat ako." Tinulak niya ako sa dereksyon kung saan ang hagdanan papuntang second floor. Sinunod ko nalang siya at umakyat.

Humiga ako sa higaan at hindi napansin na nakatulog pala ako...

(Drake's POV)

Nilapag ko ang mga dala ko at kinuha ang soup para mainit sa kusina. Kinuha ko ang lutuan nila Av para mainit. Iniwan ko muna yun para uminit at nagwalis at nagmop muna ako.

Mga ilang sandali may narinig akong tahol ng aso. Napatingin ako sa pintuan ng sala nila Av at nakitang pumasok si Foxilyn aso ni Av na medyo mukang fox. ( a/n:Sa susunod ko nalang ipapakita si Foxilyn. Sila Ern at Vin ang nasa multimedia) Ang cute talaga nito.

Kinamot ko ang ilalim ng baba niya at hinihimas ang ulo niya. Mukang nageenjoy naman siya dahil nagiisway ang buntot niya.

Bigla kong naamoy ang iniinit kong soup. Buti nalang at hindi nasunog at nabawasan ang soup. Naglagay ako sa isang bowl at naglagay din ako ng baso na may tea na. Nilagay ko ang mga ito sa tray at naglagay din ako sa gilid ng tray ng gamot ni Av naiinomin.

°Hidden Pain°Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon