Zaireen
"Wow! Halatang masaya ka ngayon bro!" Sabay yakap sa akin ni Taylor dito sa bahay nila. Naisipan ko kasi siyang bisitahin.
"Siyempre naman. Finally, kami na." Masayang balita ko sa kanya. Binuhat ko naman yung tumatakbong anak niya na magti-three years old, inaanak ko.
"How are you baby girl?" Tanong ko sa inaanak ko.
"I'm fine po ninang." Nakangiting sagit niya. Agad ko naman siyang ibinaba dahil tinawag ito ng mommy niya. Guess who?
"Hey, Abbey. Kamusta ka?" Inakbayan naman siya ni Taylor.
"I'm good. Ikaw kamusta? Mukhang blooming ka ha." Napangiti na lang ako sa sinabi niya.
"Eto, finally nagkalove life na and kami na din sa wakas!" Masayang kwento ko sa kanya. Halatang masaya naman sila para sa akin dahil alam nila na matagal ko ng lihim na minamahal si Demi.
Una pa lang alam kong may gusto na si Taylor kay Abbey kaya nga minsan iniiwasan ko si Abbey noon. Lapit kasi ng lapit sa akin si Abbey. Si Taylor naman medyo tinatanggi niya pa kapag tinatanong ko siya. Si Taylor ang naging karamay ni Abbey ng masaktan siya dahil sa akin kaya naman hindi na ako magtataka kung magiging sila tsaka napapansin ko din na habang tumatagal ay parang nagkakagusto na si Abbey kay Taylor.
Pinagtapat naman sa akin ni Abbey na inutusan at binayaran niya lang si Demi na gumawa ng eskandalo sa restaurant para maghiwalay kami ni Sanne dahil gustong gumanti sa akin ni Abbey, pinaasa ko daw kasi siya. Kaya naman nagawa yun ni Demi ay para may pandagdag siya sa pambayad niya sa tuition niya. Napagkaalaman ko kasing pinalayas si Demi ng daddy niya. Nagwoworking student daw si Demi pero natanggal ito sa pinapasukan niyang coffee shop, sa tingin ko siya yung nakita ko noon kaya imbes na magalit ako sa paliwanag ni Abbey noon, inintindi ko na lang.
"Hey, bro. Mukhang malalim iniisip mo ha." Napatigil naman ako sa pag-iisip sa nakaraan ng magsalita at tapikin ako ni Taylor.
"Oh, sorry." Hingi ko ng pasensya sa kanila.
"Kailan niyo balak magpakasal?" Tanong ni Taylor.
"Kasal agad? Eh magwa-one month pa lang kami eh." Napakamot naman ako sa batok ko.
"Bro naman! Magti-trenta na kayo alam ko. Hello? Hindi kayo bumabata. Mamaya niyan mahirapan mag-anak si Demi." Natatawang binato naman niya ako ng unan pero nasalo ko naman.
"Hahanap muna ako ng tiyempo. Gusto ko na din naman na magkaroon na ng sariling pamilya eh."
"Yun naman pala eh! Yayain mo ng magpakasal sa lalong madaling panahon." Sabi naman ni Abbey.
"Oo. Basta naghahanap lang ako ng timing. Easy lang guys." Natatawang sabi ko sa kanila.
-
"Candice, nasaan si Demi?" Tanong ko kay Candice dahil hindi ko mahanap si Demi.
"Ay, hindi siya makakapasok eh. Masama daw pakiramdam. Tumawag sa akin yung kapatid niya kanina." Bigla naman akong nag-alala.
"Sige. Salamat. Puntahan ko na lang sa kanila." Tumango naman sa akin si Candice.
Bago kami pumunta ni Collin sa bahay nila Demi, bumili naman ako ng prutas at ng bulaklak. Minsan napapagkamalan ng iba na anak ko si Collin, madalas ko kasi siyang kasama lalo na ngayon at nagwoworking student si Olivia pero isang taon lang naman para matapos niya yung kurso niyang culinary.
BINABASA MO ANG
Payne Sisters Series: Demi Lei
RomanceDemi Lei Payne - First daughter of Reynaldo Payne. Mula ng mamatay yung nanay ni Demi dahil sa panganganak, nag-asawa ulit yung daddy niya. Kaya naman nagkaroon siya ng step mother. Mabait naman yung step mom niya. Biniyayaan naman ito ng dalawang a...