Demi Lei
Ang bilis lumipas ng araw, malapit na palang mag February. Magva-valentines na pala.
"Anong plano niyo ng jowa mo sa Valentines?" Tanong sa akin ni Candice.
"Hindi ko alam eh. Alam mo namang busy yun masyado." Napabuntong-hininga naman ako.
"Alam mo, malakas yung kutob ko na may iba yan eh." Biglang sabi niya.
"Paano mo naman nasabi yan Candice?"
"Feel ko lang. Tsaka ano bang pinagkakaabalahan niya? Kung sobrang busy siya sa pag-aaral pwede naman siyang gumawa ng paraan para makasama ka niya eh. Maraming paraan, siguro ayaw niya lang dahil may dahilan." Makahulugang sabi pa niya.
"Ay nako. Ewan ko sayo. Wag mong pakelaman love life ko. Maghanap ka na kasi diyan. Hindu yung sa akin ng sa akin yung pinupuna mo." Inirapan niya naman ako.
"Study first muna bago yang love life achuchu na yan. Ayoko munang makaramdam ng sakit dulot ng pagmamahal."
"Wow! Lalim nun ah." Biro ko la sa kanya. Maganda naman si Candice eh. Sa katunayan nga ang daming nanliligaw sa kanya pero wala siyang sinasagot maski isa.
Saktong dumating na yung prof namin kaya nakinig na kami sa lecture. Kailangan kong mag-aral mabuti. Mahirap na noh! Baka pagalitan nanaman ako ng tatay kong MAHAL NA MAHAL AKO.
Papunta na ako ng parking area kaso biglang nagvibrate yung phone ko. Chineck ko naman yun, si Alexina yung nagtext. Himala ata dahil minsan lang siyang magtext ng kusa. Palagi kasi ako yung unang nagtetext sa kanya eh.
"Mauna na ako Dems! Ingat ka." Sabi sa akin ni Candice, nakasunod na pala siya sa akin. Tinanguan ko na lang siya.
Nakikipagkita sa akin si Alexina kaya naman agad akong sumakay sa sasakyan ko. Sinabi niyang magkita kami sa kinakainan naming restaurant. Wala pang 15 minutes nasa tapat na ako ng restaurant.
Agad naman akong pumasok sa restaurant at hinanap ko siya. Agad ko naman siyang nakita. Naupo ako sa tapat niya.
"Naka-order ka na?" Nakangiting tanong ko sa kanya. Umiling naman siya. Akma ko sanang tatawagin yung waiter pero agad siyang nagsalita na parang bigla akong nabingi sa sinabi niya.
"Magbreak na tayo." Straight to the point na sabi niya.
"H-ha?" Tanging nasabi ko na lang.
"Sabi ko magbreak na tayo. Ayoko na."
"Pe-pero bakit?" Pinilit kong maging matatag kahit gustung-gusto ko ng umiyak.
"Hindi ko kayang pagsabayin ang studies at love life. I'm sorry." Yun lang ang sinabi niya at tuluyan na siyang umalis sa harap ko.
Kahit nasaktan ako hindi ko magawang umiyak. Hindi ko alam kung bakit. Malungkot na umuwi ako ng bahay. Naabutan ko si Iris sa may labas ng bahay na parang may hinihintay.
"Oh Iris, bakit nasa labas ka pa? Gabi na ah." Patakbong lumapit naman siya sa akin.
"A-ate... Inaantay ka ni daddy sa loob." Hindi mapakaling sabi niya.
"Bakit daw?" Tanong ko pa sa kanya.
"Ka-si a-ate... A-alam na ni Dad." Taka ko naman siyang tinignan.
"Anong alam?" Takang tanong ko. Magsasalita pa sana siya pero hindi na niya naituloy dahil tinawag ako ni daddy. Napayuko naman si Iris.
Agad naman akong sumunod kay daddy. Naabutan kong nandun si tita mommy na tahimik lang na nakaupo.
"Ano tong mga toh ha?" Galit na tanong niya sa akin. Kasabay nun ang paghagis niya sa baba ng mga pictures? Agad ko namang kinuha ang mga iyon.
Halos manigas ako ng makita ko kung sino yung nasa litrato.
"Akala mo ba hindi kita pinapasubaybayan ha? Pinalaki kita ng maayos tapos malalaman kong tomboy ka pala ha!" Galit na sigaw ni Daddy. Nasaktan ako sa sinabi niya.
"Ano naman sa inyo kung ganun ako? Wala naman kayong pakielam sa akin diba?" Bigla naman akong sinampal ni daddy.
Tumayo naman si tita mommy at inawat si daddy. Si Iris naman nilapitan ako.
"Hindi ka ba nadidiri ha? Pareho kayong babae! Ano bang pumasok sa kukote mo ha?"
"Hon, ang puso mo. Huminahon ka." Saway sa kanya ni tita mommy.
"Anong nakakadiri dun ha? Masama na bang magmahal? Anong mali dun ha!" Ngayon ko lang nasagot yung tatay ko. Ilang taon akong nagtimpi pero ngayon hindi ko na kinaya kaya naman nasagot ko ka siya, nasagot ko siya dahil sumusobra na siya at wala naman akong ginagawang mali eh.
"Wala kang alam sa pagmamahal!" Sigaw pa niya.
"Wala talaga! Ni hindi ko nga naranasan na mahalin ako ng ama ko eh!" Halos tumulo na pala yung luha ko.
"Ate.." Mahinang sabi ni Iris sa akin habang yakap-yakap niya ako sa likod ko. Bigla namang natahimik si daddy sa sinabi ko.
"Sa ayaw at sa gusto mo, ipapakasal kita sa anak ng kumpare ko." Tukoy niya dun sa kinakapatid namin na si Lance. Palagi niyang pinagpipilitan sa akin si Lance, ayoko naman dahil halatang babaero at kung makatingin pa'y akala mo hinuhubadan ka na.
"AYOKO! HINDI AKO MAGPAPAKASAL SA LALAKING YON! WALA KANG KARAPATAN NA PUMILI KUNG SINO YUNG PAPAKASALAN KO! HINDI KO NAMAN LUBOS NA KILALA YUN! Ipapakasal mo ako sa taong hindi ko mahal ha?" Halos hingalin ako dahil sa bilis ng tibok ng puso ko.
"Sundin mo na lang inuutos ko!" Madiing sambit pa niya.
"Diyan ka naman magaling DADDY eh! Pagdating sa akin palagi na lang akong sunud-sunuran sayo! Hindi ko robot! Nakakapagod at nakakasawa na! Hindi na ako papayag pa sa gusto mo!" Agad namang lumapit si daddy sa akin at sinampal nanaman ako. Halos mamanhid yung pisngi ko sa lakas ng pagkakasampal niya.
"Daddy!"
"Reynaldo!"
Sabay na sabi ni Iris at tita mommy. Buti na lang wala dito si Allison.
"Kung ayaw mong sumunod sa akin, lumayas ka!" Yung lang at tinalikuran na niya kami.
Niyakap naman ako nina Iris at tita mommy.
"Kukunin ko na po yung mga gamit ko." Sabi ko sa kanila.
"Aalis ka ate? Iiwan mo kami?" Naiiyak na din si Iris. Tipid na ngumiti ako sa kanya.
Nag-impake naman ako kaagad. Buti na lang may ipon ako. Dahil alam kong ipapasara ni daddy yung credit card ko, iniwan ko na din yun dahil wala akong mapapala dun tsaka pera yun ng tatay ko. Ayoko ng umasa sa kanya. Kailangan kong tumayo sa sarili kong paa.
"Saan ka naman pupunta? May matutuluyan ka ba?" Tanong sa akin ni tita mommy habang nilalagay ko yung mga gamit ko sa backseat ng sasakyan ko. Dadalhin ko yun sasakyan ko dahil hindi naman yun galing sa daddy ko. Regalo sa akin yun ni tita mommy.
"Meron na ho. Wag kayong mag-alala. Kaya ko po toh."
"Ate, text mo agad sa akin yung address ng tutuluyan mo ha? Para mapupuntahan ka namin ni mommy." Tumango naman ako kay Iris at niyakap siya.
"Basta kapag kailangan mo ng tulong o ng pera, tawagan mo kami ha? Wag kang mahihiya. Nandito lang kami para sayo. Palagi mong tatandaan na mahal na mahal ka namin." Halos maluha naman ako sa sinabi ni tita mommy at niyakap ko siya.
Napakalas lang kami ng yakap dahil biglang nagsalita si daddy.
"Ano pang hinihintay mo? Umalis ka na at huwag ng bumalik pa dito!"
Napatiim bagang naman ako at sumakay na sa kotse. Sumulyap muna ako malaking bahay ng aking ama.
Mag-aaral akong mabuti at magsisikap na makatapos. Balang araw may maipagmamalaki din ako.
¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤
Sinipag akong magtype kaya may UD. Sana back to back na toh :3
-Bee :)
BINABASA MO ANG
Payne Sisters Series: Demi Lei
RomanceDemi Lei Payne - First daughter of Reynaldo Payne. Mula ng mamatay yung nanay ni Demi dahil sa panganganak, nag-asawa ulit yung daddy niya. Kaya naman nagkaroon siya ng step mother. Mabait naman yung step mom niya. Biniyayaan naman ito ng dalawang a...