Chapter 7

9.3K 305 23
                                    

Zaireen

"Zai, sabihin mo na kaya kay Abbey na tigilan na niya yung panliligaw niya sayo. May girlfriend ka na kaya tapos nagpapaligaw ka pa. Sarap mong kutusan eh." Naiiling na sabi ni Taylor sa akin.

"Nabuwelo lang ako Tay. Ayoko lang kasing makasakit ng feelings."

"Eh mas lalo mo silang masasaktan kung pinapaasa mo lang sila. Hay nako! Ikaw talaga ayan ang problema sayo eh, masyado kang mabait tssk. Diyan ka na nga." Akma na sana siyang tatalikod pero may sinabi pa siya.

"Siya nga pala, malapit na graduation natin. May balak ka ba pagtapos ng graduation natin?" Tanong pa niya.

"Pag-iisipan ko pa." Tumango naman siya sa akin at tumalikod na.

Saktong palapit si Abbey sa akin ng iwan ako ni Taylor. Nakita ko pang nakatingin sa amin si Taylor at napapailing na lang.

"Hi Zai." Nakangiting bati ni Abbey sa akin. Ngumiti naman ako ng tipid sa kanya.

"For you nga pala. Binake ko yan para sayo." Sabay abot niya sa akin ng isang paper bag. Tinanggap ko na yun baka kasi sumama loob niya.

"Uhmm... Abbey. Ano kasi eh..." Paano ko ba toh sasabihin sa kanya? Ang ganda pa naman ng mga ngiti niya.

"Ano yun? Sasagutin mo na ako?" Biro pa niya sa akin sabay humagikgik siya.

"Ano kasi eh.. may girlfriend na ako..." Nakayukong sabi ko sa kanya. Ayoko kasing makitang masaktan siya dahil mabilis lumambot ang puso ko.

"Bakit hindi mo sinabi agad? Umaasa akong gusto mo din ako pero pinaasa mo lang pala ako. Totoo nga sabi nila, ang babaera mo." Naiiyak niyang sambit. Napansin kong aalis na siya pero agad din siyang bumalik sa harap ko at biglang hinablot yung paper bag na binigay niya sa akin.

"Akin na tong cookies ko!" Inis na sabi niya sabay alis. Napakamot naman ako sa ulo ko. Narinig ko naman ang pagtawa ni Taylor na palapit na sa akin.

"Ang epic! Hahaha. Binigay na tapos binawi pa. Parang yung nasayo na nga pero pinakawalan pa or I must say... Sayo na nga pero inayawan mo pa kasi may iba kang mahal. Sheket nemen nun. Kawawang Abbey." Bigla naman siyang nalungkot sa sinabi niya sa huli. Gusto ko sanang magtanong pero nag-iba na yung expression ni Taylor. Naging masaya na ulit siya.

"Tara! Bar tayo!" Masayang aya niya sa akin at inakbayan ako. Pumayag na ako dahil palagi ko siyang hindi sinasamahan.

-

Nagdaan ang Sabado at Linggo puro review lang ako. Malapit na kasi ang finals. Pasukan nanaman, pagtapos ng class namin nag-ayang kumain sa labas si Sanne. Hindi na sumama si Taylor dahil may pupuntahan daw siya kaya kami na lang ni Sanne.

Ang ganda na sana ng araw ko kaso biglang nasira eh dahil lang dun sa babaeng yun. Kasabay nun ang pagsampal ni Sanne sa akin sa may restaurant at sinabing break na kami. Ilang minuto din akong nakatulala lang. Dapat ba ako maging masaya? O magalit? Napansin kong madami na palang tumitingin sa akin kaya naman binayaran ko na yung kinain namin kanina tsaka umalis ng restaurant.

-

"I'm sorry... may mahal na akong iba." Sabi ni Kelsey sa akin. 2 months lang ang itinagal ng relasyon namin. Kasabay nun ang pag-alis niya dito sa bakeshop nila Samara na pinupuntahan namin madalas.

Ilang taon na ba ang lumipas nung nagyari ang pakikipagbreak ni Sanne sa akin? 9 years na ata? Mukhang nagkatotoo yung sumpa sa akin ng babaeng yun.

Last na toh. Ayoko na. Tatanggapin ko na lang na tatandang dalaga ako. Sabi ko sa sarili ko. Malungkot na lumabas ako ng restaurant at napatingin sa kalangitan. Ang ganda ng sikat ng araw pero yung araw ko hindi maganda. Bigyan niyo naman ako ng sign na hindi ako tatandang dalaga. Nagtry akong magpaligaw sa guy pero wala talaga akong matipuhan. Kung may matitipuhan naman ako eh bakla naman.

Buti pa yung kapatid ko, may anak na sila ni Samara. Minsan nga naiinggit ako sa kanila eh gusto ko na din kasing magkaroon ng sariling pamilya. Pero masaya ako para sa kapatid ko. Ilang years din kasi siyang malungkot at hindi matanggap ang pagkawala ni Natasha. Sobra din akong nalungkot nun at nahihirapan sa tuwing nakikita kong nahihirapan din si Zaya. Palagi kasi siyang nagkukulong sa kwarto niya kaya naman ako na muna ang nagmanage ng iba naming negosyo. Sobrang naging busy ako nun kaya wala na sa isip ko ang magkaroon ng girlfriend. Si Kelsey lang maging girlfriend ko sa nakalipas na ilang taon pero hindi din kami nagtagal. Napabuntong-hininga naman ako.

"Oh ate Zai. Kamusta?" Tanong ng nakasalubong kong si Helena, kapatid ni Samara. Bestfriend naman ni Zaya si Helena.

"Ayos lang. Ikaw kamusta?" Balik tanong ko sa kanya. Tipid na ngumiti siya sa akin at sinabing ayos lang din daw siya pero alam kong hindi siya ayos lang dahil sa nangyari sa kanya. Bakas sa mga mata niya ang lungkot. Agad naman siyang nagpaalam sa akin.

Niligawan ako ni Helena pero hindi ko siya sinagot dahil pinagsabihan ako ni Zaya tsaka para ko na din namang kapatid si Helena, maging yung mga kaibigan ni Zaya.

Patulog na sana ako nang nagring yung phone ko.

"Oh Zaya, napatawag ka?"

"May bago tayong mall na ipapatayo Ate eh. Nasabi na ba sayo ni daddy?"

"Oo. Nasabi na niya." Nag-usap pa kami saglit ni Zaya bago ko binaba yung tawag.

"Haayyyy... buti pa yung trabaho ko hindi ako iniiwan." Sambit ko sa sarili ko at nahiga na sa kama.

May sa mangkukulam ata yung babaeng yun eh. Sabi ng isip ko. Hindi pa din kasi ako natutulog. Nakatingin lang ako sa kisame ng kwarto ko.

Nagtataka talaga ako kung bakit ganun inasta ng babaeng yun. Magbabayad siya kapag nagtagpo ang landas namin. Humanda siya! *Evil laugh*

-

"Kelan daw ba uumpisahan itayo yung mall?" Tanong ko kay Zaya na nandito sa office ko.

"Next week na daw Ate eh." Napailing maman ako sa pagtawag niya ng ate sa akin, natawa naman siya.

"Pansin ko lang, hindi ka ata kinukulit ni Kelsey?" Tanong pa niya. Napabuga naman ako ng hangin.

"Wala na kami." Sabi ko sa kanya.

"Ooowwww..." Tanging nasabi na lang niya.

"May tanong ako sayo lil sis." Takang tumingin naman siya sa akin.

"Ano yun?"

"Naniniwala ka ba sa sumpa?" Wala sa sariling tanong ko sa kanya. Tumawa naman siya ng malakas sa sinabi ko kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Bakit mo naman kasi natanong yan?" Nagkibit-balikat naman ako at malungkot na tumingin sa kanya.

"May problema ba?"

"Baka kasi nagkatotoo yung sumpa sa akin ng babae. Remember diba nakipagbreak sa akin si Sanne?" Tumango naman siya at inaantay akong ituloy yung kwento ko.

"Kaya nakipagbreak sa akin si Sanne dahil may babaeng umeksena." Kinuwento ko naman sa kanya yung nangyari.

"Baka kaya wala akong nagtatagal na karelasyon eh dahil dun." Malungkot kong sabi sa kanya.

"Baka kasi hindi pa dumarating yung para sayo. Hintayin mo lang  malay mo mamaya, bukas, sa isang iraw o sa isang linggo, buwan eh makilala mo na yung taong para sayo."

"Eh? Hihintayin ko pa? 29 na ako ohhh. Baka mawala na edad ko sa kalendaryo tapos wala pa akong sariling pamilya. Mukhang tatandang dalaga na nga ata ako." Naiiyak kong sambit sa kanya. Tinapik naman niya yung balikat ko.

"Nandito naman kami ate eh. Hindi ka namin iiwan." Minsan talaga parang si Zaya yung panganay sa amin.

"Sige na. May meeting ka pa." Taboy ko sa kanya. Tumawa naman siya at lumabas na ng office ko.

"Paper works again." Sambit ko sa sarili ko.

Woooo! Pakasalan mo na trabaho mo. Singit ng isip ko. Nagkibit-balikat naman ako at tinuloy na ang pagbabasa sa mga papeles at pagpirma.

¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤

Zai pic 🔝

-Bee :)

Payne Sisters Series: Demi LeiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon